Kabanata 2
“ Nay ok lang ho ba talaga na ikaw muna magbabantay kila laira?” bukas na kasi ang alis ko. Nag-aalala ako kay nanay. Malilikot kasi sila laira at dion baka mahirapan si nanay magbantay sa mga ito, lalo na’t wala ako.
“ Ano ka ba naman! Ok Lang anak, kaya ko naman. Atsaka napakalakas ko no. “ masiglang turan ni nanay.
Nasabi ko na kay nanay na mamamasukan ako doon sa pinagtatrabahuan ni nanay Percy.Pumayag naman ito at nagsabing siya na muna ang bahala sa mga bata. Pero nag-aalala talaga ako at baka hindi kayanin ni nanay ang energy ng mga batang ‘yun.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maasikaso na ang mga dadlhin ko para sa pag-alis. Sabi ni nanay Percy sa Akin ay suaunduin niya ako dito. Nasabi na rin sa akin ang trabaho ko doon. Hindi naman mahirap dahil aalalay lang naman daw ako sa amo ko, kung may iuutos ito. Hindi ako maglilinis o maglalaba tanging pag-aalalay lang daw ang gagwin ko.
Napaisip tuloy ako sa amo ko. Lumpo ba siya at kilangan ng aalalay sa kanya? Parang bodyguard pala ang peg ko nito. Mas ok na’to kaysa sa walang trabaho no.
Maya-maya ay dumating na si nanay Percy.
“Nay kayo na po bahala dito ah. “ paalala ko kay nanay at tiningnan ang dalawang bata na halos paiyak na.
“wag kayong magpasaway kay lola P huh?” tumango-tango naman ang mga ito at niyakap ako.
Nakakalungkot dahil maghihiwalay kami ng matagal-tagal. Kahit makukulit itong mga ito mahal na mahal ko sila.
“Laira alagaan si dion at lola P niyo “ mas matanda kasi si laira kaysa kay dion. 8 years si laira at 5 years old naman si dion.
“Opo tita. Akong pong bahala kila lola. “ masayang saad nito.
“ aalagaan ko din po sila ate laira kasi good boy po ako. “ bibong-bibong sagot naman ni dion. Nilapitan ko siya tsaka binigyan ng nakapahigpit na yakap at halik. “I love you po. “
~~
Namangha agad ako sa naggagandahang bahay pagpasok pa lang namin sa isang exclusive subdivision na tinatahak namin ni nanay Percy. Napakaganda ng mga kabahayan rito at naglalakihan Pa. Naalala ko Pa noon noong nasa high school ako, pinagawa kami ng dream house namin. At itong-ito yun, kaparehas ng mga nakikita ko ngayon dito.
Kailan ko kaya magagawa ang dream house na gusto ko?
Biglang huminto si nanay Percy sa tapat ng isang kulay gintong mansyon. Wow! Ito na ata ang pinakamalaki at magandang bahay na nakita ko dito. Sobrang yaman pala talaga ng amo ko.
“dito na ho ba nay? “ biglang tanong ko kay nanay habang ‘di Pa rin naaalis ang titig sa mansyon dahil sa pagkamangha.
Ngumisi lamang si nanay Percy sakin tsaka tumango bago tumungo sa gate. Bumukas ito at iniluwa ang guard.
“ nakabalik ka na po manang. “ masayang salubong ng guard sa mansyon.
“ naandiyan ba sila ma’am elise? “tanong niya rito at tinawag ako para pumasok na sa loob.
“Nariyan po manang. Kararating Lang po nila. “ sagot ni kuyang guard sabay baling ng atensyon sa akin.
“Ay sige! Papasok na kami. “ paalam ni nanay kay kuyang guard.

BINABASA MO ANG
My Heart Can See You
General Fiction"The best and most beautiful things in this world cannot be seen or even heard, but must be felt with the heart." - Helen Keller "Not only the eyes can see how genuine our love is, but our heart can see it too." Si Hope ay isa sa mga taong nais mag...