Kabanata 4
"Yummy! "
"What are you saying woman?"naguguluhang tanong ng binata.
Mabilis kong tinakpan ang sariling bibig. Halos masabunutan ko ang sarili dahil sa kagagahan. Pero mga teh, yummmy naman talaga.
"Ho? A-alin? Wala naman po ah." Maang-maangan ko. Kinuha ko ang tray ng pagkain. aktong papasok na sa kwarto niya.
"You said something. "Saad ng binata.
Apaka usisero nito ni sir!
"Sabi ko po...... Naandito na po 'yung breakfast niyo. "
Napatitig ako lalo sa kaniya nang hawiin niya ang buhok niya pataas. Parang shining shimmering potek! apaka hot! Kakatapos lang ata niya maligo.
"Akin na. " seryosong sabi niya at pumwesto ang kamay na parang kukunin ang tray.
"Huh?" Naguguluhan kong sabi.
Duh! Bulag kaya siya. Pano kung mapatid siya at madapa e'di matatapon yung masarap niyang breakfast, no way!
"I said....Give it to me. " baritonong sabi nito.
"Naku sir! Ako na po ang magdadala diyan papasok------" hindi pa ako natapos magpaliwnag ng bigla siyang magsalita
"I can do it." seryoso pa ring sabi nito.
Mabilis kong inabot ang tray sa kaniya at mabilis rin akong tinalikuran nito atsaka isinara ang pinto.
"Tsk! Sungit."bulyaw ko.
Akala mo hindi bulag e, ang bilis niya kumilos teh! Pagsarhan ba naman ako ng pinto.
"Akala naman niya gusto ko pumasok sa kwarto niya. 'Di uy! " nagsimula na akong maglakad pababa. Tutulungan ko na lang si nanay percy doon.
Habang pababa ako Ay nakita ko si ate cecil.
"Teh!" Tawag ko kay ate cecil tsaka mabilis naglakad pababa.
Nginitian lang ako nito tsaka sinabihan na magdahan-dahan sa pagbaba at baka malaglag raw ako.
"Ate, talaga bang masungit 'yun si sir Atlas? " mausising tanong ko.
Tumawa lang si ate bago ako sinagot.
"Hindi naman. Sa katunayan nga e, ang bait niyan ni senorito. "
Yun mabait? Weh? Pinagloloko ata ako nito ni ate e.
"Sure ba yan ate?! Parang hindi naman. Pagtulog siguro mabait. " sagot ko naman.
Jusme! Ni pag ngiti ata ayaw non e. Parang pinaglihi sa sama ng loob, always busangot.
Kainis!
Paano ba naman kasi ang magaling na senorito ko ay lagi akong sinusungitan. Tsk! Sa isang linggo ko rito e, never ko siyang nakitang ngumiti man lang tapos lagi pa akong sinusungitan.
Anak kaya talaga siya nila ma'am elise? Hindi naman masungit ang mga at papa niya tapos always naka smile pa. Anyare sa kaniya at parang pinagsakluban ng langit lagi.
Duh! Yan yung epekto ng nangyare sa kaniya.
Sabihin na natin na ganiyan nga nangyare sa kaniya, nabulag. Pero dahilan ba 'yun para halos ikulong na niya sarili niya sa kwarto araw-araw.
May purpose kaya nandito pa siya sa mundo, kaya dapat Hindi niya sinasayang ang mga araw na 'yun.
"Eve malas ang nakalumbaba, "Napabalikwas ako sa pagkakaupo ng makita ko si ate cecil sa may harap ng ref at kumukuha ng tubig.

BINABASA MO ANG
My Heart Can See You
General Fiction"The best and most beautiful things in this world cannot be seen or even heard, but must be felt with the heart." - Helen Keller "Not only the eyes can see how genuine our love is, but our heart can see it too." Si Hope ay isa sa mga taong nais mag...