Kabanata 3
"Sorry po talaga ma'am." Paghingi ko ng paumanhin.
Matapos mangyare ang eksena kanina ay agad kaming pumasok sa loob. Simula kanina ay hindi ko parin nakakausap si ma'am Elise, busy kasi ito sa paggamot kay mister asungo--- este anak niya.
Umandar na naman kasi ang kagagahan ko. Yare talaga ako nito! Baka mamaya palayasin na agad ako huhuhu. Hindi pa nga ako nagsisimula mukhang mapapalayas agad ako.
"Eve!"
"Ay palaka! "
Kung hindi pa sumigaw si nanay 'di pa ako nakabalik sa ulirat ko. Kanina pa pala nila ako tinatawag, tulala lang ako.
"Pasensya na talaga ma'am Elise. Hindi pa po kasi kilala ni eve si Atlas kaya ganoon ang n-nangyare. "paliwanag ni nanay sa amo na patuloy parin sa pag aasikaso sa anak.
Grabeng kahihiyan 'tong ginawa ko. Kakambal ko na ata talaga ang malas.
Biglang lumingon si mister asungot sa banda namin ni nanay na agad kung ikanatuwid ng tayo.
"It's ok manang." Maikling saad nito tsaka inayos ang damit na nagusot mula sa pagkakaupo.
Tinitigan ko lamang siya kung paano niya hawakan ang damit niya ngunit napako ang tingin ko sa mukha niya na kung saan walang ka-ekspre-ekspresyon.
Infairness clear skin ang kuya niyo.
He has a perfect nose and jaw, thick brows, moreno skin tone that can make him a sizzling hot! And....Oh, kissable lips. Sh*t pinapasok na naman ng kalandian ang utak ko.
Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ko siya napagkamalang magnanakaw e. Jusmiyo marimar! sa gwapo niya ba namang 'to.
Maaga akong gumising para matulungan si nanay Percy sa paghanda ng almusal nila ma'am Elise, para makabawi na rin ako sa kahihiyang ginawa ko kagabi.
"Paabot naman ng mga itlog eve." Turo ni nanay sa mga itlog na nasa mesa.
After ng kagagahan ko kagabi ay ipinaliwanag ni nanay na si Mr. Asungo---- este sir Atlas ang aalalayan ko. Grabeng kaba ang naramdaman ko kagabi ng biglang magsalita si ma'am Elise.
"Eve. This is Atlas my son." Pakilala ng ginang ng anak sa akin. "Atlas, from now on eve will be your private nurse ."
Akala ko talaga ligwak na ako sa trabaho dahil sa kapalpakan ko.
"What?? Mom, we already talk about this right? " may halong inis na turan ni sir atlas
Bumuntong hininga lamang ang ginang sa pag disaproba ng anak niya sa kaniyang desisyon.
"I know. But......but you need eve to be your eyes, so you can freely do what you want. " pagpapaliwanag ng ginang sa anak na hanggang ngayon ay madilim ang ekspresyon.
"I don't need her.... or anybody, okay!? I can do all things with my own mom, don't worry." Pag- apila ni sir Atlas pero 'di natinag ang kaninyang ina at sa huli ay nasunod parin ang desisyon ng nito.
"You're so hard headed atlas, my decision is final and you have no say about it." Matigas na bigkas ng ina sa bawat salita na pinapakawalan nito.
Kaya naman pala ganon na lang ang pag-aalala ni ma'am elise kay sir Atlas dahil nag-iisang anak lang nila ito. Natatakot na rin ang ginang na baka maulit ang mangyari nang muntik ng malaglag ang anak sa hagdan dahil sa maling hakbang, kaya mas minabuti nitong maghanap ng mag aalalay rito.
Napakabait ni ma'am Elise bilang isang ina.
Noong una ay nagtataka ako kung bakit si sir Atlas ang aalalayan ko e, mukhang maayos naman siya. Pero naintindihan ko rin ng ikwento sa akin ni nanay.
Sir Atlas got his self into accident, one year ago.
It was miracle that there's no broken bones or any serious injury that cause death. Dahil grabe daw ang pagbangga ng kotse nito sa poste ng kuryente. Sa sobrang lakas daw ng impact nito ay himala na wala siyang serious injury, but the incident left him a mark, a dark memory.
Dahil nabulag siya.
Nang mabungo raw kasi ang sasakayan niya ay tumalsik ang mga bubug sa mata niya na galing sa salamin ng kaniyang sasakyan.
Hayss grabe naman pala pinagdaanan niya kaya pala masungit. Tssk!
Kaya pala hindi siya tumitingin sa'kin noong una kaming magkita at mag-usap. Tapos sinabihan ko pang bastos. Gaga ka talaga hope!
"Eve tapos na bayan? " tanong ni nanay.
Nilapag ko na ang mga plato tsaka inayos ang mga kubyertos sa gilid.
"Opo nay, tapos na ho."nakangiting sabi ko.
Dumiretso ako sa kusina para kuhanin ang sinangag at bacon na tapos na lutuin para ilapag na sa hapag dahil pababa na sila ma'am Elise para mag almusal.
Nandito na rin pala 'yung isang katulong na kasama ko sa kwarto, si ate cecil. Kaninang madaling araw ito dumating.
Maya-maya ay bumaba na sila ma'am Elise ng asawa niya ngunit 'di kasama si sir Atlas.
"Eve. Can you please bring Atlas he's breakfast? " nakangiting tugon ng ginang.
Tumango naman ako bilang pagsang- ayon. Nasabi na rin kasi ni nanay sa akin na simula ng ma-aksidente si sir ay bihira na lang ito sumabay sa mga magulang para kumain.
He's blindness has a great impact to his living. Dahil halos 'di na ito lumalabas sa kaniyang kwarto.
Nakakalungkot.
Bumalik ako ng kusina at hinanda na ang dadalhin na almusal ni sir.
Alam ko naman na kung nasaan ang kwarto nito dahil tinuro na sa akin ni ate Cecil. Buti na lang talaga no! Baka mamaya kung saan na naman ako mapunta at makagawa na naman ng kagagahan.
Pag-akyat ko ay agad kong tinungo ang pang apat na kwarto sa dulo ng pasilyo kung nasaan ang kwarto ni sir.
Nilapag ko muna saglit ang tray para makakatok ako. Tatlong beses ako kumatok ngunit wala pa ring sumasagot, kaya kinuha ko ulit ang tray.
"Sir, Nandito na po ang breakfast niyo." lumipas ang dalawang minuto wala pa ring sumasagot. Nangangalay na ako.
Nasaan na kaya 'yun? Ang tagal naman niyang buksan.
Baka mamaya nag e-emo na 'yun? O kaya......hala!! baka m-magpakamatay na?
Baka nagsasawa na siya sa ganitong buhay? At maisip niya kitilin ang buhay niya.
"Naku! Sir pag-usapan natin 'to. Marami pang paraan, 'wag lang 'yung ganito. " patuloy ko paring kinakatok ang pinto. "Kasalanan sa diyos 'tong gusto mong gawin. Don't let the sadness eat you. Please sir mag-usap naman tayo oh--------"
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si sir atlas na nakatapis lang ng tuwalya.
Kitang-kita ang tubig na dumadaloy sa dibdib niya pababa sa six pack abs niya. Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gradsyang nasa harap ko.
Grabe naman Lord! Hamburger lang hiningi ko, footlong binigay mo.
"Yummy!" Wala sa sariling sabi ko.
Naguguluhang tumingin si sir yummy----este Atlas sa akin.
Gaga ka talaga hope! Ano yung mga sinabi mo? Tsaka yummy?? Buang ka talaga. Maharot ka talaga!

BINABASA MO ANG
My Heart Can See You
Fiksi Umum"The best and most beautiful things in this world cannot be seen or even heard, but must be felt with the heart." - Helen Keller "Not only the eyes can see how genuine our love is, but our heart can see it too." Si Hope ay isa sa mga taong nais mag...