Chapter 9

39 3 0
                                    

That Cold Night

"Ugh", I burped. Busog na busog ako matapos naming kumain magkakaibigan. Bukod sa maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa, ang dami pa nilang chika. Yan tuloy, napasarap ang kain niya. Kaloka! Pano na diet niya? Tsk.

Lumabas muna ako sa cottage na ni rentahan namin at umupo sa buhangin medyo malayo sa dalampasigan. I was wearing my crochet crop top and crochet shorts. I can feel the cold wind touching my skin.

I was looking at the starry night and appreciating its vibrant atmosphere. I can hear my friends at the cottage laughing and singing. Napailing na lang ako dahil sa ingay nila. Akala siguro ng mga yun sila may-ari ng isla. Though wala naman silang kalapit na cottage kaya okay lang naman siguro na mag-ingay sila.

"Kamusta na kaya si papa?", tanong ko sa sarili ko. I still can't believe that he wants me to get married. I mean, yes, I know I am good enough to marry someone but not someone I don't know. "He is really a pain in the ass." I murmured.

"George!", tawag sakin ni Mary Rose mula sa loon ng cottage.

Napalingon ako sa kanya. Napakunot noo na lang ako ng may pagkaway pa siya at ang laki ng ngiti sa mga labi.

"Bakit!?", balik sigaw ko naman kay Mary Rose.

Sinenyasan niya ako na para bang gusto niya na akong papasukin, "Lika na dito! Ano bang ginagawa mo dyan? Pag ikaw nikidnap ng shokoy dyan, ewan ko na lang sayo!", sigaw niya habang tumatawa pa.

Napailing na lang ako. Siraulo talaga tong kaibigan ko. Sa halip na tumayo para pumasok, humiga ako sa buhanginan. Wala lang trip lang.

"Ay ang gaga! Hoy! Gabi na para mag sunbathing ka dyan!", sigaw na naman ulit ni Mary Rose.

Natawa na lang ako. Ay bahala ka dyan. Feel ko maghihiga dito e.

Ilang minuto akong nakatingin sa kawalan. Thinking about things and trying to figure out what's next to me if I get married.

Si Naha, masaya na sa asawa niya at anak niya.
Si Vodj, masaya na din sa buhay niya.

Ako ba talaga ang dapat na sumunod ikasal? Sa dami rami naming magkakaibigan, bakit ako? Bat hindi na lang si Ate Jhachelle? Mas matanda siya saking ng apat na taon.

Napabuntong hininga nalang ako ng wala sa oras. As if getting married is the most important thing ever. I mean, my dad wants me so much to get married and bang! Anong sunod? Kasal kasal lang? Walang love? Ano kaya yun.

I sigh again.

"It's your second time to sigh. What's your problem?", tinig ng lalaki na siyang ikinatayo ko bigla.

Nagulat ako lalo ng makita ko at makilala ang walang modong lalaki na nag invade ng peace ko.

"What are you doing here?", gulat kong tanong sa kanya. Napalingon pa ako sa paligid kung may kasama ba siya o wala. Baka kidnapin ako. Char!

"I was just passing by when I saw you. I thought you passed out.", simpleng paliwanag nito habang nakapasok ang dalawang kamay sa board short nito.

Napamaang ako sa rason nito, well, may point din naman siya. Sino ba namang matinong babae ang mahihiga dito sa buhanginan mag-isa.

Napatango ako," Oh, okay. " yun lang ang nasabi ko as I smile awkwardly. Buti namab at hindi siya arogante ngayon magsalita. Napataas ang kilay ko dun ah.

"What are you doing here by the way?" tanong pa nito sa akin, habang nakatingin sa cottage namin na maingay at mukhang nagkakasiyahan na doon, "Are you an outcast?" natatawang wika nito.

Bestfriend Series 3: Georgina Gutierrez (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon