(CONVO)
BF: Mommy... kmusta?
Ako: Ok lang ako. Ikaw?
BF: Same... Sad?
Ako: Idk. Ahh ok.
BF: Hmmm. May ngawa ba ako?
*Kung alam mo lang, noon pa, punung-puno na ako sayo pero tinitiis ko lang dahil ganun kita kamahal*
Ako: Wala... Nvm.BF: Mommy... smile:)
Ako: Why?
BF: Sad ka eh...
Ako: Idc.
BF: Gusto mo kiss?
Ako: Ewan.
BF: Mommy... i'm kissing you right now.
Ako: (parang ewan? loko-loko to) What.
BF: I'm kissing your neck... mwuaah.
Ako: (awkward bakit nangyayari to) Huh.
BF: Feel my hand on your waist.... Mommy... I love you...
Ako: (anyare sa lokong to? ewan pero matino pa rin ang irereply ko -,-) I love you...
BF: I love you again Mommy ko...
Hay.
Dahil sa nangyari, na-realize kong marunong din pala siyang maglambing. Di ko alam pero... frustated ako sa panlalambing na nagawa niya sa text. Sinabayan ba naman ang MOOD ko? Ayun, parang nakakagago ng isip yung convo namin. Di ko alam pero, ganun pala siya? Parang grabe kung mag-imagine. Hindi ko nga gusto ang mga ganong text. Hinding-hindi ko talaga gusto. Para kasing ang M**ya* niya. Gets mo? Pwede naman siyang maglambing the other ways na walang ganon.
Naisip ko rin na ang lakas ng loob niyang gawin yun, eh wala naman siyang ginagawa sa totoong buhay para sa'ming dalawa, kahit na magkita man lang. Ewan. Para talaga akong naninibago sa mga nararamdaman ko. OO. MAHAL NA MAHAL KO TONG si Sedfrey, pero bakit ganun? Kulang na kulang na kulang na kulang pa rin yung naipaparamdam niya sa'kin?
Ewan ko ba..
Hay.
Pero tama na 'tong emote ko.
Ano man ang mangyari, hindi pa rin ako susuko.
Alam ko namang pagdating ng panahon, marerealize din niya na nagkulang siya.
At magbabago ang lahat.
Magiging masaya kami.
Magiging okay na okay na kami.
BINABASA MO ANG
What's Next To A Broken Heart?
Teen FictionMinahal mo siya. Minahal ka niya. Pero sa tingin mo, ito'y TOTOO ba? Maaaring dumating lang siya sa buhay mo para maging isang leksyon. Maaaring hindi nga kayo nakatadhana dahil ang totoo di hamak na pampalipas oras ka lang sa kanya. Maaaring nasakt...