False Love 3 - (Expectations)

2 0 0
                                    

Ayun nga. Dahil sa nangyari, napag-isipan kong tawagan na talaga si Sedfrey.

Pano kasi eh hindi na ako mapakali, hindi ko na maalis sa isip ko ang nakita ko sa FB.

Para maliwanagan na ako't mabura ang bugso ng damdamin ko, heto lang ang paraan... 

Ano kaya ang maisasagot niya sakin?

Totoo nga ba talagang may iba siya?

(Calling...

"SEDFREY<3")

...

...

...

...

Maya-maya...

"the number you dialled is busy at a moment.. please try your call later"

"the number you dialled is busy at a moment.. please try your call later"


At heto na yata ang kinakatakutan kong marinig. Yung hindi na maaaring masagot ang tawag ko. Pakiramdam ko, may kausap siyang iba, kaya hindi maaaring matawagan siya. HAY! Ano ba'ng mga nangyayari! BUSY kaya ang cellphone niya dahil may tinatawagan siyang iba? BUSY kaya ang cellphone niya dahil sa may babae siya? BUSY kaya ang cellphone niya dahil kausap niya yung Elaine Reyes na nakita ko kanina sa FB? Heto na... Nagkaleche leche na ang mga pumapasok sa kokote ko. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko. Ang gusto ko lang naman sana ay makausap siya't matanong kung ano ba talaga ang totoo. Pero bakit kaya ganito ang tadhana? Sadyang mapaglaro. Nakisabay sa takot ng damdamin ko ang hindi pagsagot ni Sedfrey sa tawag ko. 

Tatawagan ko ulit siya.

Baka sakaling, okay na.

Maya-maya.

(Calling...

"SEDFREY<3")

...

...

...

(In Call)

0:05...

(Heto na ba? Makakausap ko na ba siya? Jolina, ito na ang pagkakataon. Jolina, itanong mo na.)


"Hello?", unang salita niya.

"Mommy? Hello?"

"Hello." (nanginginig ako sa kaba pero ewan ko ba)

"Napatawag ka yata. Ano'ng problema?", tanong niya sakin.

"Paano mo nalamang may problema nga?", sagot ko.

"Ahh. Ehh. Napatanong lang naman. Problema nga ba?"

"Sedfrey..."

"Ano yun mie?"

What's Next To A Broken Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon