False Love 6 - (I'm Falling to Pieces)

3 0 0
                                    

Dahil sa nangyari,

Wala ng naging matino sa mga kilos ko...

Maging sa bahay man, o sa school.

APEKTADONG APEKTADO ako.

DEPRESSED.

Wala na ngang oras ng pagtulog na hindi ako naiiyak.

Naisip ko na nga ang magpakamatay dahil lang don.

Yun na yata ang pinakamasaklap na naging bahagi ng pag-iisip ko. OA di'ba?

 Pero syempre,

Hindi ko rin hinayaang mangyari yun.

Marami pa kong gustong magawa sa buhay.

At hinding-hindi magiging rason ang kabiguan sa pag-ibig para tapusin ko nalang bigla ang buhay kong 'to.

Hindi ko na tinext si Sedfrey.


Hindi na ako nagparamdam.

Siguro nagtaka rin siya, 

Pero sabi ko sa sarili ko,

"May pakealam pa ba siya?"

_________________________________________________________________________

Nagbago ang takbo ng buhay ko sa maikling panahon dahil sa kawalan ng komunikasyon kay Sedfrey. Pinilit kong tiisin ang magkahalong galit, pagkamuhi, at pagkasabik. Hindi ko maiwasang ma-miss rin siya. Yun nga, dahil mahal na mahal ko pa rin siya. Pero, malabo na yata yung relasyon namin. Sino ba namang babae ang gustong maloko. Gustong magmukhang BOBO. Oo, aaminin ko, naging BOBO nga talaga ako. Dahil minahal ko ang isang taong, walang maipakitang kahit isang effort lang sa'ming relasyon. Yung TOTOONG pagmamahal. Wala eh. Nagpaka-MARTYR ako. Oo, MARTYR talaga. Sinubukan kong lumaban pero heto ang napala ko, KAHIHIYAN. Walang maipamukha. Dahil wala rin naman akong matinding panlaban para sa relasyong 'to. Daig pa nung Nadine, na sa isang video lang, eh napatunayang sila nga. Eh Ako? Wala. Kaya nga nanliit rin ako nung mga panahong 'yon. Kahit na ano'ng galit ang nararamdaman ko, feeling ko ako pa rin yung TALO. Sino ba naman kasi ako para ipaglaban ang taong akala ko'y sa'kin lang pero hindi pala. Sino ba naman ako para manumbat ng taong may pruweba na talagang pagmamay-ari nga niya ang taong mahal ko. Sino ba naman ako sa buhay niya? 

LORD? Sana bigyan Mo na talaga ako ng sign na isuko ko na ang lahat.
PWEDE BA YUN, LORD?

 

__________________________________________________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What's Next To A Broken Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon