"Siguro nga totoo yun friend. Kasi, sana, kung patay na patay lang siya sa boypren mo, di niya muna sasabihin "Daddy ko", churvalu ganon! At tsaka, hindi naman sasabihin ng iba na SS pag assumingera lang talaga yung gagang yon. Oops, sarreh! Pero totoo naman eh. Malay natin? SILA nga. Ayaw lang umamin ni Sedfrey boylet mo. At sympre, sino ba ang hindi magdududa sa lalaking tulad niya? Pwede niyang gawin ang gusto niya nang hindi mo nalalaman. Kasi nga, hindi kayo close sa personal friend!! Seminarista siya, ikaw probinsyana. Probinsyana pero sikat naman dba? Echos, te! Yun lang. Alam mo friend... Matagal tagal na rin akong walang tiwala sa taong yan eh, TBH. Kasi nung naging kayo, wala naman siyang nagawang kahit surprise man lang dahil nga sinagot mo siya. Wala siyang pagkakataong pumunta dito sa school natin khit weekends, eh anjan lang naman sa kabilang bayan ang bahay nila. Walang flowers? Walang chocolates? Walang gifts?! At talagang ikaw pa ang unang nagbigay sa kanya ha?! Para-paraan yun te? Aba eh sana hindi mo nalang ginawa! Hayyyy, Jolina Ester!"
"Oo nga. Agree ako kay Mika, Jolengs. Kapag nagmahal ang isang tao, lahat gagawin niya mapasaya lang ang mahal niya. Kahit minsan lang sa isang buwan para magkita kayo, gugustuhin niya. Hindi yung ni minsan hindi ka niya napagsabihang "Gusto kitang makita, babe", yung ganun. Alam mo, swerte nga niya sayo eh! Medjo maganda ka naman. Mabait din. Matalino. Sexy. Magaling din kumanta. Magaling sumayaw. Magaling magdrawing. Magaling sa maraming sports. NESEYE NE ENG LEHET! Marami ngang mga lalaki jan eh, Hopeless Romantic dahil TAKEN ka na raw. At take note, bihira lang kasi ang mga babaeng nagpapakaMartyr sa pag-ibig. Tulad mo rin. Yung tinitiis ang lahat para sa minamahal. Alam mo, hindi mo desrve yan! Gusto mo, upakan natin yung babae?? Pumili ka, si Sedfrey o yang Elaine?! *sabay tawa*", payo naman ni Joe.
"Hay! Gago ka talaga, Joe! Hintayin muna natin yung desisyon ni Jolengs."
"Haha. Biro lang. 'To naman oh!"
"Oh, Jolengs, ano ng gagawin mo ngayon? Dahil di ka pa panatag??"
(Parang wala akong maisagot kina Joe at Mika. Tuwang-tuwa ako kasi ganun nalang ang naging pagtanggap nila sa akin sa kabila ng katangahan ko. Sinusuportahan pa rin nila ako. Kino-comfort. Para nga akong napaluha eh. Pero, nangingibabaw pa rin ang lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko alam. Pero maya-maya, may sinabi na rin ako...)
"Alam niyo guys, ang husay niyong magcomfort no? Sorry pala kanina ha? Sinigawan ko pa kayo eh alam ko namang concern lang kayo dahil wala ako sa mood."
"Ano kaba, Jolengs! Ang drama ah? Natural lang yan! Buhay pag-ibig eh! Ganun talaga. At tsaka, kaibigan mo kami, alam na alam namin yang ugali mo. Pero teka lang, eh ano na nga ba ang gagawin mo?"
"Oo nga Jolina. Ano na?"
"Hmmm. Siguro... Iso-stalk ko pa rin yung Elaine. Dahil baka sa susunod, iba naman yung maibubulgar niya. Ewan. Sabi ko nga nung hindi naman umamin si Sedfrey, hahayaan ko nlang yung babaeng yun. Pero, biglang nag-iba ang takbo ng utak ko. Gusto ko pa ring magmatyag. Dahil baka sakali, malalaman at malalaman ko rin ang totoo..", wika ko sa kanila.
"Hmmm! Sige girl! Kaya mo yan! Andito lang kame ni Joe para sa chika updates ha?!"
"Oo nga Jolengs. Wag mong kalimutang sabihin samin ang susunod na kabanata!"
"Gg ka talaga, Joe. Lam niyo, mahal na mahal ko talaga kayo mga baliw!!! Hehehe!"
"Awsus! Mahal niya raw tayo, Joe oh!"
"GROUP HUG!!!"
(Pagkatapos ng isang masinsinang pag-uusap sa dalawa kong matatalik na kaibigan, biglang nabuhayan ako ng loob. Biglang gumanda ang pakiramdam ko dahil sa wakas, may napagsabihan na ako ng mga hinanakit ko. Ang swerte ko talaga dahil gayunpaman, may mga kaibigan akong tulad nila. Iba pa rin talaga pag punung-puno ka ng pagmamahal mula sa'yong mga kaibigan. Pagmamahal na walang katulad. Pagmamahal na walang hinahangad na kapalit. At kasiyahang na sadyang sa kanila mo lang nakakamtan at mararamdaman...)
BINABASA MO ANG
What's Next To A Broken Heart?
Teen FictionMinahal mo siya. Minahal ka niya. Pero sa tingin mo, ito'y TOTOO ba? Maaaring dumating lang siya sa buhay mo para maging isang leksyon. Maaaring hindi nga kayo nakatadhana dahil ang totoo di hamak na pampalipas oras ka lang sa kanya. Maaaring nasakt...