Ako nga pala si Jolina Ester Mambuyao Cruz. Probinsyana. Achiever sa school. Ipinanganak noong Nobyembre 12, 1998, so bale, 16 na ako ngayon. Minsan na akong nainlove sa taong parang kailan lang ay pinangarap kong maging akin. Kung baga, CRUSH na CRUSH ko. Dahil nga sa mala-artista niyang mukha, mala-anghel niyang boses, kumikislap na mga mata, basta, marami akong nagustuhan sa kanya...
At nang naging kami na,
siguro nga maganda sa umpisa,
ang sweet ng convo, pang-araw-araw na saya...
Pero bakit sa huli'y, parang nakakasakit na...
Titigilan ko na nga ba ang kabaliwan kong 'to?
O sadyang di ko rin isusuko kung ano'ng meron man kami...
Way back 2011...
(TEXT CONVO)
BF: Hi mommy...Ako: Hi Daddy! :))) :") :* Sya nga pala, ntanggap mo ba ung ipinabigay kong baller? Nagkita kasi kami ng classmate mo sa Science Camp last weekend. Sayang nga kasi di ka manlang sumali, nagkita pa sana tayo dun, first meet-up pa sana natin yun! Sinabi ko naman sayo na magkaCamping kmi don pero hndi ka nman nagsabi na pwd ka rin palang mkapunta. Sana napilit pa kta. Hmmm. Pero nvm :) At dahil ikaw ang Superman ko, binili kita ng Superman-labeled baller. Nagustuhan mo ba? Hihihi. First gift ko yan sayo, ah? Malapit na kasi yung monthsary natin. <3
BF: Hmmm. Oo mommy. Natanggap ko na. Thank you. Nag-abala ka pa. Sorry. Hindi ko kasi hilig yang camping eh. At tinamad ako that tym. Psensya na.
BF: Breakfast n?
Ako: Uhm. Ok. Sige next time ha? Gustung-gusto na kasi kitang makita't mkausap :) Hmmm. Yes, Daddy. Ikaw? Breakfast na? Kmusta gising? :")
BF: Ah ok. Try ko pa rin. Hmm. Yep. Tapos na rin. Ayos naman.
Ako: Hmmm. Ahhh. Eh, kamusta yung tulog? Ayos din? :">
BF: Syempre...
Ako: Hmmm. Ahhh. Eh ano'ng ginagawa mo jan ngayon? :*
BF: Nanonood ng tv. Ikaw?
Ako: Ahhh. hehe. Nanonood din ng tv. Haha! Echos, kaka-ON lang ng tv. Gusto kitang sabayan eh. :""> Ano'ng channel ba yung pinapanood mo Daddy?
BF: Ok2. Channel 4...
Ako: Aww okiee :"> Sige nuod muna tayu.
BF: Sige2...
Hayy! Heto nanaman ang scenario. Siya, ang ikli ng text, eh ako naman, sobrang napaka-OA kung makapagreply. Bakit ba naman kasi ang BORING niyang katext? Lagi na lang ako yung may effort. Lagi na lang ganito yung nangyayari. Oo, nag-expect ako na ma-overwhelm siya sa ipinabigay kong baller sa kanya, pero bakit yun lang ang reaksyon niya? Parang okay lang daw. Isang thank you lang. Wala bang appreciation? Wala bang kahit paglalambing dahil big effort na yun? Eh siya nga, hindi makagawa ng ganun para naman mapasaya ako ng sobra eh. Hayy. Pero bakit ganun? Sa kabila ng lahat ng 'to, nagagawa ko pa ring ipagpatuloy ang mga conversation namin sa "ARAW-ARAW". Take note: Araw-araw!
Hayyyyy! Ang hirap pala ano? Sana naman ma-appreciate niya lahat ng efforts ko. Sana marealize niya yung worth ko. Sana naman magbago na siya. Kasi naman,
Bihira lang ang mga babaeng tulad ko...
Na kung magmahal ay sobra...
at totoo.
(Sa School)
Nagkausap kami ng Bestfriend ko, Si MIKA...
"Hoy, mare! Kamusta na nga pala kayo? Ng labs mo?", tanong niyang bigla sakin.
Sinubukan kong maging goodvibes...
"Naku mare! Ok na ok! Ang saya ko nga eh!", pilit kong sagot.
"Aba? Masaya talaga ha? Aber, bakit naman?"
"Alam mo ba ang sweet sweet nya talaga sa text!!! Sobraaa! (with kagat labi face & beautiful eyes)", sobrang naging OA ako khit di naman totoo.
"Uh, really? Eh patingin nga?"
~Napatigil ako. Di ko alam ang gagawin. Humihingi na siya ng proofs! Lagot!
"Ahhhhhh. Ehhhhh. Pero nai-delete ko na rin noh! Baka kasi kiligin kapa pag nabasa mo yung kabuuan. At tsaka, baka magfull nanaman yung memory ko eh. You know!", epic ang sagot ko.
"Kung talagang nasiyahan ka sa mga texts niya, hinding-hindi mo idedelete yoooon! Kahit isang sample, may maibubulong ka sakin, Jolina! Naku! Para ka talagang tanga! Soooobra!"
"Duuuhhh! Ehhhh. Oo, meron naman akong maibubulong sa'yo eh. Di'ba sweet naman talaga pag siya yung mauunang magtext ng, "Hi mommy..." *blushes* Ayieee! Besfreeeend! Kenekeleg eke telegeeeee.."
(sabay kurot sa baywang ko)
"Araaaaaaaaaaaaayyyy!!"
"Yan ang bagay sa'yo! Ang OA OA mo kasi! Aba eh, pakisabi sa boypren mong MATINDE ha? Na sermonan ka naman kahit konte. Loka-loka ka talaga Jolengs."
"Hayyyy naku! Kung alam ko lang, sana hindi ko nalang sinabi sayu! Bakla ka!"
"Bakla ka rin, sanay na ko sa mga emote mo. Jan ka na nga!"
"Edi babush! Che!"
"Cheche mukha mooo!"
Hayyyy! Bakit naman ang lungkot. Ako na nga itong nagpretend na okay na okay kami, ako pa yung sa huli'y masasaktan ng bespren ko. Bakit ba kasi ayaw niyang paniwalaan?!? Eh pano ba naman kasi parang di rin naman kapani-paniwala. Ni minsan kasi, hindi pa kami nagkita nitong boyfie ko. Ni minsan hindi pa niya ako niyayang lumabas. Ni minsan hindi siya nagkaroon ng pagkakataong talagang ginusto niya na magkita kami. Ang gulu-gulo ng buhay pag-ibig ko. Bakit ba ang lungkot? Bakit ba ganito?
EH WALA EH.
Kaya nga minsan,
naiisip ko rin,
at naitatanong sa sarili ko...
"Mahal niya ba talaga ako?"
BINABASA MO ANG
What's Next To A Broken Heart?
Teen FictionMinahal mo siya. Minahal ka niya. Pero sa tingin mo, ito'y TOTOO ba? Maaaring dumating lang siya sa buhay mo para maging isang leksyon. Maaaring hindi nga kayo nakatadhana dahil ang totoo di hamak na pampalipas oras ka lang sa kanya. Maaaring nasakt...