Napapasimangot ang isang dalaga sa tuwing may dadaan na pide cab na puno ng pasahero.
Kanina pa siya nag aabang ng masasakyan sa waiting shed na iyon, ngunit di parin nakakasakay .
Dahil halos dumadaan na pedicab at pangpasaherong Jeep ay punuan lahat.
Napatingin sya sa mga studyanteng papalabas na sa Universiting kanya ring pinag aralan.
Halos dalawang oras nanga syang di nakakasay, dahil nagsilabasan na ang mga ibang studyante na kadalasang ala-singko na lumalabas...Alas quatro pa siya naghihintay doon, napapadyak pa siya ng may biglang dumating na Jeep at napuno agad iyon ng mga studyanteng kakalabas lang.
"Haayyssstt....."
Napailing nalamang sya at tinanaw ang daan patungo sa apartment na tinitirhan nya.
Malapit lang naman ang tinitirhan nya dito, pero tinamad syang maglakad kaya naghintay sya..Pero ngayong dalawang oras na syang naghintay ng masasakyan, mukhang mapipilitan siyang lakarin nalamang ang apartment na tinitirhan niya.
Papadilim na, napatingala siya sa kalangitan mukhang uulan pa yata, dahil sa ipinakita ng langit na nangingitim na ulap.Napadaan siya sa isang kantong may mga tambay na nag- iinuman.
'tignan mo nga naman itong mga tambay nato, kaninang umaga nang papunta siya sa trabaho'y nag inoman na ang mga ito at hanggang ngayon papauwi na siya'y, nag-iinuman parin ang mga ito.'
'walang mga silbi sa kanilang mga Pamilya'
" Oyy... hi Miss.."
Pansin nang isa sa kanya ng napadaan siya sa mga ito.
" Miss, samahan mo naman kami dito..." aya naman ng isa sa akin, kaya napairap naman ako.
Hindi ko na pinansin ang mga ito, mas binilisan ko na lamang ang aking paglalakad.
Nabigla pa ako nang may maramdamang kamay na humawak sa braso ko.
" Suplada mo naman Miss.." ang sabi ng lalaking may hawak ng braso ko.
"Oo nga Miss, saglit lang naman ah..." dagdag ng isa at hinawakan pa ang isang braso ko.
"Pre, dalhin nyo na yan dito.." ang sabi ng isa pa na hanggang ngayon nakaupo parin sa upuan nito at inisang tungga ang alak na nasa baso nito.
" Ano ba bitawan nyo nga ako..! galit kong sabi at iniwaksi ang paghawak ng mga ito sa braso ko.
" Oyy... Pre, palaban..." ang sabi ng isang unang humawak sa akin.
"Palaban rin kaya toh, sa kama..?" kinilabotan ako sa sinabi ng isa pa.
" Ano ba, sinabi ng bitawan nyo ako...!" paninigaw ko at nagpupumiglas sa hawak ng mga ito.
Hinihila na ako ng mga ito, nagsisigaw na ako at nagpupumiglas. Pinag hahampas ko ang isa ng makawala ako sa hawak ng isa pa. Nang lalapit na isa mabilis ko itong binigyan ng sipa, napa- atras naman ito.
"Miss sama kana sa amin saglit lang toh.."
" Ano ba bitawan nyo na ako..." sigaw ko sa mga ito, takot na ako ano bang gagawin ko.
Kahit pa may kaalaman akong maliit na self defense, di parin ako makakawala sa mga ito.
Lalo na dito sa isa na ayaw na yata akong bitawan, tinuhod ko sa pagkalalaki ang isa na di ako mabitaw- bitawan kahit kanina ko pa itong pinag hahampas.
Nabitawan naman ako nito at namilipit ito sa sakit, kaya nagkaroon ako nang pagkakataon para tumakbo sana.
Nang may humawak ulit sa braso ko, iyon palang lalaki na sinipa ko.
Nakita ko ang pagtayo rin ng dalawang kasama ng mga ito, kaya mas lalo pa akong natakot sa mga ito.
Sisipain ko narin sana ito ng may humawak sa paa ko, ang lalaking tinohod ko kanina.
'bwesit ang bilis naman maka- recover ng kulogong ito..'
Lumapit na ang dalawa sa amin kaya mas lalo akong kinabahan, mas nagpumiglas ako dahil sa kaba na naramdaman.
Nailibot ko ang aking tingin may mga nakakita naman sa amin pero takot rin ang mga itong lumapit.
Nang makalapit sa amin ang dalawa hinawakan ng isa ang mukha, ipinilig- pilig ko naman ito pero mas lalo nyang inidiin ang hawak nya.
Kaya napasigaw ako at mas lalong nagpumiglas, tinuhod ko ito sa pagkalalaki nya.
Kaya ito naman ang namilipit sa sakit lumapit ang isa sa akin at sinampal ako.
Nang maka recover sa sakit ng pagkalalaki ang tinuhod ko kanina ay hinarap ako nito at sasampalin na.
Napapikit naman ako at hinintay ang pagdapo ng malapad nitong kamay sa mukha ko. Napadilat ulit ako ng walang sampal ang dumapo sa mukha ko at lumuwag ang pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kamay ko.
May lalaking nakipag- buno sa dalawang lalaki, at dahil sa mga lasing na ang mga ito. At malalakas na suntok ang binibitawan ng lalaking tumulong sa akin. Madali lang ang mga ito naipatumba ng lalaki.
Nabitawan naman ako ng dalawa at sinugod ang lalaki, gaya ng dalawang nauna sa lupa rin napunta ang mga ito.
Napahawak ako sa dibdib ko ng malakas ang kabog niyon, dahil siguro sa takot. Matapos masigurong nakatulog na ang mga ito saka naman ito lumapit sa akin.
" Miss ayos ka lang bah..?" may pag- alalang tanong nito sa akin.
Tumango lang ako rito at tinapunan ng tingin ang mga lasing.
" Salamat po, kuya.." pasalamat ko rito, tinawag ko sya ng kuya kasi sa tingin ko mas matanda siya ng ilang taon sa akin.
" Sandali tatawag muna ako ng pulis.." ang sabi nito at akmang kukunin sa bulsa ang cellphone nito.
" Wag na po, hayaan nyo nalang sila.."
sabi ko nalamang dito. Pero may mga dumating na mga tanod at nilapitan kami ng mga ito.
"O anong nangyari rito..?"
tanong ng isang tanod, sasagot na sana ako ng inunahan ako ng lalaki.
" Magandang gabi po, pasensya na po kayo sa ginawa ko, binastos po kasi itong kasama ko.." magalang nitong sabi sa limang tanod.
" Nako pasensya narin kayo, nasobrahan nanaman yata ang mga ito sa inom.."
sagot naman ng isa, saka nilapitan ang mga lalaking nakahandusay sa lupa.
" Nasaktan ka ba Iha..? tanong naman ng isa sa akin.
"Hindi naman po.."
magalang ko ring sagot rito.
"Sige pre, dalhin nyo muna iyan sa Baranggay at ihahatid muna namin itong dalawa.."
ang sabi ng isa sa kasama ng mga ito.
"Naku wag na po/ Wag na po.." sabay naming naisambit ng lalaki sa tanod na maghahatid sana sa amin.
" Sigurado kayo...?"
panini- guradong tanong ng matandang tanod.
"Opo Manong/ Opo.." sabay nanaman ulit naming sagot ng lalaki kaya napalingon ako rito.
Binigyan lang ako nito ng ngiti, kaya sinuklian ko nalang rin ng ngiti.
" O sige kayong bahala.." sagot nalang rin nito.
Nagpaalam na kaming umalis sa mga ito, pero ng malayo- layo na kami saka naman ako huminto.
"Ayy... sandali lang po kuya, saan nga po pala ang punta mo...?" naitanong ko bigla rito.
" Sa unahan, ikaw..?" seryosong sagot naman nito.
" Sa unahan rin po.." magalang kong sagot rito, tumango naman ito.
" Edi ihahatid na rin lang kita.." seryoso parin nitong sabi, napatigil naman ako at tinititigan ito ng mabuti.
" Bakit ganyan ka kung makatingin..?" nakakunot noo nitong tanong sa akin.
"Ah eh... wala napaka-seryoso mo lang po kase.." sabi ko rito at naglakad na ulit.
"Takot ka bang ako naman mang bastos sayo..?" tanong nito habang pinapantayan ako nito sa paglalakad.
Huminto ulit ako at tinititigan ulit siya.
"Dapat kabang katakutan..?" balik tanong ko lang dito at muling naglakad.
"Dapat rin bang tanong ang isagot mo sa isang tanong..?" mahina akong napatawa sa naisambit nito.
"Depende po..?" magalang ko pang sabi na may ngiti sa labi at nagkibit balikat pa.
Maya-maya'y tahimik na kaming naglakad, hindi na kasi ito nagsalita pa.
"Ayy... dito na po pala ako kuya.." ang sambit ko at huminto sa isang apartment na dalawang palapag ang taas.
"Salamat po ulit sa pagligtas at paghatid na rin kuya.." pasalamat ko ulit rito, nang wala akong marinig na sagot nito ay ipinag- kibit balikat ko nalang.Sinulyapan ko muna ito ang seryosong mukha lang nito, ang naaninag ko sa malamlam na liwanag ng ilaw sa posteng malapit sa amin. Umiling nalang ako at tinalikuran na ito, di pa ako nakaka akyat sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng apartment ay huminto ako. Napaikot paharap sa likuran ko ng maramdamang may tao sa likod ko.
"Ehh... bakit po kuya may kailangan ka pa po..?" naitanong ko ng pagharap ko'y bulto ng lalaking nagligtas sa akin ang nakita ko.
"Wala" maikling sagot nito."Sige na umakyat kana.." dagdag nito saka ako nilagpasan at tinungo ang pasilyo papunta sa mga kwarto dito sa baba ng apartment.
Nanlaki pa ang mata ko ng buksan nito ang panglimang pinto mula dito sa akin na kwarto sa kanan. Bago ito pumasok ay sinulyapan muna ako nito, siguro'y naramdaman pa nito ang presensya ko. Kaya binigyan ko nalang ito ng nahihiyang ngiti at saka ako umakyat na sa itaas.
Bakit ba kasi di ko naisip na pwedeng dito rin sya nakatira. Siguro bago pa siyang nakakuha ng kwarto dito sa apartment ng mga Dominggo. Total Sabado bukas panggabi ang juty ko sa trabaho at mga 10:30 pa ang schedule ng klase ko mang- uusisa muna ako.( Sana magustuhan nyo yong kwento... first time ko pong story ito....)
BINABASA MO ANG
"My Mother Is My Rival"
General FictionIsang kwentong pag ibig na sadyang pinaglaruan ng iisang pana ni kupido, dahil sa parehong umibig sa iisang lalaki. Na syang naging dahilan ng mas pagkalamat ng relasyon ng mag ina. Subay-bayan nyo nalang... Pleeasssss....