Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada nag aabang ulit ng masasakyan. 'Oo nag aabang nanaman ulit, alam ko simula pa sa chapter 1 nag aabang na ako ng masakyan. Ngayon naman nag aabang ulit ako dito sa chapter 2 naman.'
Iwiganay- way ko ang aking kamay ng may paparating na trysikel dito sa gawi ko. Nakangiti ako ng humina ang takbo nito, saktong paghinto nito sa kintayuan ko ng may huminto rin sa harapan ko na isang motor siklo.
"Ihahatid na kita.." isang malalim na boses ng lalaki ang narinig ko sa driver ng motor siklo, kaya nanlaki ang mata ko at tinititigan ito ng mabuti.
" Huh...?" wala sa loob na sambit ko.
"Iha sasakay kaba...!" sigaw ni Manong driver ng trysikel.
"Opo/ Hindi po.." sabay naming sagot ng lalaking driver ng motor siklo, kaya napataas naman ang kilay ko.
"Ayy... sandali ho Manong ..." naisambit ko ng umalis na si Manong driver.
"Tsk" narinig ko sa lalaking driver ng motor siklo."Let's go, ihahatid na kita.." sabi nito at iniabot sa akin ang black helmet.
"Ehh... sino ka po ba kuya..?" taas kilay kung tanong rito.
"I'm Law.." napakunot naman ngayon ang noo ko sa sagot nito sa tanong ko.
" Huh..! anong law..? ano yon batas.. ikaw hah, wag mo akong pinagloloko. Ano..! papasakayin mo ako riyan tapos di man lang kita kilala.. hoyy..! kung naghahanap ka ng maloloko, wag ako..!" galit kong sabi rito at dinuro- duro ko pa ito.
"Araayyy..! naidaing ko ng tampalin nito ang hintuturo ko.
" Ok, I'm Lawrence Bautista, ang lalaking nagligtas sayo kagabi.." ang nainis narin nitong sabi.
"Ahh... ikaw pala yon, pero pasensya kana kuya nag mamadali po ako.." sabi ko dito at tinalikuran na ito para mag abang ulit ng masasakyan.Nainis kasi ako kanina pa sana ako naka-alis kong di lang nito sinabi kay Manong na di ako sasakay. Alam ko na naman ang pangalan niya pero dahil sa nainis ako sa ginawa nya kaya ganon ang pinagsasabi ko.
Napangiwi naman ako ng may humawak sa braso ko, naparap naman ako dito. Wala na itong helmet ng harapin ko,
"Ano nanaman..?" masungit kong sabi.
"Ok, I'm sorry sa inasta ko, gusto lang kitang ihatid, total naman doon rin ang daan ko papunta sa skwelahan mo.." ang mahinahon ng sabi nito sa akin, saka ulit nito iniabot ang helmet sa akin.Napaismid nalang ako at kinuha ang helmet na binigay nito, sumakay na ako sa motor siklo nito. May tiwala narin naman ako sakanya nagkausap na kasi kami kanina. At ipinakilala na siya sa akin ni Mrs.Dominggo kanina, tama nga ang hola ko na bagong nakatira ito sa pinasukan niyang pinto kagabe. Kakalipat lang nito kahapon pagkatapos maayos ang gamit ay naghanap agad ng trabaho dito sa Bayan.
Habang naglakad naman ito pauwi ay aksidente akong nadaanan na binabastos ng mga lasinggero.
Kaya tinulungan na ako nito, mmhh... kahit naman pala masungit o suplado ito tignan ehh... may puso rin. Kaninang umaga naman dahil sa may puso rin ako naghatid narin ako ng ulam sa kwarto nya pasasalamat ko sa tulong nya sa akin kagabe. Nagka- usap pa kami saglit nito ang kaso ngalang tango at iling lang ang sinasagot nito kaya na nayamot ako't iniwan na ito.
BINABASA MO ANG
"My Mother Is My Rival"
General FictionIsang kwentong pag ibig na sadyang pinaglaruan ng iisang pana ni kupido, dahil sa parehong umibig sa iisang lalaki. Na syang naging dahilan ng mas pagkalamat ng relasyon ng mag ina. Subay-bayan nyo nalang... Pleeasssss....