Chapter 3 : "The Past"

3 0 0
                                    

Mula  pagka-  bata   ramdam na ni Cassandra     ang      di        pagkaka- unawaan   ng  kanyang mga magulang sa   relasyon ng mga ito.

      Lumaki   siyang  yaya,  driver,  at  mga katulong   ang   kasama  araw-  araw.
Ang   dalawang  magulang   ay  parehong   walang  oras   sa  kanya.
Napaka-  busy   ng   mga   ito  hindi  man   lamang   sya   mabigyan    ng   oras.

   Ang   ama  niya'y   may   hinahabol   na  promotion   sa  Kompayang   pinapasukan    araw-  araw.
At   ang  ina   naman   niya'y   busy  rin   maging  isang  Assistant cook   sa  isang   sikat   na  restaurant.
Hindi   man  lang  mabigyan   ng  mga ito   nang  kahit   kaunting  oras  ang  anak   na  samahan   o  ihatid  sa pinapasukan  nitong   school.
Ang   anak  na  halos  yata  ng  bagay  na  ikakasiya   ng   mga  magulang   ay  ginawa  nito.
Ang   anak   na   buwan-  buwan   nabibigyan   ng   award   dahil   sa  mga   sinalihan   nitong  contest  ay  kahit  konte   walang  maibigay  na  panahon   o  oras  ang  mga  magulang.
Sa   school  tinatawag  syang  matapang,  magaling   sa  lahat  ng  bagay,  matalino,   pero  lahat  ng  yon  ay   di  man  lang   napansin   ng   sariling    magulang.
Nang    grumaduate   si   Cassandra   Rodreguez    sa  Elementary   ay lumuwas   ang mga  Lolo at Lola nito upang   e   congratulate   ang   kaisa- isang   apo.
Ang   mga  ito  narin  ang   sumama   sa  apo  na  umakyat   sa   stage,   pati  ang   pag-  suot   ng  medalya.
Dahil    sa   nakalimutan  ng   sariling magulang   ang   graduation   ng  anak,  iyon   rin  ang dahilan kung  bakit na pagalitan  ang mga ito ng mga matanda.
Dahil   sa  nalaman  ng  mga matanda  ang pagpabaya  ng  mga magulang  sa  kanilang  apo  ay  napag- isip nilang  pagbakasyonin  ito  sa  kanilang  Bayan.
Di  pa  nagtatagal  sa Probinsya si Cassandra ng malaman niyang tuluyan ng naghiwalay  ang mga magulang.
Matagal  na  palang  na process ang  annulment  paper  ng mga ito, siya lang ang hinintay na makapag-  tapos  ng  Elementary.
Nagkataon namang isinama siya ng mga matanda sa   Probinsya,   nang malapit na ang pasukan  ay napag-  desesyonan  ng mga ito na sa  Probinsya  na siya patapusin.

Ilang  mga  buwan pa ang nagdaan ng makatanggap  sila ng invitation card sa ikalawang pagkakataon na ikasal ulit ang ama.
Dahil  narin sa pamimilit ng  Lolo at Lola  niya ay pumunta siya sa kasal nito,  nakilala nya ang napangasawa nito at dalawang anak na babae.
Bago pa naganap ang kasal ipinaliwanag ng kanyang  ama  sa kanya kung bakit ito ulit nag asawa.

Ang sabi nito Mahal raw nito ang babae at gusto nitong mabigyan ng bagong ina si Cassandra   at  para narin  magkaroon ito ng oras sa anak.
Ngunit buo na ang naging disesyon ni Cassandra na ipagpatuloy ang pag-aaral nito sa    Bayan na kinalakihan  ng  ina.
Kaya walang nagawa ang ama nito...

Third year High school   siya ng  mamatay ang matandang lalaki,  sa araw rin ng libing nito nagka-  galitan ang mag inang   Emelia   at  Amanda  ang Ina ni Cassandra.
Nagalit si Amanda nang malamang ibininta ng Lola niya ang kalahati ng lupa.
Nadagdagan ang galit nito ng kinabukasan  dumating ang Matandang  Albano   at  sinabing nakasanla ang lupa sa mga ito   at  pagkatapos  rin  daw   ng   anihan  kukunin  na  ng   Pamilyang   Albano  ang  kalahati  ng  lupa.
Ang   mga   Pamilya  Albano  ay may malaking  lupa sa kanilang bayan  na sya ring katabing   lupa  ng kanyang Lolo at Lola.
Ngayon  pinaghatian na ang kanilang lupa ng dalawang Pamilya..
Tatlong  araw ang nagdaan ng bumalik na rin sa Maynila ang kanyang Ina,  may  pagtatampo  parin ito sa kanyang Lola.
Ang naiwang lupa nalamang sa kanila ay ang kinatirikan ng kanilang bahay,  kaya pinahalagahan ito ng kanyang Lola.
Mag- kasama silang dalawa ng matanda sa pagkayod,  kahit nagkadahirap na sa trabaho ang matandang babae ay hindi nito pinatigil sa pag- aaral ang apo.

"My Mother  Is My Rival"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon