Chapter 4 : The beginning of closeness

6 0 0
                                    

           Kakababa    ko  pa  lamang sa sinasakyan kong  Bus    ng matanaw ko ang motor siklo ni  Law.
Papasok iyon sa kanto patungo sa  apartment namin,    bago ko tinungo ang kanto patungo sa apartment    ay dumaan muna ako sa isang di kalakihang   sari-   sari  store.
Kailangan kong bumili ng lolotuin ko ngayon at  para bukas ng umaga,    hindi kasi ako nakapag-  grocery  kahapon.
At kaninang umaga naman,      maaga  akong bumiyahe   papunta sa Bayan namin,    doon  narin nga ako nagsimba...
Nalaman ko pang doon rin nanggaling ang magaling kung ina sa Bayan namin.
Dumalaw raw ito sa puntod ng mga matanda   at  dinalaw narin nito ang lumang bahay doon.
Nagpapakita nanaman ito ng interes sa lumang bahay na naiwan ng mga matanda.
Siguro'y    may plano nanaman ito sa  lupang kinatirikan ng bahay,     kaya nagpapakita ito ng interes sa  lumang bahay.
Malaki-  laki  rin naman ang lupang kinatirikan ng bahay      at       kung ibibinta iyon    malaki narin ang  perang makukuha kapag naibinta na.

     Pero   pasensya sya   dahil  kahit ilang beses siyang magkaroon ng interes sa lumang bahay  ay di parin  nya maibenta.               Dahil  sa aming dalawa iniwan ang bahay na iyon,   may karapatan rin akong  pumigil sa ano mang plano niya sa nag-  iisang alaalang naiwan ng mga matanda.

Nasa harap na ako nang  building  ng apartment  na  tinutuluyan ko,    nakita ko  sa labas  si   Law    may kung anong kinakalikot sa motor siklo nito.
Papaakyat na ako sa hagdan patungo sa   second floor ng   napahinto ako ng magsalita ito  bigla.

"Anong   ginagawa   mo  sa    San *****?"
tanong nito,   kaya  hinarap ko ito...  at unti-  unting  napakunot ang noo,   hindi kasi ito nakatingin  sa akin ng magsalita,   nasa ginagawa niya ito nakatingin.
Hindi ako sumagot  baka  kasi  hindi ako ang  tinatanong  nito,    inilibot ko ang paningin ko  wala namang  ibang tao dito.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya  at  tinititigan ito,  wala rin namang  cellphone na nakadikit sa taenga nito.
Napaatras pa ako ng humarap ito sa akin  na masama ang tingin,       eehhh...  bakit  sya nagagalit sa akin.

"I'm asking you..?"
nakakunot noo na nitong sabi.
"Ayy    sorry,    akala ko kasi hindi ako.."        hinging paumanhin ko pa rito.  "Dinalaw ko lang yong lumang bahay namin doon..."
sagot ko sa tanong nito kanina.
Nakita ko pa ang pagtango-  tango  nito.
"Nandoon ako kanina.."       sagot nito.
"Talaga,  anong ginagawa mo doon..?" nakangiti ko ng tanong.
"May  binili  ako---  ang ibig kong sabihin, may biniling lupa  ang amo ko doon..."
sagot nito na saglit pang natigil sa sasabihin,   at iniwas pa ang tingin nito sa akin.
Nagkibit balikat naman ako sa ikinikilos nito..
"Ahh..."        yan lang ang  naibigkas ko at tumango-  tango pa.
"Ahm.. sige akyat na ako.."  paalam ko rito ng hindi na ito nagsalita pa.

Nasa ika-  anim na baitang ng hagdan na ako ng muli itong magsalita,   kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Wala ka bang gagawin mamaya..?"  tanong nito na ikinakunot  ko ng noo, nagtaka lang kasi ako sa tanong nito.
"Wala naman,   bakit?"      sagot at balik tanong ko.
"Gusto sana kitang yayain sa plaza mamaya.."           sabi nito ng di man lang makatingin sa akin  na ikinangiti ko.
"Talaga...?"       masaya kong naitanong sa kanya   tumango ito.
"Mag-  iisang buwan  na kasi ako dito ng hindi man lang nakapa-  masyal kahit sa plaza lang..    at  alam ko namang matagal ka na rito,  alam mo na ang mga lugar na maari nating puntahan..."
ang sabi nito.
"Nako... tama ka talaga ng nilapitan kuya  Law---  ayy...  Law lang pala.." masaya ko pa ring sabi.
"Manglilibre ka ba..?"        
nakangiti kong tanong at muling bumaba at talagang lumapit pa ako hinawakan ang braso niya.

Natatawa naman itong tumango sa akin, natawa siguro sa ipinapakita kung mga kilos,
Natuwa lang naman kasi ako na manlilibre sya..

"Sige magbibihis lang ako.."
paalam sa kanya at itinuloy na ang pag-  akyat.
"Ok,    I wait here..."
huling narinig ko sa kanya ng umakyat na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"My Mother  Is My Rival"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon