Chapter 1-Bestfriend

143 9 1
                                    

Nagising nalang ako sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana. Dahan dahan akong umupo galing sa pagkakahiga. At kinuha ko ang cellphone sa mesa na malapit sa bed. I dialed Lash number at sinagot niya ito.

"Goodmorning baby girl, what can i do for you", bati nito. Lash's voice is so damn attractive, at ang sweet niya lage. Naging ugali ko nang tawagan siya tuwing umaga, his voice completes my day kase.

"I miss your voice", aniya ko. Lash is such a sweet man kaya ako nafall, speaking of that, Lash is my childhood crush kaso di niya alam yun. Nadidisappoint lang ako sa sarili ko kasi diko manlang masabi sakanya na gusto ko siya. At inis na inis naman ako dahil di manlang yun makita.

"Lagi mo naman akong namimiss eh" biro niya. Totoo yun, miss ko lage boses niya, ngayon na 1 month na siyang nasa States samantalang ako sa bahay parin.

"Gago ka, siya nga pala kelan balik mo? Kamusta na pala si Tita Fe ayos lang ba siya?" tanong ko. Gusto ko lang talaga magkaroon ng topic para naman makapag-usap kame. Tita Fe don't like me for Lash actually Sabi panga niya bad influence daw ako dahil niyayaya ko si Lash minsan na gumala.

"Oo ayos lang siya Raine, pano pag balik ko labas naman tayo" aniya nito. Matagal tagal narin nung lumabas kame para mamasyal at nakakamiss lang nung mga panahong kami lang at walang taong nanggugulo. Oo si Lash ang isa sa mga pinagkakaguluhang lalake sa campus, maliban sa gwapo ay matangkad, matalino at talented pa. Odiba? Ideal man kumbaga, kaso kahit pagbalikbaliktarin pa natin ang mundo di parin niya ko magugustuhan.

"Raine? Raine adyan ka pa ba? tanong niya at bumalik ako sa reality.

"Ahm oo andito ako sorry kinakagat kase ako ni White eh nanlalambing lang siguro" palusot ko.

"Baka naman di mo na pinapakain, nako Raine hah baka pagbalik ko naman buto buto na si White" demanda niyang sinabi.

I chukled a little bit at sigurado akong narinig niya yun dahil natawa rin siya ng konti. "Diko gugutumin si White no, mamahalin nga mga pagkain niya eh" sabi ko hanggang sa may narinig akong nagdoorbell sa apartment na tinutuluyan ko. "Ahm Lash maya lang hah may bisita yata ako" sabi ko at pinatay ang telepono. Dali dali akong pumunta sa banyo para mag-ayos ng konti at dumaretso na sa pintuan para buksan ito.

Nagulat nalang ako sa nakita ko. Lash is standing in front of me na may hawak na box cake at mga flowers. Di parin ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko. Di ko ikakaila na sobrang gwapo niya pag nilapitan mo siya. He is wearing a blue polo na pinares sa aloha shorts at white shoes. Napakagwapo siyang tingnan at ang mga berde nitong mga mata.

"Di ka parin makapaniwala baby girl?" sabi niya at sinalubong ako nang yakap. I hugged him so tight na tipong ayaw ko na siyang pakawalan pa. "Okay baby girl tama na yan" utos niya at diko parin siya pinakawalan. Miss ko na tong taong to, miss ko na pabango niya,miss ko na tong taong sinabing di ako iiwan.

"Ayoko, kala ko nasa States ka andito kalang pala" sabi ko at tuluyan ko nang pinutol ang pagkakadikit ng mga katawan namin. "Sana sinabi mo na kanina kapa andyan para naman pinagbuksan kita"

"Well hinintay ko talaga ang tawag mo kase alam ko namang ganitong oras lage gising mo, siya nga pala flowers and cakes for my special bestfriend" sabi niya at natawa ng konti. His laugh is so attractive. Napakasweet niya naman para maging bestfriend ko lang, pero ayos lang yun basta alam kong di niya ko iiwan. Iniabot niya ang mga bulaklak at box cake sakin at dumaretso kami sa kusina.

"Nag abala kapa Lash, anyway lavender pala hah" sabi ko habang ipinatong ang cake sa counter at inamoy ang bulaklak na binigay ni Lash.

"Lavender suits you, atsaka may matandang nag alok na bilhin ko yan kaya binili ko na lang baka malanta eh" sabi niya. Medyo nainis ako ng konti kase di pala niya sinandyang bigyan ako ng bulaklak at mukhang naawa lang to sa matanda.

"Ah so binili mo lang to kase malalanta na at wala ka talagang balak bigyan ako ng bulaklak ganon" i rolled my eyes at ipinatong ito sa counter kasama ang cake. I folded my hands at tinaasaan ko siya ng kilay. Kala ko pa naman miss niya ko kaya binigyan niya ko ng bulaklak.

Tumawa siya ng konti at ang mga tawang yun ang dahilan para malusaw ako sa sobrang gwapo niya. "Nagbibiro lang ako Raine, kahit kailan talaga masyado kang uto uto syempre binili ko pa yan sa mamahalin na Flower Shop dito sa Pilipinas" sabi niya habang kumuha nang isang piraso ng bulaklak at nilagay ito sa aking taenga. Diko mapigilang na makilig sa kilos na pinaparamdam niya at nafefeel kong nagblublush nako kaya tinakpan ko ang aking pisngi gamit ang aking dalawang kamay.

Lash removed my hands na hawak ang mga pisngi ko. "You look beautiful when you blush" sabi niya at masaya akong tinitigan sa mga mata. Those eyes FUCK.

"Ahm-ah-ahm" utal kong pagkakabanggit. Raine walang hiya ka nakakahiya ka, bat mo pinapakitang nakikilig ka bwiset ka Raine sabi ko sa sarili.

"Yan ka na naman Raine, nauutal utal kaya walang may gustong makipagusap sayo ng maayos"biro nito. Sakanya lang naman ako nauutal ng ganito eh, siya lang naman nagpaparamdam sakin neto.

"Ahm ano pang ginagawa natin kainin na natin to, masarap siguro mga cake sa States" sabi ko habang binubuksan ang cake para maitago ang kilig na nararamdaman ko ngayon.

"Raine, wag mo muna kainin yan, may pupuntahan lang tayo" sabi niya at inilagay ang dalawa nitong kamay sa bulsa.

"Hah? San naman?" tanong ko.

He chukled."Baka nakakalimutan mo lalabas tayo ngayon sinabi ko lang kanina yun diba"sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko at aalukin ako para lumabas. Gosh he's touch.

"Sige na nga pero maliligo muna ako pansin mo naman kagigising ko lang" sabi ko habang sinusuklay ang pagkabuhol buhol na ayos ng aking buhok gamit ang aking mga kamay.

Natawa siya ng konti. "Sige maligo kana muna, baka ngayon kalang kase maligo kaya pagbibigyan na kita"

Natawa ako sa sinabi niya at sinabing "Uy di kaya lagi nakong naliligo no"sabi ko, natatawa lang kase ako dahil alam ni Lash na minsan minsan lang ako maligo kase anglamig sa Baguio.

"Sige ba baby girl ligo kana, nangangamoy na eh" biro nito at pumasok na sa banyo si Raine para maligo.

Okay guys pano yung first chapter? Yah boring pero guys sana support me nagtataka kayo siguro, nakuha ko pala yung pangalan ni Raine at Lash sa possesive series ni Ceceilib, ganda kasi ng pangalan kaya kinuha ko narin. Please keep on reading mahal ko po kayo kung susuportahan niyo po ako pero iloveyou po kase binasa mo kahit chapter 1 palang hehe. See you sa next chapter guys. 💞💞

The Cop Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon