Chapter 4

54 7 0
                                    

3 days later

"Raine balita ko may girlfriend na si Lash totoo ba?" "Hi Raine binilhan kita ng lunch kamusta na pala si Lash?" "Hoy Raine mau jowa na daw si Lash?" Halos yan ang narinig ko ngayong araw at nakakairita dahil di nila ako tinatantanan. Gwapo si Lash kaya di malayong magkagusto lahat ng mga babae sa campus kaya laking gulat nalang nila nung sa States na siya mag-aaral.

"Nako mababaliw siguro lahat ng babae sa campus kapag nagpakasal si Lash" biro ni Amber habang kumakain. Maliban kay Lash meron pakong kaibigan, si Light, Smoothie at si Amber.

"Sinabi mo pa, napakasuwerte naman nung babaeng yun no? Isipin mo ang napakaguwapo at napakatalented na si Lash Franz may girlfriend? Nako nakakainggit hah" sabi naman ni Light habang iniinom ang juice neto.

Nasa Restaurant kami ngayon galing sa school. Nagiging tambayan na namin to at palagi kami dito kumakain kaya may discount narin pag dito na kami nagtatambay.

"Anyway Raine kamusta na kayo ni Lash? Nag-uusap paba kayo?" tanong ni Amber sakin. Alam nila kung gaano ako kaclose si Lash kaya alam din nila kung gaano nakakaapekto sakin ang pagkakaroon niya ng girlfriend. Pagkatapos nung beach di na kami nag-usap siguro narin dahil meron na si Lauren na lagi sa tabi niya. Bat lagi ko nalang siya naiisip nakakainis.

"Oo naman pero di na masyado, pagkatapos lang nung beach wala na" sabi ko habang tumitingin sa paligid para itago ang patak ng luha sa pisngi ko.

"Anyway magkwento ka nga sa beach Raine" sabi naman ni light. Nafeel kong nagblush ako sa sinabi nila, naalala ko yung lalakeng nakahalikan ko nung gabi yun at kung gaano siya kagwapo.

"Ano Raine magkwekwento kapa ba? Kase kame kanina pa kame naghihintay dito" sabi ni Amber in frustated way.

"Kanina pa ba ako nagkakaganito? Anyway sige magkwekwento nako"sabi ko habang hinahawakan ang buhok ko.
 

"Ge kwento mo samin kung bqt nagblublush ka ng ganyan" sabay smirked si Amber.

"Ganito kasi yun, nung nasa cottage ako habang pinapanood ko si Lash at Lauren, may lunapit sa aking lalaki. Well di lang siya basta bastang lalaki, isa siyang napakaguwapong lalake. At alam mo ba kung ano yung mas nakakaattract sa kanya? Those green eyes. Sabihin niyo nga nababaliw na bako? Tas alam niyo nung pagkatapos niya ko inalok kumain, i mean siya ang naglibre pero ako ang umalok, alam niyo ba kung anong ginawa niya?" Tanong ko sakanila na nahihiya parin. I can feel they are waiting for something na sasabihin ko. "Hinalikan niya ko fuck" sabi ko at tinakpan ang mga mukha sa sobrang kahihiyan. Ewan mga kaibigan ko naman sila pero bat nahiya ako nung sabihin kong may humalik sakin?

Natawa ang dalawa sa sinabi ko. "Raine Gel Valdez France, hinalikan kalang pala, alam mo ba kung ano yung ineexpect namin? Sabay tingin nila sa isa't isa"Na may nangyari sainyo!"sigaw nila sa Restaurant. Tinakpan ko ang dalawa nilang mga bibig at binigyan ko sila ng masamang tingin.

"Ano? Tumahimik nga kayo, mabuti na yun na walang nangyari saamin. At isang stranger lang naman yun at di ko na ulit makikita" at tinanggal ko na ang mga kamay ko kanilang mga bibig.

Still patuloy parin silang nagtawanan. "Raine my friend, alam mo namang di na bago samin yang mga kiss kiss na yan dahil kaya naman naming yan makuha kahit kailan namin gusto" sabi ni Light. Light, Amber, Smoothie, do this club thing kaya normal nalang sa kanila ang makipaghalikan sa kung sino sino habang ako kaya Lash lang lagi at mas tutok kami sa paglalaro ng basketball pag break time.

"Nakuha mo ba pangalan niya? Or he's number?"tanong ni Amber.

"Hindi eh, atsaka nung tinanong korin kung tatanungin niya ang pangalan ko sabi naman niya di na kailangan" sabi ko habang kinakain ang natitirang cake sa table.

"Siguro dahil di ka niya type, boys always ask for names and numbers kung type nila yung babae at madami nakong experience kaya wag mo akong tatanungin kung bakit"sabay turo sa akin ni Light.

"Nakakainis naman kayo, so ano yun? Trip niya lang ako halikan yun ba ang ibig niyong sabihin?" At nagpuppy eyes pako para makita nilang nasaktan ako sa sinabi nila. Well di naman masakit pero meron parin yung lungkot. That guy don't find me attractive kaya siguro di niya tinanong pangalan niya dahil wala na siyang balak makipagusap sakin after that night.

"Eh ikaw naman kasi Raine, mag-ayos ka kaya ng konti minsan pwede? Anak ka ng isa sa mga pinakamayamang business man sa Asia tas di ka manlang makabili ng make ups tsaka new clothes, seriously Raine you look like mess"
Natawa nalang ako sa sinabi ni Amber, i'm used to it.

"Kahit naman bumili ako ng mga bagong damit at magpaganda ng bonggang bongga di parin niya ako papayagang makipagkilala sa ibang lalaki maliban kay Lash" Matalik na magkaibigan ang Daddy ni Lash at Daddy ko ganun narin pagdating sa bussiness.

"Strikto naman kasi masyado si Tito Romeo kaya di ka nagkakalovelife eh" biro ni Light habang inilalabas ang phone na kanina pa nagriring.

Sinagot niya ang tawag at bumalik nako sa kinakain ko."Hello Smoothie?---Talaga ba?---Sige makkapunta kami syempre---Sige bye Muahhh"

"Anong sabi ni Light?"tanong ni Amber kay Light.

"Guess what, nag-iinvite si Heather sa club mamayang gabi, magcecelebrate daw siya ng birthday niya at iniinvite niya tayo" masayang sinasabi ni Light.

"Syempre makakapunta tayo, diba. Raine?" Patingin sakin ni Amber. Alam niya kasing di ako sumasama pag club ang usapan kaya alam kong pipilitin niya ko para pumunta. Sorry Amber pero i'm not in the mood,  raine kailangan ka pa nagkamood?

"Di ako makakapunta at alam niyo yon, walang magaalaga kay White at magrereview pako no"palusot ko sakanila. Wala talaga si White ngayon dahil kinuha siya ni Manang Rosie last week at mas lalong di ako nagrereview sa apartment at sa school ko lang ginagawa yun.

"Come on Raine don't act like you own many responsibilities, ngayon lang to promise?" Pagmamakaawang sinabi ni Amber. Sorry Amber di moko madadaan sa ganyan.

"Meron naman si Light at si Smoothie kaya okay lang kahit...."di pa tapos magslita nung nagring ang phone ko. I grabbed my phone from my bag at nagulat ang puso nang si Lash ang tumatawag at sinagot ko ito ng mabilis.

"Hello Lash? Bat napatawag ka?"napangiti nalang ako sa sinabi ko. Diko alam baka sasabihin niyang namiss niya ko kaya siya napatawag.

"Ah- Ra-raine andito ako sa Park yung dati, halika ma-may sasabihin lang sana ako sayo"nanginginig niyang pagkakasabi. Ano kaya ang nangyari dito?

Napalunok ako, 3 days narin nung huli kong narinig ang boses nito at nakakamiss narin. Ano bang nangyayari sakin? May girlfriend na siya, bat ba umaasa pako?Tinignan ko ang relo ko at gabi na para magkita kami sa park.

"Lash sigurado kaba? Gabi na eh, pwede bukas...?" Kahit gusto siyang makita ngayon di parin makakabuti kung magkita kami sa ganitong oras.

"Raine gusto kita" sabay nun ay binaba na ni Lash ang tawag. Sa sinabi niyang yun napatulala nalang ako sa gulat. Lash likes me? Pero may girlfriend na siya? Pinagloloko lang ba ako nang lalaking to? Pero di ugali ni Lash ang magsinungaling? Anong sasabihin ko? Na gusto ko din siya? Na nasasaktan ako pag may kasama siyang iba? Kung gaano ko kagustong maangkin siya pero alam kong di na pwede? Anong sasabihin ko? Matutuwa ba ko?

Napakashort no? Hehehe. Pero ayos lang yan nakilala niyo naman na ibang kaibigan ni Raine. Pansin ko kasing kung mapapalayo siya kaya Lash wala na siyang friend kaya naisip kong dagdagan ang mga characters. Sa next na chapter magkikita ulit si Lash at Raine at malapit na yung gusto niyong mangyari. At Thank you pala guys kase chapter 4 na nagbabasa pa kayo, di niyo alam kung gaano niyo ako pinapasaya. Salamat guys iloveyouall💞💞

The Cop Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon