Para sa mga first year college....Tawagin niyo na lang akong Tinoy. Pinalad na makapag-aral sa isang Prestihiyosong Unibersidad. Sundan ang aking biyahe at kwento. :D
Nang pumasok ako sa PUP, malaki agad ang expectation ko sa kalidad ng edukasyon sa murang halaga. Nabansagan pa ngang Pamantasang Utak ang Puhunan.Ganito ang mga pangyayari. Dahil wala pa naman akong muwang noon nang tumapak sa kolehiyo, na-culture shock ako sa unang araw ko. Puro kamalasan ang nangyari. Una sa listahan. 12:00 PM ang first subject ko. Kaya minabuti kong umalis ng bahay nang 10:00 AM. Sakay ako ng jeep, una pa-cool cool lang ako dahil swabe ang byahe, pero di pa nga nakakalayo eh parang hapong-hapo na ko sa biyahe. Palibhasa'y ilang hakbang lang ang eskwelahan ko nung highschool ako. Balik sa kwento. Pero ang masaklap bukod sa ngalay kong pwet ay yung feeling na walang gustong umabot ng bayad mo.
AKO: Ma, bayad po!
*katahimikan*
AKO: Bayad po Manong! (sumigaw na talaga ako)
*no comment pa rin ang mga kapwa ko pasahero*
AKO: BAYAAAAD POOOOO!
Buti naman nakaramdam si kuyang kanina pa nakatingin sa hawak kong barya. Mukha siyang cctv na nakabantay lang. Fvck. Parang ang sarap sabihin na "Putik! Manong Catch!!"
Eto na nga pagdating ko ng Aurora Blvd. Tarantula na naman ako as in lutang. "PUP na baa?" Maygaaahd. Bobo ko. Paano ba ko pumasa ng PUPCET. May mga dumadaang jeep na papuntang DIVISORIA, SM MANILA, RECTO tapos yung isa STOP N SHOP, SSS VIL. AT CUBAO. Sabi ko sa sarili ko, "Sht. Wala bang PUP??" So para iwas pahiya, hintay muna ko ng may nakalagay na "PUP". Siguro 30 mins nang lumipas.... FUUUUUSONG BATO! wala nganga ever ako dun. Until yung barker sumigaw "Oh PUP!" Fusong bato with feelings! Sa wakas! Akala ko buwenas na. Nagulantang buong pagkato ko nang mabasa sa jeep na "STOP N SHOP, SSS VIL. AT CUBAO" Gusto ko umiyak sa kahihiyan. Dun din pala yun. T.T
Sa loob ng jeep..
Haggard agad ako kase naghintay ng trenta minutos eh. So chance ko na para magpahinga ng konti. After 5 mins. gusto ko na magbayad. Eh kaso dahil inosente ako, di ko alam kung san bababa at magkano bayad. Hmm. Ang ginawa ko nakita ko yung dalawang estudyante din ng PUP. (naka-ID kase e.)
Estudyante1: Manong bayad po STOPNSHOP, estudyante.
Estudyante2: Manong bayad po PUP, estudyante.
Me: (Fusong bato! Ano gagayahin ko iba iba sila. Ano to SM? May branch din?) Kuya bayad po, PUP estudyante.
Driver: San galing?
Me: Grrr. (Malamang sakin. Ang sarap sagutin ng ganun)
So ayun, sa kalagitnaan ng byahe, napansin kong ang tagal ko na palang nakaupo. Dungaw ako ng dungaw sa may bandang pinto kase ako nakaupo eh. Sa loob loob ko. "Diyos ko, nasaan na ba ako? Naliligaw na ata ako..." Although medyo kampanate ako dahil may mga kasabay ako na parehong school. Nagulat ako sa nabasa ko sa road sign. Nasa San Juan na ko?!? O.O So para di obvious na kinakabahan ako, inantabayanan ko yung mga kasakay ko na taga-PUP. Sa loob-loob ko, "Ano to? Di ko naman kase tinandaan nung hinatid ako ni ate. Bahala naa." At last! Nabuhayan ako nung may mabasa akong "STA. MESA"yun kase yung pangalan nung motel na nakita ko. HAHAHAHA. Nawala kaba ko. Pagkaliko sa may Theresa..
Driver: Oh, sige pwede na bumaba!
Mga Pasahero: *babaan*
Ako:NGA-NGA.(Hinintay ko muna makababa lahat although nasa may pinto lang ako kunwari lang gentleman.) Pagkababa nila tanong ako agad sa driver. "Ma? PUP na po?"
Driver: Oo, lakad ka na lang jan.
Pagkababa ko akala ko di na ko mag-aalala. Naalala ko di pala sa main building ang course ko sa may bandang Pureza pa. So sakay ako ng trike.
Ako: Kuya Masscomm building po?
Driver: Sige, sakay.
Yung moment na excited ka na makita ang building mo para sa unang klase. "I'm the king of the world!" sabi ng hangin. Maya-maya pa, huminto ang trike sa isang building.Driver: Oh Masscomm!
Ako: Eto na yun? O.o
Driver: (Medyo natatawa pa) Oo iho.
Ako: O.o Ok.
May parte sa akin na, "Tama ba ang binabaan ko? San naman kaya ko nito dadalhin? Hindi ko alam. Pero nararamdaman ko, ako ang magiging drayber sa biyaheg ito..."Kahit 10 reads lang. Mag-apdate na ko. Kung gusto niyo malaman naging Buhay ni Tinoy sa PUP.
SALAMAT. :)
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Jeepney (Ongoing Series)
Teen FictionAng buhay ng tao ay isang mahabang biyahe. Napakaraming Kwento :D