Hello.Eto update kahit pano may nagbabasa naman eh. SALAMAT.
-----------------------------------------------
Nakakuha ako ng konting tapang sa mga nakasabay ko sa LRT. Nakikita kong makakasama ko sila nang matagal sa minamaneho kong byahe. (malamang blockmate ko sila.tsk.)
Sa may Gateway ako dumaan. "Teka. San ako nito pupunta? San ang sakayan?"sabi ko sa sarili. So para makahanap ng daan, nakisabay ako sa mga tao. Sinundan ko ang daloy ng mga tao. Napakahabang lakaran. Di ko nga alam kung san ako mapupunta nito. Bahala na.
Sa aking paglalakad, may mga kasabayan akong mga estudyante. Mukhang mayaman, amoy branded. Wagas ang Conyohan nila. Yung totoo lang, saang planeta galing? Tsk. No choice ako kundi gawing soundtrip ang usapan nila. Ganito ang naging mga eksena...
Estudyante1: Girl, You know what? We're gonna make bili a brand new phone..
Estudyante2: Ow really? Your'e so yaman talaga.HAHAHA.
Estudyante1: I know right.OMG. Have you nuod the new movie. It's showing on CInemas. I'm gonna make nuod that one.
Estudyante2: I already kita that movie yesterday. My arteneo friends make yaya me to watch that.
Estudyante1: Ow. Your'e so makasarili. Di mo ko winait. Hmp.
*Tootoot-tootoot tootoot-tooot* (Tumunog ang cellphone ni Estudyante1)
Estudyante2:Giiiiirl, your phone is making tunog. Sounds like a lumang cellphone.
Estudyante1:Eeeew. It's not mine.
(Lumingon si Estudyante2 at sinamantala ni Estudyante1 na basahin ang text.)
Estudyante1: (Dukot ng cellphone ng bulsa...Tumataginting na 3530 na may goma pa sa gitna.)
Ako: O.o
Grabe. Ang sarap nila itulak sa escalator. Kaya traffic ang pag-usad ng bansa natin eh. Kasi nakaharang sila. HAHA.
"Eto na yun, nakikita ko na yung daan. Makakauwi na ko." Nabuhayan na ko nang maamoy ko na ang polusyon ng hangin. May narinig ako. Naka-megaphone. Sa may bandang sakayan ng jeep.
MEGAPHONE: Dito po ang sakayan, Ligaya, Sta. Lucia, Anonas.......
Eh naglikot ang utak ko. Gumawa ako ng sariling version."Dito po ang sakayan, Ligaya, Lengguwahe, Karahasan, Sekswal, Horror o Droga"Gsh. Natatawa ko sa sarili ko. HAHAHAHAHA. Kasi naman mag-isa na ko sa daan. Wala na kong kahati sa tawa. :D Kaya bago pa man ako matuluyan ay sumakay na ko sa jeep.
Sa loob ng Jeep....
*MUSIC:Pusong Bato*
Ako: (Oh diba, Fusong Bato, we meet again.) -_____-
*Di nagtagal napuno na ang jeep. As in punong-puno. Yung totoo, Jeep ba to o Evacation Center? Tapos humirit pa ang barker.
Barker: Oh, sige lima pa!! (Ngiting Senador pa si gag* Para daw maka-akit ng pasahero.)
Pasahero: Utang na looob! San mo isisiksik yang lima mo pang pasahero? Sa 2nd floor?!!!? Manong Driver, alis na tayo!
Umandar na ang jeep. At simula na ng maraming kwento ko. (Hindi pa ba ko nagkekwento sa lagay na 'to?) Malayo-layo pa ako bago bumaba. Pinagmamasdan ko isa-isa ang mga pasahero. Alam ko kasi, bawat isa sa kanila, may itinatagong kwento. Nakikita ko sa mga mata nila (Manghuhula ang peg?!?). Etong isa, si Ateng naka-violet sa tabi ko, ang ganda niya. Pero bakit mukhang malngkot siya? Iniwan ng boyfriend? Siguro..
*nag-ring cellphone ni ateng naka-violet* (tawagin natin siyang Ate V.)
Ate Vi: (Sinagot ang Phone) Tama na please... Ayoko na. Pagod na ko eh.... (umiiyak)
*Naka-loudspeaker pala. Sumagot yung kausap ni Ate V.
Caller: Anak! Ano ba pinagsasabi mong bata ka?!? Kanina pa kita hinihintay! Naglakwatsa ka na naman no!?! Ayan na nga bang sinasabi ko! Umuwi ka na!
Ate Vi: Ay. Sorry nay. Uuwi na po ako.
Award na sana ang iyak ni Ate Vi eh. Kaso nasermunan pa ng nanay. Tsktsk. Teka, eto kayang si Kuyang naka-Red. Ang saya niya tignan ah. Hmmm. Inspirado? Ngiting-ngiti siya eh. (Tawagin nating Kuya Smiley)
Kuya Smiley: (Nakangiti. Biglang tumawa nang malakas) Hawak ko ang buwan. HAHAHAHAHA. Tabi baka matamaan ka!!
Driver: Hoy adik! Bumaba ka na, natatakot mga pasahero sayo eh.
Kuya Smiley: Isusumbong kita kay tatay Noynoy at sa asawa kong si Kris Aquino. (Walk-out. Baba ng jeep.)
Babaeng Pasahero: Anu ba yan. Sayang. Gwapo pa naman. Hmp.
Ayuuuuun. Kaya naman pala masaya si Kuya, may sayad na pala. Tama si Ate, sayang nga. Sana man lang iniwan niya na lang sakin yung kagwapuhan niya diba? Tsk.
*Biglang lumiko ang driver. Nagtaka si Ateng naka-Green. (tawagin nating Aling Berde)
ALing Berde: (Nakakunot ang noo, parang aapela sa korte) Manong, E. Rod. po ako. Bakit kayo lumiko sa Kamuning?
Driver: Ale, di niyo po nabasa yung nakasulat sa harap. Biyaheng Kamunig po ako. Nagkakamali po kayo ng sakay.
Aling Berde: AY. Sige ho. Para na lang.
Tsk. Hay nako. Ang jeepney parang taong minamahal natin. Akala natin siya na talaga, di pa pala. Sa simula, maayos lahat, komportable ka. Pag tipong malayo na ang nialalakbay niyo, tsaka mo lang malalaman na,Ayy, Mali pala to.Nakakahinayang diba? Ang laki ng nasayang. Pagod at oras. Kaya ako, sinisigurado kong tama ang biyaheng pinskan ko. Para wala akong pagsisisihan. (Parang di naman. :D)
Matagal-tagal na kong nakaupo. Naghihintay kung kailan ako bababa. Traffic ba? Nakakainis. Gutom na ako eh. East Ave. naman to. Bakit traffic? Yung totoo, feeling EDSA o MAJOR HIGHWAY? Hmmmmm. Pero sabi nga nila, lahat ng bagay nakukuha sa tamang pagkakataon. Maghintay, makukuha mo rin ang nais mo... Patience is a virtue.
After 30 mins. Nakatulog pala ko. O.o Nakakahiya. Paggising ko Commonwealth Ave. na. Malapit na ko bumaba. Konting tiis na lang. Oo talagang tiis. Kasi pinagtitinginan nila ko. Ewan ko kung bakit. Na-ilang tuloy ako. Kaya pinunasan ko mukha ko. Natunawa ako sa nakapa ko. Basa. Umulan ba? Sht. Tulo laway ako. Namaaaan. Fussssoooong Batoo with mix emotion. :/ Kahihiyan. Nagdesisiyon na kong pumara.
LESSON LEARNED?Wag matulog sa Jeep, nakaBabasa. :)))))))
SALAMAT. SANA'Y SUNDAN PA RIN ANG BIYAHE NI TINOY. :)))))) ISANG COMMENT NAMAN. HARHAR.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Jeepney (Ongoing Series)
Teen FictionAng buhay ng tao ay isang mahabang biyahe. Napakaraming Kwento :D