At dahil sa hindi lang 10 reads ang nakuha ko. Sige update kahit walang humihinge. :D Na-Pressure ako sa 23 reads. :))))
Kilalanin pala natin ang bida sa biyahe. Si Tinoy. (Bakit Tinoy? Kase sinisimbolo niya ang bawat Tudyanteng Pinoy. Kwaley -____- Stopiitt.) Anyway siya ngapala si Tinoy ----------> (gwapo dibaa? Malayo sa realidad.)
"Eto na ko nagsimula ng umarangkada ang buhay ko sa panibagong yugto." Sa loob ng kolehiyo ay para rin isang jeep. Iba't ibang pasahero na makikilala mo sa pinakamahabang biyahe mo sa buhay. At siyempre bawat pasahero, may kwentong tinatago. At dahil sa Masscomm nga, hindi naging mahirap ang magkaroon ng kausap. Unang lumapit sakin ay yung babaeng naiiba ang mukha. (Literal na kakaiba. joke! :D Itago sa pangalang Ayie.)
Ayie: Hi.
Ako: (feeling gwapo di namamansin tango lang)
Ayie: Hi ulet.
Ako: (Nahiya naman ako di mamansin so ngiti ako ng malala) Hello!
Ayie: Ako budoy? HAHAHAHAHAHA. (Laugh hard si ate.)
Ako: (Tawang tangalang. Sabay abot ng kamay) Ako si Tinoy,
Ayie: Ayie ngapala.
Ako: Oh? Ngayong mo lang nalaman na ikaw si Ayie? HAHAHAHAHA.
Ayie: (Laugh hard na naman) Magkakasundo tayo.
Ako: Hahaha. San ka pala umuuwi?
Ayie: Makati ako umuuwi.
Ako: Ay, ang layo. QC ako.
Bigo akong makahanap ng makakasabay pauwe. Yun bang makakakwentuhan mo sa daanan bago kayo maghiwalay ng landas. Pero di ako nawalan ng pag-asa. (Hello? Andami pa nila na pwedeng kasabay. Emo agad?)
Lumipas ang ilang oras. Pero ako nga-nga. Walang makakasabay. Takot kasi akong mag-isa. Tanga kasi ako bumyahe eh. Hahahahaha. Sinubok ko ang sarili ko na umiba ng ruta. Naglakas-loob ako mag-LRT. Para maiba diba? Sino nga naman ang makapagsasabi no? Di mo inaasahan yung nabigo ka sa isa, marami ang kapalit. Nakasalubong ko ang ilang pamilyar na mukha sa loob ng tren. Andun si Andang, Iggy at Grasya. Magkakaklase siguro sila nung highschool. Sa tingin ko lang. Nahiya ako lumapit kaya sila na ang nag-effort mag-approach. Hiyang-hiya naman sila sakin. o.O
Iggy: Uy pre!
Ako: O.o (Kailan mo pa naging inaanak ang anak ko? Una sa lahat wala akong anak.)
Iggy: Ako to. Renz ABMC101.
Ako: Ay. Hahaha. Sorry I don't talk to strangers. Joooooke. :D (baka masapak ako neto)
Iggy: Hahahaha. Palabiro ka. Sila ngapala kaklase din natin. Si Andang at Grasya.
Andang at Grasya: Hi Tinoy.
Ako: Kilala niyo ko agad?
Andang: Oo. Usap-usapan ka kasi sa room. May kamukha ka daw artista.
Ako: Hahahahahahahaha. Havey yang joke mo!
Grasya: Di kami nagbibiro. Totoo nga.
Ako: (Inuuto lang ata ako nitong mga to ah. Pano ba to, wala kong panglibre.) Talaga?
Iggy: Oo pre. Tara kain tayo. Treat ka naman jan.
Ako: -______- HAHA!
Sa haba ng kwentuhan namin. Ang inaasahan kong matagal na biyahe ay naging mabilis. "Yung totoo, San dumaan ang LRT?" Siguro di ko lang napansin. Unti-unti na ko nagkakaroon ng pasahero sa biyahe kong ito....
Kapag nag-iisa ako, gusto ko na matapos yung kalsada. Pero dahil sa kanila, para bang ayoko nang matapos pa ang biyahe..
THANK YOU PO. 20 READS UPDATE NA KO. :))) SALAMAT SA PAGTITIYAGA.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Jeepney (Ongoing Series)
Ficção AdolescenteAng buhay ng tao ay isang mahabang biyahe. Napakaraming Kwento :D