Natagalan ba update? HAHAHAHA. Sorry po sa delay. (kung maka-arte ako akala mo in demand talaga eh. HAHAHA.) Thank you sa 100+ na nagtiyagang magbasa. Eto na....
Ang nakaraan..... (joooke! hahaha) Eto na talaga.
-----------------*
Ikalawang araw ko na sa eskwela. Ikalawang araw ng pakikipagsapalaran. Pero parang sanay na ko sa pag-kambyo sa aking biyahe. Napalapit na sa aking ang kalsadang tinatahak ko. (Second day pa lang napalapit na agad? Anu to? Pee bee bee Teeens?!? --waley diba? Shutdown mo na. HAHAHAHA.) Nawala ang mga alinlanagan ko sa biyaheng ito. Ang inaakala kong "ORDINARYONG ARAW" ay malayo pala sa inaasahan ko... Sumakay ako ng Jeepney....
Ikaw ang nakatabi
Di makapaniwala
Parang may hiwagang nadama
Nang tumama sa'yo
Ang aking mga mata
At nagsiksikan na
Dahil tumigil ang jeepney
Sa tapat ng eskuwela
Biglang nagkadikit
Puso ko'y biglang sumikip
At natulala
Sabi nila'y walang hiwaga
Kung wala'y
Ano itong nadarama
Ayoko nang pumara kahit san mapunta
Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara
Ayoko nang pumara
Ayoko na ahhh....
(Kumanta ba? -____-)
Bigla akong napaisip. "Matagal-tagal na rin nung ako'y nagmahal. Handa kaya ulit ang puso ko na magsakay ng pasahero?" Bumaba na kasi yung pasaherong minahal ko. (broken-hearted ang peg? Background music please...) Ganun talaga siguro ang pag-ibig, may destinasyon na hinihintuan. Kailangan niya pumara kasi may dahilan siya. Minsan pa nga, sinasamantala ang paghinto mo para iwan ka niya nang hindi pumapara... May mga sumasakay satin na inaakala nating nakabubuti, yun pala hindi magbabayad, dinaya ka lang... Matapos mong ibigay lahat, iiwan ka lang nang walang dahilan. Yan ang biyahe sa pag-ibig.. (May pinagdadaanan si Tinoy..:/)
Sa kalagitnaan ng pag-eemo ko sa aking lovelife. May mata na palang nakatingin sakin. Kanina pa nagmamasid. Lumaban ako ng tingin. Tinignan ko rin siya. Naka-kulay pulang babae. Maganda at mahinhin tignan. (Type ko yaaan :D) Nakakabighani ang ganda niya... Walang anu-ano'y sinimangutan ako ng dilag. Sabay sabing, "Kuya paki-abot! Kanina pa to oh! Anak ng....!" Kanina pa pala siya nagpapa-abot ng bayad. HAHAHAHA. Puro harot. Tsk.
Eto na nga yung sinasabi kong akala ko na ordinaryong araw lang. Ang araw na ito ay isang sumpa. Joke. Di naman. Ito kase yung araw na mas naramdaman ko na mag-isa ako. HAHAHAHA. Ganito ang eksena....
Sumakay na ko ng jeep na STOP n SHOP. Ok naman pagkakaupo ko. Komportable sa pwesto ko. Pero feel ko mas komportable yung mag-Lovers sa harapan ko. Aba, grabeng PDA (Public Display of Abnormality.) magkapalit sila ng split ends sa sobra nilang close. Motel ang peg nila. So deadma lang ako. Kunwari deads na ko. Nakakahiya naman sa kanila eh, di sila maka-move. (Sa lagay nilang yun ah!) Pagdating sa may construction site (Robinsons Magnolia na ngayon) bumaba yung dalawa kong katabi sa kanan. Uusog sana ako sa may pintuan. Kaso may sumakay na couple ulet. Sa loob loob ko, "Fusong bato! Oo alam ko single ako, kailangan ipa-mukha?!? Stopitt." Di pa nga nagtatagal yung couple na unang sumakay, nasundan pa ng not just one but two couple. Ayun, ang set-up, na-Corner ang lolo mo ng mga Lovers. FOOOOORRRRREEEEVVVVEEEEERRRR AAAAALLLLLOOOOONNNNEEEE. Saya dibaa? Malay ko bang good for two yung nasakyan kong jeep. Pag mag-isa ka, nga-nga ka!
"May magmamahal din sa'kin!" Yan na lang ang pinanghahawakan ko. Sisiguraduhin ko na yung isasakay ko ay yung tamang pasahero na willing mag-stay hanggang matapos ang aking biyahe...
Pagdating ko sa school. Napatingin ako sa relo ko. Nakita kong 1 minuto na lang pala late na ko. Kumaripas na ko ng lakad. Sobrang nagmamadali na ko. Nasanggi ko pa yung kamay nung ale sa daan.
Ale: Aray ko! P@%* dahan-dahan ka naman! Para kang may-ari ng daan ah!!
Ako: Sorry po ate nagmamadali lang. Pero sa loob-loob ko... (Attitude? Kamay lang nabangga akala mo natapakan na buong pagkatao niya! Eksaaheeeraadaaaa!)
Sa kakamadali ko, isang banggaan ang di inaasahan mangyari. Promise di ko sinasadya. Nakakahiya to. May babae ring nagmamadali maglakad. Sa may bandang bangketa yun. Nakatingin ako sa relo ko tapos siya naman may hawak na madaming papel. Nagkabanggaan kami. Di ko inaasahan yung impact namin. Napayakap ako sa kanya kasi matutumba siya. Tumapon yung hawak niyang mga papel. Naka-civilian siya kaya di ko alam ang course niya. Nagkatinginan kami sa ilong. Joke. Siyempre sa mata... "Hala. Lord, sign na ba to? Siya na ba? Kung di pa.... Siya na lang pleaseeee" sabi ko sa sarili ko.
Girl: Ano ba yan. Di kase tumitingin sa dinadaanan eh.
Ako: Sorry miss. (dinampot ko yung mga gamit niya.)
Girl: Nako! Mag-ingat sa susunod ah? Abala.
Ako: So... (Di na ko nakatapos magsalita, naglakad na siya palayo...)
Magaan ang loob ko sa kanya. (Hala ang harot harot ni Tinoy :D) Di ko man lang nakuha pangalan niya. Sinungitan pa kasi ako. Pero ayos lang. Alam ko naman hindi ito ang una naming pagkikita. Di matatapos sa banggaan namin ang lahat. Once upon a time pa lang. HAHAHAHA. Teka. Sa kanya ata itong ID. Hahabulin ko pa sana. Nakalayo na pala. Di ko na inusisa. Tumakbo na ko kasi male-late na ko.
Pagkasakay ko ng trike, dun ko na lang tinignan. Aba, di nga ko nagkamali, maganda siya. Maria Gail San Pedro pala pangalan niya. (Hahanapin ka ni Tinoy sa Main Campus.) Accountancy ang course. Paktay. Sobrang opposite kame nito. Pero ayos lang naniniwala ako sa prinsipyong, "Opposite attracts." Di ito ang huli nating pagkikita, hahanapin kita...
Si Gail kaya ang magiging pasahero sa Biyahe ng pag-ibig ni Tinoy? Abangan.. (Gumaganon? HAHAHA.) THANK YOU SA PAGSAMA KAY TINOY SA KANYANG ADVENTURE. NAWA'Y SUBAYBAYAN PA SIYA. SALAMAT DAW SABI NI TINOY :)
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Jeepney (Ongoing Series)
Fiksi RemajaAng buhay ng tao ay isang mahabang biyahe. Napakaraming Kwento :D