*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Arggh! Kanino ba yang alarm clock na yan? Ang ingay ingay! Teka, wala naman kaming alarm clock dito ahh. Phones nila? Minulat ko na ang mga mata ko. Ano ba ‘to, tulog pa sila, ako lang gising pano yan.
“riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Nakakairita. Kaninong—Ang ganda ko talaga. Ako pala yung nag alarm. 4:30 pa pala. Matutulog na ngalang ako uli.
--------------------------------------
“Marjory, gising na. may pasok pa tayo.” Narinig kong sambit ni Viola sa akin. Bahala kayo, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa inyo kaya manigas kay!
“Hoy Marjory! Bumangon kana dyan! Alam kong nagising kana kanina, bakit natulog kappa uli? Wala tuloy tayong pagkain.” Sigaw ni Agnes sa akin. Aba aba aba, ako ata lider ditto, bakit ako ang ginagawang alila?
“Hoy pwede naman tayong mag drive thru nalang ah.” Sabi naman ni Gertrude. Oo nga ang hina talaga ni Agnes, hindi man lang yun sumagi sa isip niya.
“Fine fine. Prinsesa bumangon nap o kayo kasi po alas 5 e-medya nap o at dadaan pa tayo sa Jollibee at kakain baka malate pa tayo.” Nakakainis. Kaya bumangon na ako’t nagmartsa papuntang C.R. hindi ko na sila nilingon dahil baka mag gera pa kami, delikado.
Nang matapos na akong maligo’t magbihis, pumunta na ako sa sala at kinuha ang bag.
“Tayo na?” yaya ko.
“Ang tagal mo naman 6:07 na ohh.” Paalala naman ni Agnes sabay turo sa orasan. Namumuro na tung babaeng tuh ahh. Bahala na nga.
“Ano? Magsasalita lang ba tayo ditto? O aalis na? Ang dami nyong sinasabi eh.” Angal ni Hasel. Kaya nag lakad na kami palabas sa HQ at sumakay na sa kanya kanya naming kotse. Sabi ni Gertrude siya nalang daw ang bibili sa Jollibee at dumiretso nalang raw kami sa Hotel kung saan naming pina-park ang kotse naming para doon nalang raw kami kakain kaysa naman daw sa cafeteria, baka malaman pa ng iba ang sekreto namin.
Nandito na kami sa parking lot at naglalagay ng cosmetics namin. Hindi ko na pinapunta si Cindy kasi tinuruan naman na niya ako kung paano kaya ayon, hindi ko na siya pinapapunta ng medaling araw haha. Grabeh nagsisisi talaga ako kung bakit pa ako naglagay ng ganito, nakakapagod na kasi eh. Ilang minute din ang lumipas ay dumating na rin si Gertrude. Bumaba na sya’t nilapag ang pagkain sa hinanda naming lamesa. Oo, sa parking lot nga kami kakain. Tinatamad kasi kami umakyat pa sa hotel. Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami palabas. Oy, nakita ko nanaman yung kotseng asul. Kaninong kotse ba yan? Ang kakaiba lang ngayon ay may katabi pa itong apat na magagandang sports cars. Baka ginagawa nang tambakan ng car napped ang parking lot ng hotel ko ahh.
“Oy ma’am, lumipat din po pala kayo. Ginagayaa na pala ninyo si Ma’am Marjory.” Pabirong sambit ni Manong guard.
“Manong talaga” Patawang sabi ko. Pagkatapos nito’y naglakad na kami papuntang skol.
“Marj, araw araw ba tayong maglalakad papuntang skol?” tanong ni Hasel.
“Oh yes we will. You got yourselves into this kaya kailangan niyo ding pangatawanan.” Sagot ko naman.
“Hindi kaba napapagod?” tanong ni Viola.
“Napapagod, syempre. At nalulungkot, buti na lang dumating kayo. Wala talaga akong kaibigan doon eh.” Sagot ko naman kay Viola.
“Wala raw, eh yung Patel. Palagi nga raw kayong magkasama nung first week palang. Ang bilis mo naman magkaroon ng bf, kasisimula palang ng klase eh. Ayeeeee.” Panunukso ni Agnes.
“Ha-ha-ha nakakatawa. Hindi noh, grabe naman. Hindi naman ako ganong klaseng babae.” Wika ko.
“Atsaka, alam mo. Ang bait bait mo sakanya, ayeeeee nagbabago para kay Patel. Ayeee.” Panunukso naman ni Viola. Hindi naman talaga ako mabait. Hindi ko nga din alam kung bakit ang bait bait ko sakanya kahit sa totoo lang ay ang sungit sungit ko. Siguro dahil iba na ang mundo ko’t walang nakakakilala sa akin.
BINABASA MO ANG
Under the mask
Teen FictionA girl named Marjory Lillian S. Ayres is from a wealthy family. Her mom got the idea to transfer her to a new environment. In this environment, she'll live opposite to what she's having. She'll have to hide herself with a mask that can hide her true...