Chapter 1- Adjustment

67 1 0
                                    

KIARA's   POV

N.A.I.A

Kararating lang namin galing States at heto kami papuntang Arriving Area. I know mag-aadjust nanaman ako sa panibago kong life dito sa Philippines. Okay na sana ako doon sa States kaso dahil sa business palagi nalang kaming palipat-lipat ng tirahan sa ibang lugar. Wala na ba kaming pernaminteng tahanan? Yong nasa iisang lugar lang talaga? Nakakapagod din kung palipat-lipat lang ng matitirhan ah. Eh sila nalang kaya ang lumipat total sila naman ang naghahanapbuhay at hindi ako. Hindi ko field ang pera tsaka "business" no. Field ko ang art at music. Kapag may lugar lang na may Art at Music siguro forever nako titira doon. Sa tuwing nabobored ako nakikinig nalang ng musics sa iPad ko while doing art stuffs. Favorite color ko ang red. Mahirap talaga kapag nandito ang kuya ko. Buti nalang hindi muna pinasama ng parents ko dahil alam nilang hindi kami close at nasa England siya ngayon. Ewan ko ba kung bakit, parang hindi ko siya kuya eh, iba ang tingin niya sa akin eh sabi ni Mommy. Hindi ko na siya nakikita ngayong malaki na ako siguro mga 3 years old lang nya ako huling nakita at siya'y 6 pa lang. Suddenly I felt tired and I want to rest. Dad left in the states  para asikasuhin ang iba and we're with our personal bodyguards. Nakahood lang ako para sa security kahit gusto ni mom na magsuot ako ng mga dress but sorry I hate them. Masyado naman yatang pa-obvious ang richness.

"Mom?" sabi ko habang busy naman sa tawag si Mommy. Wow! Hanggang dito pa naman sa airport busy pa din sa business?

"I told you to set a meeting  with Mr. Ramirez. I'll discuss some  of the platforms about the sets of jewelries." Wow! alahas nanaman tayo dito.  Mom? Kailangan kong magrestroom! Isa pa kanina pa ko naiihi. I need comfort.

"Mom?" padisturbo kong sabi kay Mom. Ayaw kasing makinig sa akin eh.

"Ha? Wait muna Kiara okay? Can't  you see I'm busy? ahh.. Yes Hello Mr. Ramirez?" patuloy sa pag-uusap sa phone niya. Busy pala ahh. Uunahin mo pa yan kaysa sa akin. Hmph! Bahala nga kayo basta naiihi nako.

Humiwalay ako kina Mom at naghanap ng Restroom. Magkakakidney at UTI talag ako nito. Pero hindi ako mag-isa, kasama ko ang butler ko na si Raven na kasing edad ko lang. Kahit saan ako magpunta sasama't sasama si Raven para bantayan ako. Naghire si Mom ng personal butler ko na kasing edad ko lang dahil alam niyang ayoko sa mga matatanda at si Raven ang napili niya. Papa kasi nya ang butler ng Dad ko.

Naghanap ako at sa wakas nahanap ko na din. Si Raven naman ay nagbantay sa labas hindi sya pwedeng pumasok sa female's CR no.

Pagakatapos kong gumamit sa cubicle, humarap ako sa salamin.

"Hmm.. ano kaya nanaman kaya ang mgiging status ng buhay ko dito. Mag-aadjust nanaman ako ulit." Kaya ikaw Kiara makisama ka nalang sa trip ng  parents mo basta wag lang ang business.

Lumabas na ako at saktung-saktong tumawag si Mom kay Raven.

"Ms. Kiara? Pinapatawag ka na ng Mommy mo at nasa sasakyan na sila." hahahahay.. Grabe talaga nandito lang sa CR pinapadali pa nya ako. Pagdating namin doon, nakasakay na pala si Mom. Binuksan ni Raven ang doorcar at pumasok ako sa loob.

"Akala ko gusto mong maiwan Kiara." halatang galit si Mom. Wow ha! Porket nasa CR lang parang hindi na ako mapaghiwalay sa kanya. Inuuna kasi ang "business" ayan tuloy. The car started the engine and drove away.

"Sorry po Mommy." Hahaha. Goodgirl kasi ako at hindi  ko kayang sumagot sa parents ko kasi alam kong bad yon. They're both strict and I hate that.

Nakarating din kami  sa bagong bahay namin. Okay sa nasa village kami ngayon.

The gates were opened and we went inside.

"See for yourself my dear. This house is more suitable for you. You can do whatever you want here Kajika." for me? So ibig sabihin ako lang ang titira dito?!

"Mom? What is that mean? Ako lang titira dito?"  Oo nga at gusto ko ang idea ni Mom.

"Yes and I know you want to be alone this time. I know you need to adjust yourself  here. I know gusto mo sa States but sorry you have to learn what's best for you. May aasikasuhin tayo sa business dito at kung saan-saan ka lang naglalakwatsa sa States.  Mas mabuting dito ka lang sa Pilipinas." Oops nagtanong lang ako kung ako lang dito ang titira hindi ang paglalakwatsa sa States. Alam ko na yon Mom.

"So kailan ang alis niyo pabalik doon?" tanong ko lang para sigurado.

"Nextweek at isa pa. Aasikasuhin ko din 'yong studies mo sa school." What? akala ko homestudy ako? Ba't parang naging school na yan.

"Mom? You know how I hate crowds." Oo tama ayoko sa madaming tao. I want to be alone and I'm not a geek.

"Yes but your Dad and I just talked about the school na papasukan mo. It's not just an ordinary school dear."  Papasok ba talaga ako Mom?! Seriously?

Wala na siguro akong magagawa. Gusto nila ang dapat masunod at hindi akin.

Loka-loka na ako! Hindi ako approachable katulad ng iba. Masasanay na din ako. Akala ko homestudy dahil ako lang dito hindi pala ako loner ngayon. Transferee ako at halos 1 week na.

"Si Raven at mga personal maids ang kasama mo dito habang wala ako." Okay! May kasama pala ako ngayon. Hindi ko basta-basta magagawa ang gusto ko. May bantay at alalay ko ngayon ang mag-aasikaso sakin.

Well I guess magsisimula na yong panibagong life ni Kajika Lacryst.

"Amm.. Ms. Kajika? I'm Lexa your personal maid. Ihahatid ko na kayo sa bagong kwarto niyo." okay yaya. Teka ba't ang bata-bata nitong maid ko?

"Mom? Ba't ang bata ng maid ko? Wala bang ibang maid na kasing edad ko lang?" Parang 16 years old lang. Kaya nya kaya? Ngayon ko lang siya nakita ahh. Siguro pinalitan ni Mom ang mga housekeepers namin sa States or mga bagong maids dito.

"I choose her because she's qualified para alagaan ka. Pwede ba Kajika magpahinga ka na ang dami mong tanong." Wow! Nag-aadjust na nga ako dito Mommy! Infairness galit siya ngayon. Oo nga pala ang rules dito itatanong ko sana.

"Amm.. Mom?--" biglang nagring ang phone ni Mom.

"Wait may call ako. Hello? Oh yess! Mr. Ramirez!" lumabas si Mom papuntang garden.

See? Siguro mas importante talaga ang business kaysa sa akin. Sa tuwing kailangan ko ng kausap, nagmumukmok lang ako sa isang liblib na lugar yong walang mga kagamitan at tanging ikaw lang sa room na yon. Kausap ko lang ang salamin. Parang ako at sa loob ng salamin. Para akong baliw ahh. They're always busy and I'm always vacant. Di katulad ng iba na bago matulog pinagtitimpla muna ng gatas at kinkwentuhan ng fairytales. Well wala pa ni isa ang nagawa ng parents ko. Mayaman ka nga pero sa loob mahirap. Walang pagmamahal ang nangyari sa family namin. I've never experience real love before.

"Ms. Kajika kung may kailangan ka tawagin nyo lang po ako." Lexa went outside.

Nasa kwarto nako at heto napahiga na ako para makapag-isip ng maayos para sa pag-aadjust ko dito.

"May makikilala kaya ako dito?"

Nabase na pala ako sa school at hindi dito sa bagong bahay. Napakalooner ko na siguro. Pero wala sa vocabulary ko ang magkaroon ng friends. Bakit? Baka awayin lang nila ako. Siguro may makikila ako dito pero dapat may distansya ako sa kanila. Ayokong  malaman nila na anak ako ng may-ari ng mga jewelries. Baka gawin lang  nila akong panakit-butas. Sana walang mang-bubully sa akin dito. Masama ako magalit. Oo loner ako pero hindi ako mahina, lumalaban ako.

Naghalf-bath ako pagkatapos nagbihis. Malalaking T-shirts ang sinusuot ko. Mas komportable nga ako ehh. I jumped to my bed and gumagamit ng iPad para makinig ng Music.

Now listening: "Through the trees" by Low Shoulder.
Drums played.

Napasabay ako sa beat ng kanta habang sumasabay ang ulo ko. Yeah! This is what I've always wanted to do. Nextweek na ang alis ni Mom at nextweek na ang first day of school ko. First day para sa isang transferee na katulad ko. Adjustment kailangan na kita. Sana maging mabuti ka. Kailangan ko ng pansariling buhay. Kailangan ko nang masanay yong sarili na makihalubilo sa iba.

To be continued......

Love at First BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon