Chapter 6- Unexpectedly

37 1 0
                                    

Chapter 6- Unexpectedly

KAJIKA's POV

Vampires. In my whole life ngayon lang ako nakakita ng mga vampires. Nag-exist ba talaga sila dito sa mundo? Parang panaginip lang ang nakita ko kanina. Pero mas nakakaawang tignan ang babae. Napaiyak tuloy ako sa nakita ko. Ang tunog ng sipsipan sa dugo at ang  pagsigaw sa sakit. Pero ang nakapagtataka lang nang bumalik ako sa classroom. Saktu-sakto ding bumalik ang dalawang Vampire Gangsters sa room kasama ang nerd. Pero bigla nalang sumigla ang nerd at parang walang nangyari sa kanila. Ano kaya ang meron sa mga Gangsters na yon. Nanumbalik ang itsura sa nerd. Parang walang nangyari. Wala akong naintindihan.

"Miss Kajika? Nandito na po tayo sa inyo." Hindi ko namalayang dumating na pala kami sa mansion. Masyado kasi akong nag-isip kanina. Parang panaginip lang ang lahat ng ito. Sa movies ko lang nakikita ang mga bampira pero hindi eh. Meron pa palang lahing nabubuhay dito sa mundo.

Tulala pa rin ako kahit na papasok ako sa loob. Hindi ko maiwasang lumimot sa pangyayari. I got goose bumps! Kinikilabutan talaga ako. Napaiyak ako sa takot.  Vampire Teenagers! Are they human? Hell they're not and they are so dangerous.

"Magandang gabi Miss Kajika. Kumain na daw po kayo sabi ni Madam." tulala pa rin ako pero dinig ko pa rin ang kanyang sinabi.

"Si Mom? Is she here?" tanong ko kay Lexa. Pero wala si Mom. Busy sa kanyang business. Gusto ko tuloy makayakap si Mom. Namimiss ko na siya eh dahil alam kong mag-iisa na lang ako gayo't babalik si Mom sa States.

Humakbang nalang ako papunta sa kwarto ko at dumiretso sa terrace na kung saan ito yong pinakakomportableng lugar para sa akin kung saan makakapag-isip ako ng maayos. Bigla ko nalang naisip ang Vampire Gangsters na yon. Ano nanaman ba ang mangyayari sa akin bukas? Mangyayari nanaman ba yon?

"Miss  Kajika! Gising na po. Pinatawag kayo ni Madam sa baba."   sabi ni Lexa habang kumakatok sa pintuan ko.

Nasa kama pa ko at antok na antok. Gustung-gusto ko pa sanang matulog kaso narinig ko na dumating si Mom kaya na dali-dali akong bumangon pababa. Namiss ko si Mom kahit ganoon siya ka strict. Mahal ko pa din sila ni Papa.

Nagulat si Mom nang mabilis akong bumaba at yumakap agad sa kanya. Napapikit ako sa mata ko.

"Goodmorning to my beautiful Mom." totoo naman kailangan ko si Mom para mawalan ako ng takot.

"Kajika? What's wrong? May problema ba?" tanong ni Mom sa akin. Siguro hindi lang talaga ako sanay sa ganito kaya lang napag-isipan ko na pwede ko palang gawin ito sa tuwing nalulungkot at natatakot ako.

"Wala po Mom. Namiss ko lang po kayo." Oo ga namiss ko nga silang dalawa. Kahit isang oras ko silang hindi makasama. Tumawa si Mom at napayakap nalang din siya sa akin. Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag mahal mo ang mga tao lalo na ang pamilya. Sila naman ang takbuhan ko sa panahon ng pangangailangan.

Dahil hapon pa ang klase ko,  pinabihis ako ni Mom. Where are we going? Wala yatang work si Mom ngayon. Himala.

"Saan po tayo pupunta Mom?" masigla kong sabi kay Mom. Siguro nasiyahan si Mom sa pinakita ko sa kanya kanina. Ang galing ko naman.

"Hahaha!. Dahil sa pinakita mong kabaitan sa akin, itre-treat kita kahit anong gusto mo. Okay ba?" wow naman! Mabait talaga si Mom kung aasta kang parang tao. Aabot talaga sa tenga ang ngiti dahil sa kasiyahan.

Naligo ako at pinapunta ko si Lexa dito sa kwarto ko para tulungan akong pumili ng susoutin  ko mamaya. May nakalapag ng jacket, hood at t-shirt.

Love at First BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon