Chapter 3- New Companions
KAJIKA's POV
*tok! tok!*
Hmmm... Ano ba yan? Natutulog pa ako. Bukas ka nalang kumatok. Walang tao dito.
"Miss Kiara? Kailangan nyo na pong bumangon." katok ng katok si Lexa.
"Bakit? Anong meron?" habang ako'y nakahigang patalikod. Ano bang meron ha? Antukin pa si Kiara okay? *moans*
"Amm.. Ngayon po kasi ang unang araw niyo sa school." ha? Unang araw? Eh weekends pa kaya kahapon.
"Ha?*moans* eh saturday pa ngayon eh. Nanaginiip ako at saturday pa ngayon." antok pa talaga ako eh.
"Eh Miss Kiara? Monday na po ngayon at kahapon lang ang weekend.Tignan nyo nalang po ang calendar at orasan niyo."
Ha?! Teka titignan ko...0_0!!!
"Ooppss!!!" Here I go!! yah!
Habang nagbre-breakfast kami ni Mom bigla nalang akong nawalan ng gana kumain.
"Why you stopped?" alam mo kasi Mom, hindi ko akalain na first day ngayon at ayokong pumasok. Kung alam mo lang Mom.
"Ha? I'm stuffed. Busog na rin ako." palusot ko pero totoo talaga busog na ako at nawawalan ako ng gana kasi ngayon na yon.
"Okay.. Be ready dear." Ready? Ano to karera lang?"
"Dark Hour University?" Ahh.. So ito pala ang school ko ngayon. Well infairness malaking skwelahan din ito. Parang unique naman ang name ng university na'to at parang nakakatakot pakinggan ang pangalan nito.
"Ito ang isa sa pinakasikat at pinakamalaking school Kiara, wealthy students were enrolled here in Dark Hour University." Alam ko na yon Mom, no need to explain.
Pumasok kami sa loob ng school at nakikita ko dito ang iba't-ibang mukha ng mga pinoy. Teka parang mga gwapo't magaganda lang ang nag-aaral dito ahh.
Parang may mga gangaters din dito. Actually grupo-grupo lang dito depende sa high class na mga tao.
Nasa Principal's Office kami ngayon para kausapin ang principal.
"Maswerte ka Kiara at hindi sila magsusuot ng uniform dito."
Really? Am I that lucky?! Mas gusto ko dito ahh. Maya-maya nag-uusap na sina Mom at ang principal.
"Well I can assure you Miss Kelly Lacryst that your daughter can learn a lot from this school. This is a best school at tamang-tama lang para sa anak mo." sabi ng principal.
"Well see about that Mr. Gomez." plastic lang naman talaga ang pinakita ni Mom eh.
"Amm.. Can I ask a question Mr. Gomez?" magtatanong lang tungkol sa schedule ng class dito.
"Oh yes Ms. Lacryst? What is it?" At parang nagdududa si Mom ahh..
"May night class po ba kayo dito?" yan ang gusto kong itanong baka pwede wag lang sa night class ako mapunta. Wala sana.
"Meron at sa night class nabibillang ang mga intelliegent students. Dito makikita ang kasipagan at sukat ng pagod na nagagawa ng mga students. Kung baga parang training na rin sa mga skilled students at mga high class nandoon." wow!. Parang gusto ko tuloy pumasok dyan. Sorry pero takot ako sa gabi.
Pagkatapos makipagchi-chat sa principal ay hinatid ako ni Mom sa room ko kasama ng mga bodyguards namin.
"Remember Kiara don't dissappoint me and learn to be friendly. Clear?" oo na Mom. Nahihiya na ako dito.
"I promise Mom." she kissed my forehead and then I bid her farewell. Okay.. Heto na Kajika just act cool. Nagtitinginan na sila sa akin. Dumadaan lang naman ako sa harap para makahanap ng mauupuan. Kinakabahan na tuloy ako.
Jackpot!. May nakita rin akong vacant. Pumunta ako doon at umupo. Haaayyy thank God naman.
"Hmm?" tingin ko may nakatingin sa akin. Isang babae at isang lalaki. Gusto nila sigurong makipagkaibigan.
"Aham.." palusot para mapansin din nila ako. Mom said dapat maging friendly daw ako.
Bigla silang umiwas ng tingin sa akin. Bakit? May dumi ba ako? Natatakot ba sila akin? Hindi ko maiwasan gusto ko tuloy makipagkaibigan sa kanila.
"Amm.. Hi?' Ha? Naunahan yata ako sa pakikipagkilala sa kanila.
"Hello." ngumiti ako tas naghihintay.
"Amm.. Hera Turner nga pala name ko."
" And I'm Alexander McArthur."
Yes! May pangalan na din! Address kaya.ang susunod? hahahah joke lang.
"And I'm Kajika Lacryst. Nice meeting you guys." May friends na ako! Okay Mom!
Naging kaibigan ko na din sila. Naparami din ng kwento namin. Nagtatawanan kaya lang confidentiality pa din sa akin.
"Ikaw Kajika? Anong business nyo?" tanong ni Hera sa akin. Kinakabahan yata ako dyan. Ayokong magpanggap kaya lang dapat maging totoo ako sa sarili ko.
"Amm.. jewelries." tipid kong sagot. Napanganga sila sa sinabi ko. Tumawa nalang ako para di nila seryosuhin yon.
"May-ari ba kayo ng Lacryst Jewelry?" tanong ni Alexander sa akin. I nodded and please don't go beyond the bottom line.
"Wooow" napawow? bakit? ano bang meron? Parang bago lang sa kanila.
"Bakit? May problema ba sa sinabi ko kanina?" Oo nga nga ba't ba kasi sila nabigla eh sinabi ko lang naman ang totoo.
"Amm.. dapat nasa Night Class ka papasok. Hindi sa day." Ha? ganoon? pero bakit?
"Ha? bakit?" tanong ko at parang nalilito yata ako nito. May kinalaman kaya ang high class nito?
"Masyadong malaki ang business niyo at para sa night class students dapat ang nandoon. Kung gaano kalaki ang business doon din sinusukat ang skills at academics baka kasi sila ang susunod sa tapak ng kanilang magulang." Talaga? Sa bagay malaki nga ang business namin dahil puro alahas at gems ang meron kami. But I don't have the plan to study about business thinggy.
"Ano nga pala ang pinagkakaablahan niyo?" matanong ko lang. Don't tell me mas malaki ang business namin kaysa sa kanila.
"Furnitures sa amin." sabi ni Hera. Ahh.. ganoon ba, parang naiiba talaga ako.
"Cars." pahabol ni Alexander.
Parang pantay lang yata kami eh. Bakit ba may pagbabatayan ang business dito? Parang ayokong pag-usapan ang tungkol dito.
"Wala ka bang plano lumipat sa Night Class?" tanong ni Alexander. Wala nga akong plano eh dahil parang nakakapagod at delikado na rin kapag gabi.
"Wala akong plano dahil hindi ko gusto. Takot ako sa gabi. Eh kayo may plano kayo?" tanong ko sa kanila baka may plano sila.
"Hmmm....." napaisip silang dalawa. Suddenly the professor came and started the class.
Nagpakilala kami isa-isa at nabigla sila nang dahil lang sa business namin. Parang wala naman akong dapat itago dahil puro mayayaman naman ang nandito. Maya-maya ay umupo ako at napabuntong-hininga nalang. Kaya lang pinag-uusapan at pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Haaayy.. siguro sa night class nalang ako dapat.
"Okay lang yan Kajika. Masanay ka na." sabi ni Hera while she thumped my back. Parang ganoon na nga kailangan ko na yatang mag-adjust. Una sa bahay ngayon dito sa school.
"Bye Hera and Alexander!" nagpaalam nako dahil tamang-tama na dumating na rin ang sundo ko.
"Bye Kajika!" habang sinusundo na rin sila sa kanilang mga sundo.
Wow! Parang nagkaroon yata ako ng mga bagong kaibigan tingin ko matutuwa si Mom sa ibabalita ko sa kanya.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Love at First Bite
VampireA vampire love story inspiration. Sypnosis: This is when Kajika Lacryst meets ultimate badboy gangster and a vampire Zero Romathy Bornsworth, leader ng Dark Hour Gangsters. Sina Carlisle Turner, Jack Levi at Lucky Angelo na miyembro ng D.H.G. Lumi...