Chapter 2- Simple reason

35 1 0
                                    

KIARA's POV

Bagong gising para sa bagong pag-aadjust ng buhay dito. Bumangon ako at tumingin-tingin dito sa napakalaking kwarto.May terrace pa pala, buksan ko kaya.Pumunta ako ng terrace at binuksan ko ito dahil tingin ko maganda tignan ang labas.
Okayy.. It's really beautiful. Wow napakaganda naman pala dito. Tamang-tama ang pagpili nila ng bahay. Nakikita ko tuloy ang  kabilang dagat at city dito. Fresh air and breeze of the wind, I can feel them right here.

*tok! Tok!*
"pasok!" well it's time for breakfast.
"Ms. Kiara?  Pinababa kayo ni Maam Kelly. Your breakfast is served. Kumain na po kayo."
"Osige Lexa. Susunod na ako." ang ganda pala dito kapag umaga. Paano  pag sa gabi? Siguro makikita ko dito ang city lights at ang moonlight sa tabi ng dagat.
Hmmm mukhang okay dito.

"Am Miss Kiara? Kumain na daw po kayo. Hinihintay na kayo ng Maam Kelly." Oo nga pala! Patay! Kalma lang Kelly.

Bumaba ako at shocks! Tinaasan ako ng kilay ni Mom. Dahan-dahan kong inayos ang sarili ko at umupo sa upuan. Gusto niya kasi proper etiquette ang gawin. Parang nag-aantay ng sagot si Mom sa akin. Ano nga ba? Ahh Oo nga pala. Nakalimutan kong bumati.

"Goodmorning Mom." bati ko kay Mom. Buti naman at natauhan din.
"Hmm.. Goodmorning din my dear. I thought nakalimutan mo." Nagsimula na kaming kumain. Muntik ko na talagang makalimutan.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso si Mom sa school na sinasabi nya na papasukan ko. Atlast makakapagpahinga na muna sa mga proper etiquette na yan. Gumagawa lang ako kapag nandito si Mom at Dad. Naisipan ko tuloy tumakbo dito sa loob ng mansiong 'to! Tumakbo ako parang a sign lang ng success.Oops stop!
"Yes? Lexa?" napahinto ako sa pagtakbo.

"Am Miss Kiara? May iba pa po ba kayong kailangan?" Oo meron!

"Well hmmm.. Meron! Dapat sundin mo kung ano ang ipag-uutos ko sa iyo! Okay ba?" hahah! Para namin makapagbinat ng buto.
"Ano po yon Miss Kiara?"  sana sabayan mo ako! Masaya eh!

"Sabayan mo akong tumakbo! Dali! Whoooohhh!!!" Tumakbo ako samantalang sumunod din naman siya. Hahaha bata pa ako kaya i-enjoy ko muna 'to hanggang wala pa sila Mom at Dad. Natatawa tuloy ako kay Lexa akalain mong ginawa nya talaga ang sinabi ko. Napakaloyal nya talaga.

Ilang minuto ay nagpahinga din ako. Tinimplahan ako ng juice ni Lexa maykasamang dessert.

"Thank you Lexa. Sabayan mo akong kumain.Dali." ooppss parang may kaibigan na ako dito. Mabait kasi kaya parang gusto kong kaibiganin pero paano nga ba?

"Amm.. Lexa?" kailangan ko lang sigurong magpakilala sa kanya.
"Yes Miss Kiara?"  Kaya mo ito Kajika!

"Pwede ba akong makipagkaibigan sa 'yo?" nabigla siya sa sinabi ko. Hahhhaha gumaan yong feeling ko.

"Ha?.amm.. Opo pwede po Miss Kiara.".oops! Yes friends na kami.
"Well then we're friends!" nagtawanan nalang kaming dalawa. Atleast may friend na akong makakasama dito

.

Nagbasa ako ng libro sa sala at saktung-saktong dumating si Mom galing sa school. Ano kayang balita?

"Goodevening Madam." bati ng mga maids at bodyguards namin.
"Goodevening din. Where is Kiara?" may balita siguro si Mom.

"Goodevening Mom." I kissed Mom's cheeks. I acted like a woman in front of her.
"Goodevening dear. How was the staying here?"  hmmm.. Nagtatakbuhan kami ni Lexa kanina tapos nagsnacks kami.

" I was reading books here." I lied. Nagbabasa  lang ako sa kwarto hindi dito sa sala. Para makita nya yong mga tinuturo nya sa akin. Ayaw ni Mom na umasta ako na parang hindi babae.Dahil ayaw kong magsuot ng mga dresses, kapalit noon ay ang pagtuturo nya sa akin ng mga proper etiquette dito at sa labas ng bahay.

Love at First BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon