[12] His Lovely Driver

10.9K 280 5
                                    

Huwag niyo pong kalimutang gamitin ang #ThirDee sa inyong mga comments! Thank you!
***

CHAPTER TWELVE

"RADEE."

Nag-angat siya ng tingin nang magsalita si Thirdy sa tabi niya. Hindi man lang niya namalayan na nakalapit na pala ito.

"Sir?"

"I'll introduce you to Granny."

Napasinghap siya. "Ha?"

"Come on."

Hinawakan pa siya nito sa likod kaya napatayo na rin siya. Ang init ng palad nito. Tila tumatagos sa tela ng poloshirt niya at nanunuot sa kanyang balat.

"K-kahit ganito ang ayos ko?" alalang tanong niya.

"You look presentable, don't worry."

In her mind, she's scratching her head.

"She's a good friend of mine, Granny. Radelyn, this is Selina Montreal."

"H-hello po, Mrs. Montreal. Kamusta po kayo?" Bahagya pa siyang kumaway rito.

Ang awkward naman nito. Huu!

"Hi, Radelyn," magiliw namang tugon ng babae. "Simple but beautiful. Ganyan na ganyan ang taste ng mga apo ko. It's a pleasure to meet you, hija."

"Same here po, Mrs. Montreal," she said and breathed. "Ang ganda niyo po."

At sinabi ba nitong kagaya niya ang tipo ng mga apo nito?

Gosh!

Pinigilan niya ang sariling hawiin ang imaginary hair niya.

"Thank you! Talaga bang magkaibigan lang kayo ni Thirdy?"

Nag-init ang magkabilang-pisngi niya. Huwag nitong sabihing ipagtutulakan din siya nito sa boss niya? Ipaalam kaya niya rito na hamak na driver lang siya?

But Sir AJ didn't mind, though. Kanina ngang umaga ay b-in-uild up pa rin siya nito.

"Hindi natin sila kailangang pangunahan, Granny," sabi naman ng isa pang lalaki na tiyak ay apo rin nito. "Let them take their time to know each other."

Kung hindi ito si Ziggy ay malamang na si Cedfrey ito. Pero malaki ang pagkakahawig nito kay Raffy. Then he really must be Cedfrey.

"Tama," sang-ayon naman ng babaeng inaakbayan nito. "But there's no denying na may chemistry sila."

Awkward siyang tumawa.

Mukha ba kaming atoms?

Nginitian naman siya ni Thirdy on the other hand.

Nakompirma niyang tama nga siya nang ipakilala rin ni Thirdy ang mga ito. Ang babaeng kasama naman nito ay si Chelle, ang asawa nito.

Cute. They looked so good together, lihim na komento niya. Ang mga ito talaga ang may tunay na chemistry.

At magigiliw na tao pa ang mga ito. Chelle has such a charming smile na tinapatan naman ng glowing eyes ni Cedfrey.

'Yong totoo, Radelyn. Kailan ka pa naging romantic?

Kaya ang nangyari, lima na sila ang magkakasalo ngayon sa lunch. Kahit hindi niya nasolo si Thirdy ay hindi naman siya disappointed. Masarap kausap ang mga kamag-anak ng boss niya. Hindi naman pala lahat ng mga mayayaman ay intimidating kausap. Patunay niyon ang mga Montreal.

Alejandro's Empire #2: His Lovely Driver(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon