[10] His Lovely Driver

10.7K 296 10
                                    

CHAPTER TEN

"TALAGA bang hindi na magbabago ang isip mo?" tanong ni Manang Lory kay Thirdy habang naghahapunan na sila.

Napatingin tuloy siya rito.

"Alam niyo?" tanong din nito nang mapahinto sa pagkain.

"Lagi ka kayang itinatanong ng Granny mo. Tumawag siya kaninang hapon para kompirmahin kung busy ka nga at tinanggihan mo ang imbitasyon ng Dad mo."

Itinuloy nito ang pagkain at ganoon din siya pero nakiramdam siya rito.

"I've told them I can't make it," kaswal nitong sabi. "Besides, may next time pa naman."

"Gaano ka kasigurado? Alam mo bang sinusulit lang ng grandparents mo ang mga nalalabi nilang panahon sa mundong 'to para makasama kayo?"
Uy, si Manang wagas makapangonsensiya, saloob niya. Keep it up, Manang.

"I'm not ready yet."

"Kailan pa kung gano'n, Sir? Kapag hindi na kayo naririnig, nakikita at nararamdaman ng Dad niyo?" hindi napigilang sabat niya. Napatitig sa kanya ang dalawa kaya nailang siya. "M-maikli lang ang buhay. Mas mahirap ang magsisi. 'Yon lang ang ibig kong sabihin." Kunwari ay nagpakaabala uli siya sa pagkain niya. "'Wag niyo 'kong pansinin. P-pasensiya na."
Naku, Radee. Huwag kang magugulat kung pag-i-empakehin ka na niya dahil sisante ka na. Hindi mo na naman napigilan 'yang kadaldalan mo!

Kulang na lang ay iuntog niya ang sarili sa dingding ng kusina. Pambihira talaga.

Pero buti na lang at hindi naman ganoon ang sunod na nangyari.

"May katwiran 'tong si Noelle," ani Manang Lory.

Lihim siyang nakahinga nang maluwag. Saviour na rin niya ngayon ito.
You're the best, Manang!

"Ang tagal kang hindi nakasama ng Dad mo. Ipagkakait mo ba naman 'yon sa kanya?"

Napatingin ulit siya kay Thirdy. Bumagal ito sa pagkain pero napakasarap pa rin nitong panoorin.

Umiling ito. "Huwag na lang 'yan ang pag-usapan natin, pwede ba?"

Nakagat niya ang ibabang labi. Doon niya napatunayan na hindi ordinaryong tao ang boss niya.

Nagkatinginan na lang sila ni Manang Lory.
MABIBIGAT ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng mansiyon. Doon na siya nagkaisip at lumaki sa bahay na iyon pero nakapagtatakang parang hindi pamilyar sa kanya ang mga nakikita niya. Yakap ang picture ng Mom niya ay naupo siya sa harap ng piano.
He then realized it was a wrong move. Bumabalik na naman sa alaala niya ang araw na nalagutan ng hininga ang Mom niya sa kanyang tabi, doon mismo sa piano na iyon.
Hinaplos niya ang larawan nito. She had always looked so beautiful, so vibrant, and so full of life. Ngayon ay magiging alaala na lang ito.
Paano na siya ngayon magpapatuloy sa buhay? Nasanay na siyang laging nasa tabi niya ang kanyang Mommy Emerald. The thought that he won't be waking up with her hug and kisses anymore pains him so much. Naninikip pa rin ang dibdib niya kahit na mailibing na ito at para bang sasabog iyon anumang oras.
I promise you I would be strong. Pero ngayong wala ka na, I don't I can keep it.
"Thirdy." Naramdaman niya ang paghawak ng kanyang Granny Selina sa kanyang balikat. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito.
"Nami-miss ko na siya ngayon pa lang, Granny," sabi niya sa gumaralgal na boses.
"Lahat naman tayo nami-miss siya, hijo. But she's not really gone, you know. She will always be in our hearts."
"She meant everything to me, Granny. Paano na 'ko ngayon?"
Pinisil nito ang kanyang balikat. "Nandito pa 'ko, kami ng Dad at ng Lolo mo. I will never leave your side."
ANG MGA sumunod na araw ay parang parusa sa kanya. Ang akala niya ay ang Mom lang niya ang nawala, maging ang Dad din pala niya.
Napatingin siya sa itaas ng bahay nang marinig niya ang tunog ng nabasag na mga bote. Galing na naman iyon sa silid ng Dad niya. Simula nang ilibing ang kanyang Mommy Emerald ay wala na itong ginawa kundi ang maglasing at magkulong sa kwarto nito.
He looked so miserable. Napabayaan na nito ang sarili at ang trabaho nito sa kanilang kompanya. Maging ang obligasyon nito sa kanya bilang ama ay hindi na nito ginagampanan nang maayos.
"Male-late na kayo, Thirdy," sabi ng kanyang Granny Selina para ma-divert ang atensiyon niya. "Kainin mo na 'tong almusal mo. Pinaghirapan ni Lory ito."
"Hindi na 'ko magtataka kung ang susunod na gawin ni Uncle ay ang magpakamatay," sabi naman ng pinsan niyang si Ziggy na katabi ng Granny nila. Mahigit isang taon lang ang tanda nito sa kanya. Pareho sila ng school na pinapasukan nito. Hindi kagaya niya, ulila na ito sa edad na pito.
Sinaway ito ng Granny nila pero hindi naman niya ito pinansin. Tumagos lang nga ang sinabi nito sa tenga niya.
"Hanggang kailan magiging ganyan si Dad, Granny?" sa halip ay tanong niya. "Pareho lang naman kaming nawalan, ah? Kung nabubuhay kaya si Mommy, matutuwa siya? Ngayon ko siya kailangan bilang ama ko pero bakit parang pati siya nawala na rin?"
"Alejandro..." Mula sa kabilang bahagi ng mesa ay umikot ito at tumabi sa kanya.
"Nalulungkot din naman ako, Granny, eh. Gusto kong tanggapin na wala na si Mom at hindi na siya babalik pero kung magpapatuloy na ganyan si Dad, parang ayoko nang manatili sa lugar na 'to."
"Please, hijo, don't say that." Kinabig siya nito at niyakap. "Please be patient with your father. Hindi naman ako nagsasawang kausapin siya, eh. Hayaan mo't babalik din siya sa dati. Mare-realize din niya na nandito ka pa. Na hindi rin siya nag-iisa."
"Sana nga, Granny."

Alejandro's Empire #2: His Lovely Driver(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon