CHAPTER 2

647 35 2
                                    

CHAPTER 2: INTRODUCING SB19

Natapos na ang pangalawang class at Papunta ako ngayon sa Cafeteria dahil nag text si Piper, kaibigan ko. Samahan ko daw siyang kumain. Sasamahan ko lang siya pero hindi ako kakain. Ayokong gumastos dahil nagiipon nga ako. Besides hindi rin naman ako nagugutom. Uumpisahan ko nalang gawin 'yung reviewer ng mga costumer ko.

"Clementine Gwyneth, dito!"  Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagtawag niya nanaman sa pangalan ko.

Tinignan ko siya ng masama habang papunta sa kinaroroonan niya. Tinakpan niya ng isang kamay ang bibig niya at ang isa naman ay nagsign ng peace sign.

"Ngayon na ba ang tamang pagkakataon para tahiin ko 'yang bibig mo?" Tanong ko habang nilalapag ang yellow paper na gagamitin ko sa pag gawa ng reviewer.

"At ikaw kailan mo ititigil 'yang pag gawa ng reviewer tuwing sasapit ang exam?" Tanong niya pabalik.

"Hanggang sa makapagtapos ako. Alam mo namang kailangan kong gawin 'to para kumita ng pera." Sabi ko habang sinisimulan nang magsulat.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang tanggapin 'yung offer ni mama na siya na ang bahala sa financial mo." Tanong niya. Habang nakatingin sa ginagawa ko.

"Girl, hindi kasing kapal ng balat ng kalabaw ang mukha ko para diyan." Sabi ko. Wala naman siyang nagawa kundi kumain nalang.

"Hindi ka oorder?" Tanong niya. Umiling lang ako at bumalik na sa pagsusulat.

"Hindi ako gutom."

"Hindi ka gutom oh ayaw mo lang talagang gumastos?" Tanong niya. Ang kulit talaga nitong babaeng 'to.

Hindi ko nalang siya sinagot at tinuloy ang pagsusulat.

"Burnin' up fire di na matatanggi, got me like fire ikaw na ang aking hinahanap~"

Nawala ang focus ko sa pagsusulat at napatingin sa pinto ng cafeteria. Nakita ko ang ilang studyante na may bitbit ng speaker at napakalakas ng tugtog. Pagpasok nila nakisabay sa kantahan ang lahat ng nandito sa loob at kami lang ni Piper ang hindi nakikisabay.

Napatingin ako sakaniya at nakakunot din ang noo niya.

"Ganon na ba talaga kasikat ang SB19?" Tanong niya.

"SB ano? SB Gensan?" Tanong ko.

"Anong SB Gensan? SB19 tuleg!" Sabi ni Piper.

Nakita niya sigurong nakakunot parin ang noo ko kaya ni-open niya ang phone niya at may kung anong tinipa dito. Ibinigay niya sakin ang phone niya at pinakita ang limang lalaki sa picture.

"Anong gagawin ko diyan?" Tanong ko ng may pagtataka. E hindi ko naman kasi 'yan kilala.

Kinamot niya ang ulo niya na halatang pinipigilan ang inis.

"Ganon kana ba ka-Outdated sa social media para hindi mo sila makilala?" Tanong niya.

Nagkibit-balikat lamang ako na parang hindi interisado when in fact, hindi talaga ako interisado.
Kinuha niya 'yung phone niya sa akin at siya na ang nag explain.

"Sound Break 19, also known as SB19, is a Filipino idol boy group trained under ShowBT, a Korean entertainment company that branched out to the Philippines. They are the first all Filipino idol boy group trained by a Korean entertainment company under the same system that catapulted K-pop artists into global stardom." Basa niya sa sinearch niya kaninang background ata ng SB19.

"The group consist of 5 members which is, Josh, Sejun, Stell, Ken and Justin. Debuted on October 26, 2018 with their first single tilaluha. At nagkaroon ulit sila ng Second single which is Go up. Sa pagkakaalam ko sa Go up sila sumikat nagtuloy tuloy na 'yon. Kaya ayan, nung nag comeback ulit sila sabog nanaman ang buong Pilipinas at ganiyan ang resulta." Mahabang paliwanag niya habang nakatingin sa mga studyanteng kumakanta.

"Ah." I murmured habang tumatango. Ibinalik ko na ang atensiyon ko sa sinusulat ko.

"Seyoso Tine?"

"Ha?" Takang tanong ko sakaniya. Problema nito.

"Ayan lang talaga reaksiyon mo? Dalawang letter lang? Ang hirap bigkasin niyan ah." Sarkastikang sabi niya.

"E, ano ba dapat ang maging reaksiykon ko? 'Ay weh? Talaga, ang galing naman nakakaingit na-iinspire tuloy ako' ganon ba dapat? Nagmukha naman akong plastic pag ganon." Depensa ko. Totoo naman e, alangan namang magpaka-plastikada ako, e hindi naman ako ganon.

"Ewan ko sayo, kumain ka na ngalang. Baka nalilipasan ka lang." Sabi niya sabay abot sa akin ng burger and drinks.

Nagpasalamat naman ako. Ang totoo nagugutom na talaga ako, ayoko lang gumastos.

Kakagat na sana ako sa burger nang may marinig akong nagbubulongan sa kabilang table namin. hindi ko alam kung nagbubulungan ba sila o pinaparinig talaga nila sakin. As if namang madedepress ako sa mga sinasabi nila. Atsaka ano bang mali sa sinabi ko.

"Ang kapal naman ng mukha niya."
"Ignorante ba 'yan oh sadyang ang pangit lang talaga ng taste niya when it comes to music."
"Tss, a stupid anti-fan."

Hinampas ko ang table namin at tumayo, kinuha ko nadin ang gamit ko at mataray na tumingin sa mga clown sa kabilang table atsaka tumingin kay piper.

"Alis na ako, hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko. Andami kong naririnig na nakakairitang boses ng daga." Sabi ko.

"Ha? Wala namang daga ah." Nagtatakang tanong ni Piper.

"Madami, hindi mo ba nakikita?" Tanong ko sakaniya habang nakatingin sa mga mukhang clown na nasa kabilang table. Mukha namang nagets ni Piper ang ibig kong sabihin kaya tinignan niya rin ang direksiyon kung saan ako nakatingin.

Naglakad na ako paalis dala ang mga gamit ko. Ayoko sa lahat 'yung pinaguusapan ako tapos nonsense lang 'yung maririnig ko nakairita sa tenga.

"Teka Tine, paano 'tong pagkain mo?" Narinig kong sigaw ni Piper.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ulit siya.

"Huwag na. I lose my appetite. Nakakawalang ganang kumain lalo na pag nakakakita ako ng clown at nakakarinig ako ng boses ng mga daga."  Sabi ko at muling tumingin sa mga babaeng mukhang clown. Oo mukha talaga silang clown dahil sa kapal ng make-up sa mukha nila. Siguro pudpod na ang mga make-up nila sa sobrang kapal ng kolorete sa mukha nila.

Umalis na ako sa Cafeteria at balak ko nalang magpunta sa likod ng building ng freshmen. Doon ako tumatambay kapag gusto kong makalanghap ng fresh air. Doon ko nalang tatapusin ang reviewer na dapat kanina ko pa tapos.

***********

Thankyou for reading. Don't forget to vote. Arigathanks gozaimuch.

Fall In Love with an Anti-Fan (SB19 Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon