CHAPTER 7

882 39 36
                                    

CHAPTER 7: CONCERT PART 2

'Yeah yeah we gonna go up~'

'Yeah yeah we gonna go up~'

'Josh cullen'
'Na Sejun'
'Stellvester'
'Keuna'
'Jusitin'
'We go up'
'SB19!'

Sigaw ng mga fans nung nagumpisa nang mag perform 'yung SB19 habang hawak ang kanilang mga lightstick at winawagayway. Kita sa mga mata nila ang saya na nakita na nila ang Idol nila. Nilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan nitong Cuneta Astrodome at sobrang dami talagang tao, kahit sa pinakataas may mga nakaupo.

"Tintin, right?" Tanong ng isa sa mga Stuff, naka soot din kasi siya ng katulad na t-shirt na soot ko.

Tumango nalang ako dahil sobrang lakas ng speaker bukod don sumasabay din sa kanta 'yung mga Fan.  Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Liezel." Nakangiti niyang sabi habang inaabot niya sakin 'yung kanang kamay niya. Inabot ko nalang din para naman mag mukha akong mabait. Mukha siyang ahead sakin ng mga 3 to 4 years kasi sobrang matured niya gumalaw and the way na magsalita siya.

"Mukha namang tatagal ka."

"Ha?" Takang tanong ko.

"Mukha namang tatagal kang maging PA ni Ken." Ulit niya, pero this time mas malinaw kaya naman naintindihan ko na 'yung gusto niyang iparating.

"Ang tapang mo naman. Ken Suson nasapak mo? Oh God kung ako 'yan magtatago na ako sa dulo nitong mundo." Ang Oa naman nito, Demonyo ba 'yung nasapak ko para katakutan ko. Ay oo Demonyo pero hindi naman ako natatakot.

"Paano mo naman nalaman 'yung tungkol diyan?" Tanong ko. Kasi naman, walang namang isa sa Stuff don at kami kami lang.

"Ah, PA ako ni Jah." Kaya pala. 'Di halatang madaldal ah.

"Dapat lang 'yon sa bastos niyang ugali." Sabi ko habang nakatingin sa stage kung asan si Suson.

Tumawa lang siya atsaka tumayo na.

"Ginagawa mo pa diyan?" Tanong niya. Malamang naka upo.

"Tara na sa back stage tapos na sila mag perform oh, solo performance na 'yung sunod." Sabi niya at naglakad na papasok sa back stage, kaya pala biglang dumilim.

Hindi ako sumunod sa kaniya dahil dumiretso muna ako sa Stuff room para mag cr. Ihing ihi na kasi ako kanina pa, pinipigilan ko lang kasi baka sabihin nitong si Liezel iniiwasan ko siya.

Nang guminhawa na ang puson ko dumiretso na ako sa room ng SB19. Pag pasok ko sa loob ng dressing room lahat sila nakatingin sa akin. No hindi pala lahat kundi 'yung SB19 lang dahil 'yung PA nung ibang member busy sa mga alaga nila, habang si Ken ang sama nanaman ng tingin sa akin. Ano nanaman bang ginawa ko?

"Saan ka ba galing Tin? Asikasuhin mo na si Ken. Pangatlo 'yan sa mag p-perform." Sabi sa akin ni Ate Selene habang may chinecheck na kung ano sa hawak niyang papel.

"A-Ano na bang sosootin mo?" Nahihiyang tanong ko. Oo nakaramdam ako ng hiya dahil kahit papano bilang PA responsibilidad ko nga namang asikasuhin 'tong amo ko.

Pumunta siya sa gilid at kita kong binuksan ang isa sa mga closet. Oh astig nakaayos na pala 'yung damit nila bilis ah. May kinuha siyang Jacket. Black siya na may white na something. Bored siyang humarap sa akin at hinagis 'yung kinuha niyang Jacket sa closet. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at tinignan ako at 'yung katawan niya. Sign na isuot ko sakaniya 'yong damit. Okay ito nanaman tayo sa susuuotan ko siya ng damit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall In Love with an Anti-Fan (SB19 Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon