CHAPTER 4

513 23 3
                                    

CHAPTER 4: MEET SB19 PART 1

[Clementine's Point of View]

"Tara na?" Tinanguan ko si Issey at kinuha ko na ang bag ko.

Pumara siya ng Taxi at sinabi na sa driver 'yung location na pupuntahan namin.

"Kakayanin mo kaya 'yun?" Tanong niya.

"Ha?"

"Kasi sabi ng ate ko, wala daw nagtatagal na PA don. Mataas daw pride nun at walang sino man ang nakakapagpatino don kapag sinumpong." Sabi niya. Ano siya Tigre? Kailangan turukan muna ng pampatulog para kumalma.

"Sa tingin mo kaya ko siya?" Tanong ko. Alam ko namang hindi ako nagpapa-api pero base sa sinabi niya, walang laban ang kuneho sa isang tigre.

"Goodluck nalang, basta andito naman ako pag inaway ka non e." Natatawang sabi niya. Kaya natawa din ako.

"Bakit b-back up-an mo ako? Susugudin mo siya?"

"Hindi, bibigyan lang kita ng advice na 'wag kang susuko." Sabi niya kaya natawa kaming parehas.

Nakarating na kami sa village nila at Aaminin kong namangha ako sa laki ng bahay nila. Mukha namang wala silang problema sa financial pero bakit nag t-trabaho pa bilang stuff ang ate niya.

"Mukha namang marangya ang buhay niyo pero bakit nag trabaho pa 'yung ate mo bilang stuff?" Tanong ko.

Pinapasok niya muna ako sa loob at pinaupo sa sala bago siya nagsalita.

"Gusto niya daw kasing mas maging Independent at mas maging mature, ewan ko ba sa mindset ng ate ko." Natatawang sabi niya.

"At ikaw gusto mo lang kasing umasa samin nila mommy, you dependent lil girl." Napatingin ako sa babaeng pababa ng hagdan. Ang ganda niya. Stuff ba talaga siya don oh model? Matangkad siya at ang ganda ng hubog ng katawan niya. Parang mas maniniwala pa ata ako kung model siya at bagong Endorser ng H&M.

Nakangiti siyang lumapit sa akin at iniabot ang kamay niya.

"Ako nga pala si Selene, ate ni Issey, and you?" Tanong niya. Tumayo ako bilang pag galang at nagpakilala.

"Clementine Gwyneth Alfaro po, Tintin for short." Nakangiti kong sabi at inabot ang kamay niya. Nahiya naman ako dahil sobrang lambot ng kamay niya.

Pinaupo na niya ako at kinuha ang brown envelope na hawak ko. Bio-data lang naman ang hiningi niya sa akin since Part time lang ako.

"T-totoo po bang Stuff ka lang sa trabaho mo. Mukha po kasing hindi kayo Stress?" Nahihiyang tanong ko. Mukha kasing hindi naman siya Stress na Stress.

"Yup, ako 'yung nag o-organize kung anong susuotin nila, kung anong ayos ng buhok at make-up kaya hindi ako ganon kapagod katulad nung ibang Stuff." Paliwanag niya. Ayun naman pala. Kaya pala ang ganda parin ng ate niya.

"Okay lang ba kung mag start kana bukas? May Mall Show kasi sila kaya kailangan kana agad." Sabi niya.

"Nako, may pasok po ako bukas." Nahihiyang sabi ko. Ibibigay ko pa naman ang reviewer ng mga classmate ko. Sa monday na kasi ang exam kaya hindi ako pwedeng umabsent.

"Don't worry, 5pm pa naman ang start. 3pm ang labas niyo hindi ba?" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni ate Selene, mabuti naman.

"Teka ate, saan ka ba pupunta? Bakit bihis na bihis ka?" Tanong ni Issey. Oo nga mukhang aalis siya.

Fall In Love with an Anti-Fan (SB19 Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon