CHAPTER 6

568 24 8
                                    

CHAPTER 6: CONCERT PART 1

Kagabi ko pa iniisip 'yung sinabi ni Ken. Tingin ba niya uurungan ko siya. Ayon na ba 'yung diskripsiyon nila sa isang tigre, e mukha ngang manok 'yung isang 'yon pano nagmukhang tigre 'yon.

"Tine!" Tinawag niya pa akong dumi lang daw sa paa niya. Nagpapatawa ba siya? Sa ganda kong 'to hindi nababagay ang katulad ko sa madumi niyang paa.

"Tine!" May pa 'Nagkamali kang maging Pa ko.' Pa siyang nalalaman, tingin niya ba ginusto kong maging PA niya? Duh sa dinami rami ng tao sa mundo.

"Tine." Kung hindi nga lang kami inawat ni ate Selene at nung tropa niyang si Sejun malamang dalawa na 'yong black eye non. Nakakainis siya, hindi ba siya tinuruan ng nanay niya kung ano ang ibig sabihin ng "Good manners and right conduct?" Or kahit nang teacher niya nalang tatay niya nang tito't tita niya, baka mas alam pa nang aso kung ano ang ibig sabihin non.

"TINE!"

"Ay Aso." Gulat kong sigaw at napalingon sa humawak sa balikat ko. Kita ko si Issey na hingal na hingal habang nakapatong ang mga kamay sa tuhod.

"Bakit parang hingal na hingal ka?" Tanong ko.

"Hindi ba obvious na tumakbo ako para maabutan ka. Tsaka kanina pa kita tinatawag, bingi ka ba?" Sabi niya habang naghahabol ng hininga. Sorry sakin.

"Sorry may iniisip lang." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Sino 'yung tigre mong amo? Na kwento sakin ni ate pag uwi niya kagabi nagkasagutan daw kayo, or should i say nagsapakan? Totoo ba Tine?" Hindi 'yon masasabing nag sapakan kasi hindi niya naman ako nasapak. Pero 'yung likod ko feel ko may pasa.

"Medyo." Sagot ko, kinunutan naman niya ako ng noo.

"Anong medyo--"

"Clementine Gwyneth!" Alam niyo na kung sino 'yung tumawag, okay.

Ngiting ngiti siya habang kumakaway sa akin, maabot ko lang talaga 'to ng kamay ko, may batok sa akin 'to. Ayan na.

"Aray!" Sigaw niya, alam naman niya kung bakit ko ginawa 'yon. Pero bago pa siya makapag salita ulit napatingin siya sa tabi ko at tumingin ulit sakin.

"Hi, ako si Issey." Pakilala nitong isa, buti naman at alam na niya agad ang ibig sabihin nitong isa.

"Piper." Boyish personality on. Sa akin lang kasi dugyot 'yan si piper. I mean hindi naman sa dugyot sa akin niya lang kasi pinapakita 'yong katarantaduhan, clingy at cute side niya. Pero ngayong lagi ko na kasama itong si Issey feel ko naman magkakasundo narin sila.

Naglakad na kami papasok sa ng gate, sa kanan ko si Issey at sa kaliwa ko naman si Piper. Malapit na kami sa hallway pero wala man lang nagsasalita. Okay ang awkward.

"Kumain na kayo? Tara kain tayo." Bago pa sila makapag salita hinatak ko na sila pareho. 30 mins pa naman bago mag umpisa ang klase.

Pagpasok namin sa cafeteria nagpapatugtog nanaman sila ng kanta ng Sb gensan. Charot, SB19. At nandon din siyempre 'yung mga mukhang clown, may sinisigaw sila bawat line nung kanta habang may winawagayway na mahabang stick na may ilaw, ano bayan? Pantanga.

(We go up!) Yeah we gonna go up, ibibigay ko ang aking puso~"

"Ano Tine, diyan ka nalang?" Nawala ang paningin ko sa mga mukhang clown at pumunta na sa table kung saan nakaupo sila Piper at Issey.

Nilapag ko muna ang bag ko bago pumila sa counter.

"Omg fan ka ng Lany?" Tuwang tuwang tanong ni Issey kay Piper, nilapag kasi ni Piper 'yung phone niya sa table, tapos nakita ni Issey 'yung playlist ni Piper. Puro Lany lang naman kasi tugtog niyan. Kita kong nagliwanag 'yung mukha ni Piper at nakangiting tumango.

Fall In Love with an Anti-Fan (SB19 Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon