prologue

4.8K 112 9
                                    

“Ano ba to? Bakit hindi niyo pa itapon ‘tong mga lumang standee? Last week ko pa ito ipinapaalala, ah?”

Ultimo ang pinakakukubling paghinga, ay nagmistulang ingay sa tindi ng katahimikang bumabalot ngayon sa Tamol Mall.

Bakas ang takot sa bawat manggagawa na halatang nagpapakiramdaman habang pinakikinggan ang sunod-sunod na sermon ng kanilang boss. Buhat pa lamang kasi nang dumating ito ay halatang hindi na maganda ang kaniyang gising. Pati nga ang alikabok sa bintana at ang hindi maayos na pagkakatayo ng walis ay pinuna nito.
 
Saglit na tinabig ni Gardo ang katabi nitong si Baks upang kunin ang kaniyang atensyon.

Kunin mo na 'yung mga poster, pati ‘yung nasa kabilang stock room tapos itapon niyo na. Magagalit lalo ‘yan.”

Sa takot ay walang pag-aalinlangang sumunod si Baks habang si Moira ay nananatiling abala sa pagkakalikot ng mga nananahimik na laman ng stock room. Para bang naghahanap talaga ng ikagagalit niya.

“Pati itong mga poster nandito pa rin?” Buntong hininga na lamang ang naging tugon ni Baks nang mahuli siya ni Moira habang lihim niyang inilalabas ang mga poster sa cabinet. Saglit pa siyang tumingin kay Gardo na para bang nanghihingi ng saklolo.

“Patingin nga ko niyan!” Muling sigaw ni Moira habang iginagalaw pataas-baba ang kaniyang daliring nakaturo sa patong-patong na mga litrato at poster na bitbit ni Baks.

“Tignan niyo, nandito pa rin to oh. Anabelle? Forever 22? Bencho-”

Sa hindi malamang dahilan ay mabilis na napatigil si Moira sa pagsasalita nang madaanan niya ang isang lumang poster ng Benchoppe.

Naramdaman niya ang pamilyar na pakiramdam ng magkahalong saya at kirot sa kaniyang puso. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa isang iglap ay napakalma ng poster na iyon ang sistema niyang kanina pa nagliliyab sa galit.

Matalim niyang tinitigan ang postura ng lalaki. Ganoon pa rin ito, suot ang kulay asul na pambaba at bahagyang nakataas ang kaniyang kanang kamay.

Ngunit hindi sa ganda ng pangangatawan nito napako ang mga titig ni Moira, bagkus ay sa pungay ng kaniyang mga mata na para bang mayroong nais sabihin. Isang kwentong masalimuot ngunit balot ng ganda.

Obra maestra.

At gayon na lamang, pakiramdam niya’y mabilis na nawala ang mga tao sa loob ng silid at ang tanging natira ay sila.

Siya.

Ang lalaki.

Ang pangungulila.

The Mall, The "Marry Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon