14

1.1K 85 53
                                    

Pagdating ko ng venue, nakapwesto na sa kani-kanilang table ang mga attendees. Unang hinanap ng mga mata ko si Toby dahil siya lang naman ang kaibigan ko rito. Nakita ko siyang nakaupo sa bandang gitna, sa left side ng venue. Nakaupo siya sa mesang pandalawahan kaya't medyo nag-alinlangan akong lumapit dahil baka nakareserba pala sa iba ang isang upuan niya, ngunit nang mapatingin siya sa direksyon ko ay iniangat niya ang isa niyang kamay na parang tinatawag ako kaya ngiting-ngiti akong lumapit sa kaniya. Tumayo pa siya para iurong ang upuan ko bago muling naupo sa pwesto niya.

"Kumusta?" Ngiting-ngiting sabi niya. Alam kong simula na naman ito ng mahaba-habang getting to know each other naming eksena ni Toby. Naisip ko tuloy bigla na para kaming teenagers na nasa dating stage.

Last day na ngayon conference kaya't more on formal activities na lamang kami ngayong araw. Agad na nagkwento si Toby tungkol sa niluto niyang almusal na muntik na raw niyang masunog dahil nanunuod daw siya ng Umagang Kay Ganda at nakalimutan niyang may nakasalang nga pala siyang pagkain.
Ipinagmalaki niya ring nagawa niyang maligo nang walang water heater kahit bumagsak na naman sa 10°C ang temperatura kaninang umaga.

Isang pormal na programa para sa pamamahagi ng sertipiko at panay pasasalamat lamang ang naganap ngayong araw. Syempre, bahagi na rin nito ang pirmahan ng mga bagong partnerships, investments, at iba pa.

Natapos ang seremonya sa isang sayawan at noon lamang ako nakakilala ng iba't iba pang mga taong di hamak na mas malalaki ang mga hinahandle na negosyo kaysa sa akin.

Kalagitnaan ng sayawan nang makaramdam ako ng hilo dahil sa dami ng taong nasa loob ng venue, kaya't saglit muna akong lumabas at tumambay sa may garden. Napayakap ako sa sarili ko nang muling maramdaman ang napakalamig na hangin ng Baguio. Inilabas ko pa ang phone ko upang tignan ang temperatura namin ngayong araw.

11°C sa tanghaling tapat. Napailing na lamang ako nang ma-realize kong maling-mali ang desisyon ko na magsuot lamang ng long sleeves na hindi ganoong kakapal. Wala pa nga akong suot na gloves kaya't lalo kong naramdaman ang lamig dahil nanunuot ito sa kamay ko.

"Psst." Tumalikod ako upang hanapin kung sino ang tumatawag ng atensyon ko at pagtalikod ko eh nakita ko si Toby na na nasa loob ng bulsa ang dalawang kamay habang nakangisi at nakayukong naglalakad patungo sa akin.

Gaya kahapon, nakabukas ulit ang unang dalawang botones ng polong itim na suot niya at nakatupi ito hanggang siko. Suot niya pa rin ang gold chain na kwintas ngunit malinis ngayon ang pagkakaayos ng buhok niya.

Bahagya niyang iniangat sa akin ang kaniyang tingin ngunit hindi siya tumitingala. Para tuloy akong napako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan kung gaano kalakas ang dating ni Toby.

"May pupuntahan ka ba?" Tanong niya nang ganap siyang makalapit sa akin. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya dahil nga para pa rin akong natutunaw sa mga titig niya.

"M-meron eh." Bumuntong hininga pa ako na para bang napakalaking tinik sa dibdib ko ang nawala nang masabi ko iyon. Humakbang ulit siya papalapit sa akin at halos kakarampot na lamang ang espasyong naiwan sa pagitan naming dalawa.

"Last day na natin to. Yayayain sana kita sa condo." Hindi ko mapigilang mapatitig sa mga labi niya habang nagsasalita siya at paulit-ulit kong kinumbinsi ang sarili ko na huwag pumayag dahil paniguradong masasaktan si Richard kapag hindi na naman kami natuloy ngayong araw.

"Kailangan kong umuwi agad eh." Pigil na pigil ang paghinga ko habang sinasabi iyon. Aaminin kong nararamdaman ko na rin ang tensyon sa pagitan naming dalawa kaya't itinulak ko na papalayo ang kaniyang dibdib.

Agad naman siyang umayos ng tayo at iniabot sa akin ang kaniyang phone.

"Pwede ko bang makuha yung number mo?" Bumalik sa normal ang paraan ng pagsasalita niya. Hindi na kagaya ng kanina na parang nang-aakit na ewan. Tumango lamang ako at saka itinipa sa cellphone niya ang contact number ko.

The Mall, The "Marry Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon