42

1.4K 78 94
                                    


Nagdadalawang isip akong pumasok ngayon sa trabaho dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Setset. Kahit nga si Richard ay paulit-ulit din akong tinatanong kung sigurado ba akong kaya ko na.

Hindi ko pa kaya.

Pero wala akong choice. Kapag hindi ko pa hinarap ang mga bagay na ito ngayon, lalong lalaki ang problema. Ito yata ang isang bagay na natutunan ko sa dami ng mga pinagdadaanan ko ngayon. Hindi makatutulong kung tatakasan mo ang problema. Lalo lamang itong lalala kung hindi mo pa haharapin ngayon.

"So apparently, habang halos mabaliw-baliw ako rito para lang ayusin 'yung kaso mo, nasa La Union ka to date another man." Professional kumilos si Setset kaya hindi ko alam kung bakit gumagawa siya ngayon ng eksena rito sa Tamol Mall. Kaharap pa naman namin ngayon sina Baks at Tong na mukhang naghihintay rin ng sagot mula sa akin

"Hindi nam-"

"Ako po 'yung kasama niya kahapon, Ma'am." Nanlaki ang mga mata ko bago ako napalingon sa pinagmumulan ng boses.

"Ako po 'yung pumilit sa kaniya na pumunta sa La Union kasi nakikita kong palaging malalim 'yung iniisip niya. Baka kailangan niya munang magpakalayo-layo para makapagpahinga." Bakit niya ginagawa ito? Madadamay lang siya lalo sa gulo kung ipagtatanggol niya pa ako. Hindi na nagsalita si Setset. Tumingin lang ulit siya sa akin bago naglakad pabalik sa opisina niya.

"Gardo, bakit mo sinabi 'yun?" Pabulong na tanong ko sa kaniya.

"Mazam, sunod-sunod 'yung mga problemang dumarating sa'yo. Ayoko lang na maramdaman mong wala kang kakampi." Ngumiti lang siya sa akin bago tuluyang umalis. Ngumiti rin ako sa sinabi ni Gardo pero hindi sapat para mawala ang takot sa loob ko.

Pumasok na lang tuloy ako sa opisina pero hindi ko pa nailalapag ang bag ko, heto na naman si Setset at kasunod ko na agad.

Ibinagsak niya sa desk ko ang kung ano-anong mga papel.

"Fix that. Gulo mo 'yan."

Printed copies iyon ng mga emails na natanggap namin kahapon, gayundin ang mga articles na tungkol sa amin ni Toby at ni Richard. Hindi ko alam kung bakit tinatrato ako ni Setset ngayon na parang kaaway eh kung tutuusin, siya nga dapat at hindi si Richard ang pinagkukunan ko ng lakas sa ganito kahihirap na mga pagkakataon.

Naroon ako sa tabi niya noong siya 'yung mahina pero ngayong ako na 'yung nangangailangan, siya rin 'yung unang tumalikod sa akin.

Richard <3 ringing

Hindi na ako nakatiis. Isinandal ko na lamang sa kamay ko ang noo ko habang sinusubukan kong tawagan si Richard.

"Hello? Bacon?" Bakas agad ang pag-aalala sa boses niya nang sagutin niya ang tawag ko. Hindi ako makapagsalita. Tanging pag-iyak at paghikbi lamang ang kaya kong maging tugon.

"Hello? Nasa'n ka? Anong nangyari?" Pilit kong pinakalma ang sarili ko pero habang pinakikinggan ko ang boses ni Richard parang ang dami-dami kong gustong isumbong. Ang dami-dami kong gustong sabihin.

"Bacon, ayoko na rito." Hinawakan ko ang dibdib ko dahil tumatagos na sa katawan ko ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Parang kailangan kong magbasag o sumigaw o kahit na ano basta't kailangan kong ibuhos itong nararamdaman ko ngayon.

Nagalit si Richard noong narinig niya akong umiiyak, pilit niya akong pinapakwento kung anong nangyari at sinong nagpaiyak sa akin pero hindi ko kayang magsalita. Nahihirapan akong magkwento kaya pinilit niya na lang akong umuwi.

The Mall, The &quot;Marry Me&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon