39

1.2K 71 85
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter contains sensitive words about rape. But this is in no way romanticizing acts of sexual harassment. Please skip if uncomfortable.

"Bacooooon" Palabas na ako ng bahay nang biglang humabol itong si Richard at niyakap ako mula sa likod. Naka-pout na naman siya nang humarap ako sa kaniya. Nginitian ko lang siya at niyakap din pabalik.

"Mami-miss kita" Ganito na ang naging senaryo namin buhat nang magpalitan kami ng vows sa simbahan noong nakaraang gabi. Bagama't walang basbas, mag-asawa na talaga ang naging turing namin sa isa't isa.

Isang linggo yatang naging masakit ang katawan ko dahil gabi-gabing nagyayaya itong lalaking ito tapos ang idadahilan ba naman sa akin eh honeymoon daw! Aba!

"Magce-celebrate pa kami nila Setset ano ka ba!" Sigaw ko habang pinagtatawanan ang page-emote niya. Lalo kasi siyang nagiging clingy pero in a cute way naman. Kapag may mga lakad kaming magkakaibigan,pinapayagan niya pa rin naman ako basta raw eh sa kaniya pa rin ako uuwi.

"'Wag kang iinom masyado ha? Dance dance ka lang"

Muling pagpapaalala niya sa akin. Alam din naman kasi ni Richard na talagang mahina ang tolerance ko sa alak, pero magba-bar kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Tamol Mall dahil ice-celebrate namin ang engagement nina Setset at Ewan.

Hinila pa pababa ni Richard ang body fit na black dress na suot ko pero wala namang nangyari. Ngumiti na lang siya sa akin at paulit-ulit akong hinype, kesyo ang sexy ko raw, kahit anong isuot ko eh bagay raw sa akin at kung ano-ano pang pang-uuto na ang ibig lang namang sabihin ay uwian mo ako ng pagkain mamaya

Ito pala ang isa pang bagay na nagustuhan ko kay Richard. Clingy siya pero pinapayagan niya akong magsuot ng mga revealing na damit. Hinahayaan niya akong I-express 'yung sarili ko, pero palagi niyang sinasabi sa akin na kapag daw nabastos ako ay sabihin ko agad sa kaniya dahil hindi siya magdadalawang isip na kasuhan 'yung lalaking iyon.

Cute 'di ba? Lalo niya akong binibigyan ng dahilan para maging panatag at ligtas sa piling niya.

To: Richard <3

Dito na kami sa bar. Sina Setset, Beauty, Baks, Tong, Gardo, Sasha kasama ko :))

Syempre, ang unang-una kong ginawa pagdating sa bar eh ang mag-update sa asawa ko. Sinabi ko naman na sa kaniya kagabi kung sinong mga kasama ko ngayon pero nag-text pa rin ako ngayon dahil kagabi, akala namin ay hindi sasama si Gardo. Baka magalit 'yun kapag nalaman niyang nandito si Gardo pero hindi ko sinabi sa kaniya.

From: Richard <3

Okay bacon I love you enjoy ka riyan 'wag mo ko pagpapalit huhuhu.

Cute. Alam kong si Gardo ang dahilan kaya napa-text siya ng ganoon pero wala naman kasi siyang dapat ipag-alala, alam niya na 'yun sa sarili niya. Kaya rin siguro hindi na siya masyadong nagseselos sa mga lalaking nakakausap ko.

Palalim na nang palalim ang gabi pero nakadadalawang shots pa lamang ako. Natatakot na talaga akong uminom lalo kapag wala ako sa bahay. Hindi naman kasi ito kagaya ng kapag si Richard ang kasama kong umiinom na panatag ang loob kong kahit makarami ako ng alak eh walang mangyayaring masama sa akin.

"CR lang ako!" Pasigaw na pagpapaalam ko kay Setset dahil maingay masyado at hindi kami magkarinigan. Tumango na lamang ang kapatid ko na mukhang may tama na rin dahil kanina pa ito inom nang inom.

Umihi lang naman ako at nag-retouch nang kaunti bago ako lumabas ng banyo.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na mukha. Nakasandal siya sa pader na kaharap ng CR, magkakrus ang kaniyang mga braso at naka-angat ang isa niyang paa sa pader.

The Mall, The &quot;Marry Me&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon