💐-2 : I.D. Picture

77 6 0
                                    

Daisy's POV



Kapit bahay ko pala yung Dane na yun, akalain mo nga naman! Hayy! mabuti na lang at matulog na nga ako at maaga pa ang pasok bukas.


Kinaumagahan pagkagising ko ay agad na akong naligo at kumain, inayos ko na rin yung mga gamit na dadalhin ko at baon ko para sa lunch. Ka-kailanganin ko pa ba tong mga ibang ballpen ko? Halos limang ballpen na yata yung dinala ko.


Pagkatapos kong ayusin ang mga dadalhin ko ay agad na akong nag-paalam sa mama ko na pupunta na ako ng school. Kami na lang kasi ng mama ko ang natitira sa aming pamilya.


Sumakay na ako ng jeep, pero habang naka-upo ako sa jeep ay nakita ko ang isang lalaki na nakayakap sa isang babae.


Woahh! Mapapasana-all ako ngayon ah.


Papasok palang ako sa may gate ay nakabantay na agad ang guard at tinitignan nya ako kung may suot akong I.D o wala.


Hindi pa pala ako nakakapagpapicture. Hanep! Mukhang hindi ako makakapasok nito huhuhu. Sana papasukin ako ni manong guard.


"Nasaan yung I.D mo?" Tanong ng guard sa akin na nakakunot ang noo.


"Manong guard, hindi pa po ako nakakapag-papicture e."


"Sige! Ikalawang araw pa lang naman ng pasukan kaya hahayaan muna kita, basta next week may I.D kana dapat. Naintindihan?"


"Sige po manong guard maraming salamat po!"




Dane's POV




Hala! Si Daisy ba yun?! Puntahan ko kaya.


"Daisy!" Pagtawag ko kay Daisy na kakatapos lang kausapin ng guard.


"Uy Dane! Good moring! Bakit?"


"Sabay tayo pumasok sa room!"


"Sige! Pasensya na, hindi ako nakapunta kanina sa bahay nyo para sabay tayong pumasok."


"Ano kaba? Ok lang yun Daisy! Alam mo Daisy, kamukha mo si Rose"


"Sino si Rose?"


"Ayy! Wala yun nagkamali lang ako ng sinabi hehe!"


"Hmmm..." Kumunot ang noo nya pero iniwasan ko siya ng tingin.


Agad na kaming dumeretso sa classroom pero napaisip ako ba't sya kinakausap ng guard kanina. Nang makaupo na kami sa aming upuan ay tinanong ko muna sya. Hindi pa naman dumating ang teacher namin.

BOUQUETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon