Dane's POV
Nakakatuwa dahil kaklase ko si Daisy, kinilig talaga ako, napakanda nya, medyo mahaba ang buhok nya, maputi at mala pusa ang kanyang mga mata, cute din sya. Pero hindi ko parin makakalimutan si Rose kasi magka-mukha talaga sila.
Dati nung first year collage ako palagi ko lang naman syang schoolmate hanggang third year collage pero, ngayon sobrang saya ko na, nanggigigil ako sa tuwa.
Habang nanggigigil ako sa tuwa, biglang dumating ang teacher namin kaya ang mukha kong tuwang-tuwa kanina ay naging seryoso na.
"Hello class! I'm Mr. Castillo and I'm gonna be your adviser this year." Pagpapakilala ng teacher namin.
Nagsimula na ang klase at nang matapos ang klase namin ay break time na kaya lahat kami ay agad na pumunta sa cafeteria. Nakita ko si Daisy na walang kasamang kumain kaya agad ko syang tinabihan at sinaluhan.
"Hi! Ikaw si Daisy diba?"
"Ako nga, teka sino kaba?"
"Ako si Dane! Ako yung classmate mo, promise mabait ako." Pagbibiro ko pa sa kanya
"Hahaha! Alam ko naman, halata sa itsura mo." Nagulat talaga ako sa sinabi nya with matching kilig pa.
Mabait naman kasi ako, hindi lang gaanong mabait.
Nang matapos ang break time agad kaming bumalik sa classroom at nagsimula na ang klase.Habang nag di-discuss si Sir, ako naman ay tulala at nakatitig kay Daisy. Maya-maya lang napansin yata ako ni Sir dahil sinigawan nya ako.
"Dane! Makining ka sa lesson, hindi yung dyan ka kay Daisy nakatingin, si Daisy ba teacher mo?!" Galit na sabi ni Sir sa sa-akin.
Si Sir binubuking ako e.
"Sir sa bintana po ako nakatingin."
"Wag mo akong pinagloloko Dane! Kay Daisy ka nakatingin!" Sabi ni sir sa akin tapos sabay 'ayieee' ng mga kaklase ko sa akin.
Si Sir talaga, hindi ako tinitigilan.
"Sige Sir, makikinig na po ako." Sabi ko kay Sir na nahihiya ang ekspresyon sa aking mukha, kaya ipinagpa-tuloy na namin ang klase habang si Daisy naman ay nakangiti lamang.
Nag-ring na ang bell senyales na lunch time na namin, dahil wala pa akong masyadong kaibigan umalis na ako sa classroom at nag-hanap ng pwede kong makainan.
Puno na kasi yung cafeteria.
Maya-maya habang naglalakad ako nakakita ako ng isang mahabang bench na katabi ng pina-papaparkingan ng mga sasakyan, ako lang ang mag-isa na umupo sa isang mahabang bench habang nakatingin lang ako sa mga iba pang estudyanteng na naglalakad.
"Bakit mo ako tinitingnan kanina?" Nagulat ako dahil bigla na lang sumulpot si Daisy at nag tanong. Nakakagulat sya parang lalabas na yung kaluluwa ko!
"Nakakagulat ka Daisy! Jusko!" Pero i love you, ang harot ko tss!
"Huyy! Sagutin mo yung tanong ko Dane!"
"Ano nga ba yung tanong mo ulit?"
"Haysst! Sabi ko bakit moko tinitingnan kanina?!"
"Ba't nga ba kita tinitignan?"
"Nakakainis ka Dane!"
Hindi ko sinabi kay Daisy, mahirap na.

BINABASA MO ANG
BOUQUET
Teen FictionBouquet is a flower arrangement na gusto-gustong matanggap ng mga kababaihan at dito iikot ang istorya ni Dane at Daisy. At kung paano babalik sa nakaraan ni Dane.