💐-4 : Absent

52 4 0
                                    

Daisy's POV



Bakit kaya ganun si Dane? Kanina pa sya'ng umaakto na parang weird. Una, sabi nya sa akin kamukhang-kamukha ko daw si Rose na hindi ko naman kakilala o ka ano-ano but when I'd ask him about who is Rose always sinasabi nya sa akin ang 'nagkamali lang daw sya ng sinabi'. Ikalawa nung i-bigay sa amin ang aming I.D, iniwan nya na lang ako bigla at nag lakad mag-isa. 


What is happening to you, Dane?



Josh's POV



Nakakainis talaga yung Dane na yun! Pag ako talaga nakabalik na sa paaralan patay ulit siya akin. At siya pa talaga ang pinili ni Daisy? YUCK! Mas gwapo pa kaya ako sakanya.


"Nakakainis talaga ang buhay na'to!" Sigaw ko habang papasok na sa aking bahay, sinaraduhan ko na ang pinto ng pagdabog at sabay itsa ng bag ko sa sofa.


"Son, ano na naman ang problema?" Tanong ni Mom habang pababa siya ng hagdan.


"Suspended na naman ako!" Tugon ko kay mom na galit na galit ang tono ng boses.


"Kasi naman nakikipag basag ulo ka na naman! I don't like you na nakikipag suntukan! Ano na lang sasabihin ng mga tao sayo? Sa atin?


"Yan ka na naman Mom! Pagiging mayaman mo na naman iniiral mo! Aakyat na nga lang ako!" 


"Pero hindi ka pa nakakapag dinner!"


"Ayoko ng kumain!" Tugon ko kay Mom at umakyat na sa aking kwarto at humiga ma sa kama ko.


Kaya lang naman kasi ako nagiging basagulero dahil bata pa lang ako wala ng pakialam ang mga magulang ko sa akin, wala na silang iniintindi kundi ang pagiging mayaman nila kaya hindi na ako na turuan ng mabuting asal na galing mismo sa mga magulang ko. Dinadaanan ko nalang sa away ang aking galit sakaling mapansin naman ako ng aking mga magulang at makapag bonding naman kami o magawa namin ang mga ginagawa ng ibang pamilya.


Dane's POV



KINAUMAGAHAN papasok na sana ako kaso pagka-gising ko, sumakit bigla ang tiyan ko. Parang hindi normal yung suntok ni Josh ah? Kunsabagay di naman siya normal na tao kasi alien ang lahi niya. Naisipan ko nalang na wag na pumasok kasi sumasakit talaga ang tiyan ko at nanghihina parin ako sa suntok na ibinigay ni Josh kahapon.


"Anak maligo kana at may pasok kapa." Mahinahong sabi ni Mama sa akin habang nakatayo sa may pinto.


"Ma, bukas na lang po ako papasok. Masama po kasi ang pakiramdam ko e." Tugon ko kay Mama na nanghihina ang boses. 


"Sige nak, dadalhin ko na lang ang pag-kain mo dito. Mag pahinga ka na lang dyan." Sabi ni Mama sa akin at lumabas na sa aking kwarto para kunin ang aking pagkain.


Putek na Josh na yun! Ang sakit talaga ng tyan ko! Hindi ko mapigilang mapa mura sa kay Josh  habang hawak-hawak ko ang tyan ko at namimilipit sa sakit.


Daisy's POV



Habang papasok na ako sa room namin, nakita ko na wala pa si Dane sakanyang upuan. 


Ano ang nangyari don sa kanya? Bakit wala pa yun? 


Dumating na si Sir Castillo at wala paring Dane ang nagpapakita sa pintuan. Sana okay lang siya, di man lang siya nagchat sa akin na aabsent siya.


"Sir, nasaan po si Dane? Bakit po sya absent?"  Itinaas ko ang kanang kamay ko at tinanong si sir na may pagtataka ang ekspresyon sa mukha at boses.


"I don't know Daisy, maybe because of what happened yesterday. Josh and Dane have a fight and napakalakas siguro ng suntok ni Josh sa tiyan ni Dane kaya siguro siya umabsent ngayon. Pero don't worry dahil sinuspend na ng principal si Josh" Tugon sa akin ni Sir habang pinapatong sa lamesa ang kanyang dala na mga libro.


Hala! Grabi talaga tong si Josh! Hindi talaga siya titigil. Hayyst! Sana tigilan nya na si Dane kasi hindi ko gusto na may nag-aaway sakanya.


So ngayon ako na lang mag isang kumakain sa cafeteria kasi si Dane pa lang ang kaibigan ko tapos umabsent pa sya. Nakakamiss talaga ang presensya nya. Kahit  may pagka-weird siya, napapangiti kanalang bigla sa kanyang kilos. 


Nagring na ang bell senyales na mag sa-start na ang klase namin. Tumayo na ako at tumungo sa classroom habang lumulutang ang aking isipan, hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako sa classroom at nakaupo na ako sa aking upuan. Mayamaya dumating na si Sir at nagsimula na siyang magdiscuss habang ako ay hindi nakikinig sa kanya at lumulutang pa ang aking isipan.


Sana hindi na lang umabsent si Dane.


Natapos na ang discussion ni Sir kaya habang hinihintay namin ang break time ay pinayagan muna kaming gumamit ng aming phone tutal tapos naman mag lesson si Sir. Kailangan pa kasi ni Sir na gumawa ng test papers para sa quiz namin kaya umalis na sya sa room at kami ay naiwan sa room habang gumagamit ng aming phone pero tinatamad talaga akong gumamit ng aking phone kasi wala si Dane, ang boring talaga pag wala sya. 


Mabait naman si Dane, palagi syang nakangiti at ang cute nya pag nakikita ko ang magaganda nyang ngiti. Naalala ko kahapon habang hinihintay namin ang aming I.D sandali kaming nag titigan at lumakas talaga ang tibok ng puso nang tingnan nya ako ng ganon.


Hala bakit ganito ang mga iniisip ko!? May gusto ba ako kay Dane?


Sabihin na nating may gusto nga ako kay Dane kasi pag kasama ko sya iba yung pakiramdam ko. Ang sarap sa pakiramdam habang kasama ko siya, palagi akong nahahawa sa kanyang mga ngiti at kahit ang corny ng kanyang mga jokes napapatawa niya parin ako. I think this is one of my  biggest secret na ang hirap sabihin sa kahit kanino. Kasi kada may sikreto ako hindi ko mapigilang sabihin ito sa ibang tao pero ngayon parang ang hirap sabihin eh.


Gusto nya rin kaya ako?  Aish! Tama na nga to'ng mga iniisip ko! Remember Daisy, kaibigan lang ang tingin nya sayo at hindi iyon magbabago. Sana pumasok kana bukas  Dane, miss na miss na kita e.


Ano ang ginawa mo sa akin, Dane? Bakit ganito ang epekto mo sa akin? Nahuhulog naba talaga ako sayo?



TO BE CONTINUED... 



A/N:
Thank you po sa paglala-an ng oras para basahin ang istoryang ito, keep supporting BOUQUET. Please wait for more updates, and also don't forget to vote and comment. Kamsahamnida💜Aishiteru💜


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOUQUETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon