Dane's POV
Papasok pa lang kami ni Daisy sa classroom ay nakabantay na agad si Josh na mayabang sa pintuan at kaagaw ko pa kay Daisy. Naka under cut sya ng buhok, brown yung buhok nya. Ewan ko kung natural yung color ng buhok nya, makapal yung kilay, mataas ang height at may itsura din naman.
Itsurang mukhang aso.
"Saan kayo nanggaling?" Tanong nya sa amin na nakataas ang isang kilay. Daig pa nya ang babae sa katarayan!
"Nag papicture, Bakit?"
"Daisy nakapag-lunch kanaba?" Hindi nya sinagot yung tanong ko at ang kapal talagang dumiretso kay Daisy ko!
"Tapos na Josh, sige babalik na ako sa upuan ko." Tugon naman sa kanya ni Daisy ng mahinahanon.
Bumalik na si Daisy sa upuan nya pero si Josh naman ay nakatingin sa akin ng masama. Pagkatapos nya kong tignan ng masama ay nilapitan nya ako at may binulong sya sa tainga ko.
"Akin lang si Daisy Dane, wag na wag mo syang subukang kunin sakin, kung hindi malalagot ka sa akin."
Aba! Sobra pa sya sa magulang ni Daisy ah! Akala mo pagmamay-ari nya si Daisy! Nakakainis kasi akin lang si Daisy.
Agad akong umupo sa tabi ni Daisy pag-katapos akong binulungan ni Josh sa tainga.
"Anong problema nung Josh na yun?" Tanong ko kay Daisy.
"Ewan ko ba sakanya! Minsan may topak yan eh, last year niligawan nya ako pero hindi ko sya sinagot kasi alam ko kung anong ugali meron sya." Niligawan pala sya dati ni Josh!
"Siguro mahal ka parin nya Daisy"
"Paano mo naman nasabi?!"
"Pag-upo mo kanina may binulong siya sa tainga ko at ang sabi nya ay wag na wag daw kitang aagawin sa kanya kundi lagot ako!"
"Hayaan mo sya Dane, kahit anong gawin nya ay masama parin ang ugali nya."
Maya-maya lang ay dumating na si Sir Castillo kaya nag simula na kaming mag quiz sa math. Pagkatapos ng klase ay agad kaming nag paalam kay Sir at umalis na.
Nakalimutan ko nga pala na cleaners ko ngayon!
Nagpaalam na ako kay Daisy kasi cleaners ko pa. Habang nag wawalis kasama ang iba pang cleaners ay agad ko'ng napansin si Josh na nakaupo lang kahit alam naman nya na cleaners nya ngayon araw.
"Josh! Bakit hindi ka nag lilinis?" Tanong ko sa kanya kasi wala talaga syang ginagawa eh!
"Sinisigawan mo ba ako?!"
"Hindi kita sinisigawan, tinatanong lang kita!" Tugon ko kay Josh. Natumba ako rason ng pag tulak sa akin Josh. Basagulero talaga tong si Josh!
"Wala naman akong ginagawa Josh ah!"
"At sumasagot ka pa ha!" Sabay sipa sa tiyan ko. Naka higa ako sa sahig, nanghihina at di makagalaw dahil sa lakas ng sipa ni Josh sa tiyan ko. Hindi ako makalaban sakanya kasi hindi ako kagaya nya na malakas. Maya-maya ay biglang dumating si Sir Castillo dahil tinawag ito ng kaklase ko dahil sa ginawa ni Josh sa akin.
"What is happening in here!?" Galit na tanong ni Sir kaya napatingin si Josh sakanya na nanlaki ang mga mata dahil sa biglaang pagdating ni Sir.
"Both of you!" Sabay turo ni Sir sa amin. "Into the principal's office! Now!" Dag-dag ni Sir sa sinabi nya, halatang galit na galit ito kasi namumula na ang kanyang mukha sa galit.
Nang nasa prinipal's office na kami ay biglang nagtanong ang principal sa amin.
"Bakit ba kayo nag-aaway?!"
"Kasi po Sir itong si Dane sinigawan nya ako." Sagot ni Josh sa principal. Sa pag-kakaalam ko hindi ganun yung nangyari ah?
"Hindi ko po sya sinigawan Sir, tinatanong ko lang po sya kung bakit hindi sya nag lilinis, cleaners nya po kasi Sir at nakupo lamang siya at walang ginagawa." Dagdag ko sa sinabi ni Josh habang hawak-hawak ang masakit ko'ng tiyan.
"Tinatanong ka lang pala Josh eh! Bakit kailangan mong manakit?! Ilang years kana'ng hindi nag-babago Josh! Palagi ka na lang pinapatawag sa principal's office! You are suspended Josh!" Sabi nang principal gamit ang napakalakas na boses nya.
So ilang years na pala syang pinapatawag sa principal's office? Kaya nga pala sya binusted ni Daisy dahil sa ugali nya. Buti nga sakanya.
Pag-katapos ng pag-uusap namin sa principal's office ay nagtungo muna ako classroom para makuha ko ang bag ko pero biglang kumirot ang tyan ko at parang bumubulwak na ang tyan ko dahil sa sakit na nadulot nito at hindi ko nalang ito pinansin dahil gagamutin ko nalang ito kapag dumating na ako sa bahay.
Habang papalabas na ako ng gate ay bigla na lang may humawak sa braso ko at pinatigil ako sa paglalakad, pagharap ko sakanya ay ang demonyong Josh ang bumungad sa akin.
"Hindi pa tayo tapos! Pagbalik ko sa school na to lagot ka ulit sa akin!" Sabi nya sa akin na umaapoy ang mata at nanggigigil pa ito sa galit bigla na lang ito tumakbo papalabas ng gate.
Hindi pa ba yun nadadala?! Nakakapikon na ha!
Pag-dating ko sa bahay ay agad nag tanong si mama kung bakit nakakunot ang mukha ko at kung bakit daw ako naka hawak sa tiyan ko habang namimilipit sa sakit.
"Wala po ma, masakit lang po ulo ko." Mahinahon kong sagot kay mama.
"Wag mo akong lokohin nak, masakit ang ulo mo pero hawak-hawak mo ang tiyan mo at namimilipit ka pa sa sakit. Alin ba talaga ang masakit sayo? Tiyan o ulo?"
Patay na halata ni mama!
"E kasi po ma..."
"Kasi ano?"
"May nakain lang po akong hindi maganda kaya nagkasakit ang tyan ko."
"Ahh sige mag bihis kana at dadalhan na lang kita ng meryenda, pagkatapos magpahinga kana sa kwarto mo."
"Sige po Ma, salamat!" Mabuti na lang at hindi nahalata ni mama ang pagsisinungaling ko. Napaka sakit talaga ng tiyan ko at parang sasabog na ang organs ko! Hinding-hindi mawawala yung sakit ng sipa ni Josh sa tyan ko.
Makakaganti din ako sayo Josh, hintayin mo'ko.
TO BE CONTINUED...
A/N:
Chapter 4 will be published soon. Sorry po kung hindi ako naka pagpublished ng Three Times A Charm dahil nagbrown out sa amin kanina at nabura ang typings ko. Siguro next week ko na lang ito ipa-published so tuned in mga Parez!<3
___**-**___
Thank you po sa paglala-an ng oras para basahin ang istoryang ito, keep supporting BOUQUET. Please wait for more updates, and also don't forget to vote and comment. Kamsahamnida💜Aishiteru💜
BINABASA MO ANG
BOUQUET
Teen FictionBouquet is a flower arrangement na gusto-gustong matanggap ng mga kababaihan at dito iikot ang istorya ni Dane at Daisy. At kung paano babalik sa nakaraan ni Dane.