-Fae and Mark
Sa facebook.Mark: Hi. ☺
Fae: Hello. :'(
Mark: Bakit sad? :(
Fae: Wala sige. Bye. Busy ako.
Mark: .....
Fae's Point Of View
"...."
Ayan nanaman! Period, period, period nalang palagi kapag nagpapaalam ako. Tapos ano? Actually wala naman talaga akong problema e. Pakipot lang ako! Pero bakit di mo ako pinipigilan!
Sya si Mark. Ang manhid at walang pakealam sa mundo. Tanging sa mga kaibigan lang nya sya nakikipaghalubilo. Pero sakin? Hindi. Sa chat lang. Pero kapag sa personal, Nganga. Alam nyang may gusto ako sa kanya. Pero umiiwas lang sya kapag nagkakasalubong kami. Ewan ko ba dito! Di ko alam kung umiiwas sya dahil galit sya sakin kasi may gusto ako sa kanya o umiiwas sya dahil may gusto din sya? Face Palm! Kapal muks!
FAE!!!!!! BUMABA KA NA JAN KUMAIN NA TAYO.
Haaaaay! Ma! Busog pa ako! Ano bang ulam? Mamaya na lang po.
Tinola, anak. Ano? Di kapa kakain?
Ay wait for me my Darling. Pababa na ako ma. (Goodbye muna magic laptop at bebe Mark)
(While eating...)
Ma. May sasabihin ako sayo.
Ano yun anak? May problema ka ba?
Wala naman ma. Next time pag magluluto ka ng tinola turuan mo ako ah? Ang sarap kasi e. Walang tatalo sa luto ng pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa. ❤
Naku. Nambola ka nanaman. Kumain kana at baka lumamig pa yang paborito mong ulam.
Pluk! Pluk! Pluk!
Pluk! Pluk! Pluk!Tsss. Ayan nanaman. Mga arabong nagcha-chat sakin. Naku. Ma, pwede ko bang ireto sayo yung mga yon?
Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo! Kung ako sayo ikaw nalang. Mas gusto ka ng mga yon. Dahil bata ka . Pero di ako papayag. Naku ayokong makapangasawa mo ang mga ganyan. Kahit may pera pa yan! Ang gusto ko, Basta mahal ka at di ka iiwan kahit anong mangyari, Sige lang.
Wow ma ha! Di mo nga ako pinagbo-boyfriend e. Tapos pinaguusapan natin mapapangasawa ko. Sooooo, pwede na akong magboyfriend? ☺☺☺
Hindi sa porket pinaguusapan natin yan. E, sinabi ko nang pwede ka ng mag boyfriend! Maghugas ka na lang. Mas nakakatuwa pa kesa sa mga balimbing mong sinasabi jan. Gora!
Sus. Kwento mo sakin love story nyo ni papa. I guess nakakakilig yan.
Di mo ako madadaan sa mga ganyan mo! Maghugas ka na!
Opo! Maghuhugas na. Sungit!
Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Syempre humalik muna ako sa pinakamamahal kong ina. ❤
Pagbukas ng laptop.. Eto agad ang nabasa ko.
Mark: busy?
Uy..
Hey..
Pretty Classmate?
Awww.
Bye :/
Agad ko naman syang nireplayan. Pero sa kasamaang palad. Nag out na.Aish! Dapat dinala ko nalang to e! Hmp! (Sabay kotong sa laptop)
Pluk!
Agad kong binuksan. At nagdadasal na si Mark. At di naman ako nabigo.
Mark: Uy!
Fae: Ano ba? Dami mong chat ah! Kumain ako!
Mark: Sorry. Akala ko snob ka nanaman e. May assignment ba tayo?
Fae: Di ko alam e. Nakalimutan ko.
Mark: Ay sige. Goodnight. Bye. Kitakits bukas.
Fae: Mamaya na please.
Mark: o? Akala ko ba busy ka?
Fae: Sige na nga. Goodnight. Bye!
Bakit kasi sobrang pakipot ko! Hay! Makatulog na nga.

BINABASA MO ANG
Until we meet again.
Romance"In the end, ako parin ang umuwing Luhaan. Ako na nga ang nagmahal ng "Wagas", Ako pang napag-iwanan. Well, ganyan talaga ang life. May darating at May aalis. Tanggapin mo man o hindi, wala kang magagawa dahil iyon ang ikot ng kapalaran mo." By the...