Prologue

34 6 1
                                    

Nakapikit pa ako't nagheheadbang sa saliw ng rakrakang musikang tumutugtog sa earplugs ko.
Im in a good mood today. Not until this group of girls blocked my way. Di yata nila alam na corridor to at hindi tindahan ni aling Bebang para tumambay sila't magchismisan. I secretly rolled my eyes. Popular girls wanna-be. Should I include them on my list already? Apat din agad to.

"Uy. Narinig nyo na ba? May pinatay na naman daw na estudyante kagabi!" naghihisterical na sabi ng isa.

"Oo nga! Eto oh. Mukhang na-hack na naman din ni MV yung phone at accounts nya. Nakapost sa lahat ng SNS accounts nya kung paano siya pinatay! It's horrifying!" dagdag pa ng isa na mas lalong nagpadagdag sa paghihisterical ng iba.

I smirked. It is so fun to look at their terrified faces. It creeps them out while it feels so good to me.

Tumikhim ako dahilan para mapatingin sila sa akin. I plastered a convincing fake smile on my face.

"Hi girls! What are you talking about?" I ask, para bang curious na curious sa kanilang lahat.

"Oh. Hi Clio, ah eh. Eto kasi..." nagdadalawang isip na inabot nya sakin ang phone nya.

Eto ang gusto ko. They see me as the most inocent girl not just in class, pero sa buong campus. Yes. I am pretty popular because of that.

Inalis ko ang earplugs ko at nilagay ot sa bulsa ng light blue oversized hoodie ko. I love the color blue. The way I love doing such things.

"Ano ba 'to teh?" I asked, innocently.

"Naku. Kung hindi mo kayang manood ng patayan, wag mo nang panoorin ha? Mamaya, magcollapse ka pa jan." nagtatapang-tapangang sabi ng isa.

Girl, kung alam mo lang.

I just shrugged at pinlay na ang naturang video.

I can't help but to smirk. Ang galing pala ng videography  skills ko. Parang totoong serial killer movie.

"Ang galing naman niya. Parang totoong pinatay talaga. Anong title ng movie?" I asked them, causing them to look at me with this "seryoso-ka-ba" look.

"Girl, totoong murder yan."

"Pangatlong biktima na sya ngayong linggo."

"I heard, yung naunang dalawang biktima, cyber bullies.  Tapos iyang nasa video, madalas post nang post ng 'ang sakit ng puson ko, gusto ko ng fries, milktea' and such."

"Ganyan naman talaga ang mga biktima n'yang si MV eh."

Yeah. Tama siya. At least MV gets rid of those 'toxic' and 'papansin' in every SNS.

"MV?" I asked, pinilit ko pang maging kuryoso ang boses ko.

"Hay nako. MV kasi she leaves an 'MV' mark on her victims faces or minsan, sa tiyan. MV, as in Modern Verdugo"

I can't help but to smile. It feels so good to hear my killer name, na may halong kaba at takot ang pagkakasabi. Yes. I am that 'Modern Verdugo'. Surprised? No. Don't be. Mas masusurpresa ka sa mga magagawa ko.

"But come to think of it, Verdugo is Executioner in English. And her victims most of the time are cyber bullies. Maganda pa din naman 'di ba?"

Yes girl. I am just making sa social media world at peace.

And with that, umalis na ako.

I've heard enough. Their fears make me wanna exercise tonight. And when I say exercise, I hope you already know what  I mean.

Modern Verdugo's going to attack tonight.

Babaeng Sinukahan ng AsulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon