Because of that Ryan guy, nawala na ang antok ko.
I opened my laptop and saw that the video is already uploaded hours ago. I smirked. It went viral again, of course. I didn't bother to read all the comments simply bcs I am not in the mood. I changed Cali's password and deleted her accounts. For sure marami nang nakapagdownload ng vid na yon. Hindi ko ma kailangang kumilos para mas lalong kumalat pa ito.
Hindi ko alam kumg dahil kay Ryan o dahil ba naligo ako ng gabi pero sumasakit ang ulo ko.
Sinubukan kong tumayo ngunit mas lalo lang sumakit ang ulo.
"Tangina talaga" literal na napapamura na lang ako sa sakit.
Kahit mahirap, pinilit kong tumayo.
Ilang ulit pa ay nagtagumpay ako. Sapo sapo ang sariling ulo, dahan dahan akong naglakad patungo sa kusina.
"Tangina migraine ba to o ano?" sobrang sakit pakiramdam ko'y hindi na normal ito.
Nang makarating sa kusina, agad kong hinanap ang gamot dineretsong lunok ito.
Hindi ko alam kung bakit pero parang mas nakasama yata.
"Painkiller ba to? Bakit parang mas sumasakit?"
Sa sobrang sakit, napasigaw na ako at naibato ang baso sa ibabaw ng mesa.
Ilang sandali pa't mas lalo pa itong sumakit.
Kinakapos na ako ng hininga't nandidilim na ang paningin ko.
Patuloy lamang ako sa pagsigaw ngunit hindi ko marinig ang sarili kong boses.
Ilang sandali pa, tuluyan na akong nawalan ng malay...
"Sige, tumakbo ka ng tumakbo. Siguraduhin mong hindi kita maaabutan." Kasabay nito ay isang nakapangingilabot na tawa.
T-teka... nananaginip ba ako?
"Sige lang, hayan na ako." Kasunod nito'y mabibigat na yabag at tunog nang nagkikiskisang metal.
Sandali! Ano to?!
"Hayan na akoooo. Isa..." papalapit na siya
"Dalawa..." hayan na siya
"Tatlo!" Bumulaga sa harapan ko ang isang lalaking naliligo sa dugo. Sa isang kamay ay may hawak siyang itak, sa kabila'y isang palakol.
"Binigyan kita ng pagkakataon ngunit hindi ka tumakas"
Sandali ... Patuloy ako sa pag-atras ngunit hinahabol niya ako.
"Tapos na ang habulan bata. Humanda ka nang sumunod sa mga kasama mo."
Tila nabingi ako nang maramdamang nakasandal na ako sa pader.
Hindi... Sinong kasama? Sinong susunod? Bakit hindi ako lumaban? Bakit hindi ko magawang lumaban? Bakit?
Agad akong tumingin sa mga kamay ko at napagtanto kung bakit. May malalim na sugat ito at tiyak kong ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko na ito maramdaman.
"Ano? Handa ka na ba?" Isa na namang nakakakilabot na tawa ang pinakawalan niya.
"Tssk tssk tssk. Sayang ka bata. Ang ganda mo pa naman... Bakit kasi hindi ka tumakas?"
Ilang hakbang pa'y nasa mismong harapan ko na siya. Amoy na amoy na ang nakasusulasok na amoy ng dugong bumabalot sa kanyang katawan.
Hindi ko kaya. Nakakasuka. Ngunit bakit? Sanay na sanay ako sa amoy ng dugo ngunit bakit tila hindi ko kaya ang amoy nito ngayon?
BINABASA MO ANG
Babaeng Sinukahan ng Asul
Misteri / ThrillerMeet Clio Hera Vasilieva, your typical 2nd year college student at Gibson University slash part time barista at Han's Cafe. What could she be possibly hiding behind that blue clothes and innocent face of hers? Any guess?