5

130 3 1
                                    

Really, I didn't sleep. Not one bit. Paulit-ulit bumabalik sa isipan ko yung sabaw moment ko with Chris. Namumula na lang akong nagkulong sa kuwarto pagkatapos no'n. Hindi ako lumabas sa sobrang kahihiyan kahit gusto kong mag-explore sa beach. Pero hindi na ngayon, no? I'm going out. I'm going to enjoy this vacation that cost each of my damn penny. Wala akong pakialam kahit magkita pa kami uli ni Chris.

"Omg, mom!" sigaw ng bata sa likod ko. "It's Captain America!"

Napatakbo ako. Shocks, joke lang naman, Lord, hindi ka na mabiro. Huwag n'yo po munang pagtagpuin ang mga landas namin ni Chris. Huwag n'yo pong hayaang magkasalubong kami sa beach o kahit sa hallway. Alam kong medyo imposible dahil magkatapat ang rooms namin pero please, Lord. Hayaan n'yo po munang makalimutan niya ang katangahang ginawa ko.

"Hi, Chris!" sigaw uli ng bata. "Can I take a picture with you?"

Okay, evacuate! Marg, evacuate! Umalis ka riyan at magpanggap ka na starfish, dali!

FIRST KISS (A CHRIS EVANS ONE-SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon