"Get ready anak!" Sigaw ni papa mula sa ibabaw. Nakaupo Lang ako sa sofa at parang ayaw ko lang umalis.Di parin magkada-ugaga si Papa sa paghahanda. Siya yung nag handa ng mga gamit na dadalhin ko sa Probinsiya. Para na talagang Mama si Papa eh. Bihira lang kasi mag alaga si Mama sakin kaya siguro si Papa yung pumalit.
"Punta ka na sa Ospital pa!" Baka ma late pa yun. Anong oras na.
"Mamaya na! After I send you off." Parang tanga to.
"Gusto mo ba ng Jacket?" Pinakita niya yung white hoodie ko. Tumango nalang ako tapos mabilis niya Itong pinasok sa bag. Maleta sana ipapadala niya sakin eh apat lang naman na araw kami doon."Anak! Mag bihis kana. In any minute andito na si Ryan." Alam Kong normal lang pag kakasabi ni papa kaso, may bahid parin ng pang aasar. Pag ako na fall, no.1 ko siyang sisihin.
May busina mula sa labas na agad namang ikinangiti ni Papa. Mabilis siyang nakapag lakad papunta sa pintuan.
Excited naman ako pero masyado kasi akong maaga GINISING!
Pwede naman mamayang alas onse.6:24 pa oh!
"Join us in breakfast hijo." Pag yayaya ni Papa Kay Ryan. Tumango ito at tumingin sakin.
Agad naman akong nag iwas ng tingin. Wala lang, normal lang naman siya sakin. Mas gumwapo siya sa soot niya. Hoodie na kulay mustard tsaka black pants niya.Psh, mas gwapo parin yung mga lalaki na nakilala ko...
"Kanina kapa Aeriah, bilisan mo na at maka-alis na kayo ni Ryan" ma awtoridad na sabi ni papa, alam Kong di niya ako pinagbabantaan wala Lang pabibo lang siya.
Tumayo na ako at nagbihis na. Nagsoot din ako ng hoodie na kulay puti, yung pinakita ni papa kanina tsaka black na jogger pants. Di na ako masyadong nag pa ganda polbo at lip balm lang. Ma issue pa ako Kay Papa.
Bumababa na ako, wala sila papa at Ryan sa kusina ganon din sa Sala, Baka nasa labas na sila.
Kinuha ko na yung bag ko tapos sinoot ko na yung hoodie ko sa ulo.
Di nga ako nagkamali.
Nasa sasakyan sila ni Ryan, Baka chine-check ni papa yung sasakyan.
Nakita ako ni Ryan kaya mabilis niyang kinuha bag ko at nilagay sa passenger seat.
Eh?
Nakita pala ni papa yun, Kaya ngumisi siya tapos nagpatuloy na.
"I checked everything. Basta mag ingat ka sa pag da-drive. Si Aera na ang bahala sa kung saan kayo pupunta." Bilin ni papa Kay Ryan. Ngumiti si Ryan tsaka pumasok na sa sasakyan niya.
Tiningnan ako ni papa tsaka pinag buksan ako ng pintuan.
"Mag ingat kayo anak." Pang aasar na naman niya. May ngisi parin sa kanyang labi kaya sinuntok ko siya sa dibdib niya.
"Napaka malisyoso mo para sa isang ama." Mahina Kong suway tsaka sinirado ko Ang pintuan.
Pinagbuksan ni Ryan ng bintana si Papa at nag paalam na.
Pina andar na ni Ryan Range Rover niya. Napakatahimik Kaya nag salita na ako.
"Di pa tayo nakalabas ng Downtown Kaya, may signal parin, kaso pag nakalabas na tayo, di na natin magagamit ang navigation." Ang sinasabi ko ako na bahala.
Tumango Lang siya at focus parin siya sa pag mamaneho.
Habang nasa daan kami may nakita ako na nag titinda ng mga chichirya kaya pina hinto ko na muna siya.