"Sabi ko naman sayo eh! Matamis ang pinya namin dito. Ini-export pa yan." Pag bibida ko pa sa pinya na tanim namin dito. Nasa kubo kami na malapit lang sa taniman ng mga pinya.Di pa siya tapos sa pag hihiwa ng mga ito. At tinitikman niya rin pagkatapos.
"This is sweeter than this." Pag kukumpara pa niya sa dalawang pinya.
Eh alangan naman!"Kasi nga...Hinog na iyang sinasabi mong mas matamis. Ito talaga." Umiling nalang ako at kumuha rin ng slice ng pinya.
Di parin siya tapos sa pinya at nilalantakan parin niya. Tiningnan ko na muna ang paligid, wala na yung mga harvester dahil napaka-init dahil tirik na tirik ang araw tsaka yung manggahan di naman masyadong malayo.
"Sa manggahan tayo pupunta mamaya, pagkatapos mo dyan. At pag hindi na masyadong mainit." Inihanda ko na yung sling bag ko at nililigpit ko na rin yung mga balat ng pinya.
Seryoso bato? Pangatlo na na pinya nakain nito ah!
"Hoy? Di pa ba masakit dila mo?" Umiling siya at nagpatuloy parin sa pag-kain. Di ako makapaniwala sa mga nakikita ko.
"Mag kakasakit ka talaga niyan! Tumigil ka na nga jan." Pag suway ko na talaga sa kanya, sure ako mag co-constipate yan mamaya. Acidic Kaya ang pinya, masakit sa tiyan.
"Acting like a girlfriend." He said it nonchalantly. Like he was teasing me. Agad naman akong napatingin sa kanya. Jusko...
Para bang wala siyang sinabi.
Nakakainis, Hindi pa kami in good terms kaya mag titiis talaga ako.Mataman ko siyang tinititigan. Bukod sa pagiging gaspang ng ugali niya minsan, perpekto na sana to'.
"stop staring" wala paring emosyon na sambit niya. Umikot nalang eyeballs ko. Ang OA as in.
"Anong gagawin mo pag tapos na tayo sa mga gagawin natin ngayong araw?" Tanong ko sa kanya, kasi mamaya mag babasa ako ng mga libro ko sa school. Kailangan ko ring mag advance study para naman may ideya na ako.
"Study." Sagot niya sabay abot ng wipes sa gilid niya.
"Ah, ganon ba.." Panunuya Kong sagot.
"Oo, ganon nga.." Pang-gagaya niya sa tono ko.
Nyenye......
"Pag nakita mo na ang manggahan mamangha ka talaga. Di naman sa pinagyayabang ko pero totoo talaga." Pagbibida ko gusto ko talaga ipakita yun dahil yung yung favorite part ko dito sa farm kasi di masyado mainit dahil malalaki ang mga puno ng mangga.
"Ingay." Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad. Nauna na siya doon.
"Diba ang ganda!."
"Oo, puno parin." Nagpatuloy siya sa paglalakad at tumigil sa tapat ng puno na may maraming bunga.
"Kukunin ko yan para sayo. Ilan gusto mo? Bring it on." Paghahamon ko sa kanya at dali dali akong umakyat sa puno ng mangga kaso wala akong maapakan kaya naghanap nalang ako ng sanga na maabot ko.
"Medyo nahihirapan ako dito na part, wait ka lang." Pilit kung inaabot yung sanga na malapit lang sa height ko. Binalingan ko siya ng tingin at hindi talaga siya gumagalaw at hinihintay niya lang ako.