Di parin talaga mawala wala sa isip ko yung application form na yun. Ilang prof na ang pumasok at Ilang subject na ang natapos ngayong araw na to wala akong ni isang nakuha na lesson, magugulat nalang ako may pa quiz quiz na ang nagaganap."Wala ka palagi sa utak dae. Makinig ka nga." Sita na ni Sketch sakin. Di ko kasi talaga maintindihan si Ryan.
Ang gusto niya hindi lang isang doctor kundi..............
"Ah............ganon pala...." Bulong ko sa sarili at nakikita kong tiningnan ako ni Sketch at napangiwi.
Kung ganon. Gusto niyang maging sundalo tapos pano yung pag dodoctor niya?
Kakausapin ko talaga siya mamaya. Jusko namannnnn......
Pagkatapos ng klase lumabas na ako agad. Gusto ko naring umuwi, at puntahan si Ryan.
Medyo na tagalan pako dahil wala masyadong jeep na dumadaan sa tapat ng school di rin masyado kami magkasabay ng sched ng uwian nila Phen at Stian kaya kadalasa ako ang nauunang makauwi.
Pagpasok ko sa bahay si mama ang bumungad sa akin. Medyo nakunot ang noo ko sa pagtitig niya. Chine-check niya kung ano ang meron saakin kaya ako rin chinecheck din katawan ko. Wala namang dumi.
"Ah Mama, nakauwi ka na pala. Kumusta trip niyo ni Nanang?" Sabi ko at salamat naman at tumigil na siya.
"It's nice that I get to know with the other businessmen. Nakakapagod lang." Sagot niya nakatayo lang kami dalawa sa pintuan at nagtitigan.
Na miss ko siya. Ngumiti ako sa kanya."How's school?" Tanong niya sa akin na ikinagitla ko, minsan Lang si mama mag tanong!
"Mabuti naman Mama, mahirap pero nakakayanan ko naman gusto ko yung architecture kaya dapat tiis lang ako."
Ngumiti pa ako ng ngumiti. Nakita ko na nag smile si mama."Bahalag lisod basta dili mo undang. Ayaw na kalimti." Kahit na mahirap basta wag kang susuko. Wag mong kalimutan yan.
Tumango ako sa kanya. Di man Kami masyadong close di kagaya ni Papa pero mahal ko talaga si mama kahit na rin ang sungit at napaka disciplinarian niya sakin at kahit minsan rin di ko maintindihan at nagagalit din ako sa kanya, pero alam ko naman na para sa akin din naman lahat yun."Magbihis kana. May pagkain na sa kusina." Sabi niya bago siya umalis at pumunta sa taas.
******
Kanina pa nakauwi si Phen at kahit na marami siyang pinagkakaabalahan ngayon andito parin siya sa kwarto ko chismis lang kami chismis tapos mamayang gabi di to matutulog dahil gagawin niya lahat yung mga requirements niya. Jusko.
Di ako makapaniwalang tinitigan siya sa mga sinasabi niya ngayon daig pa babaeng nasa bakasyon, napakalaki ng bunganga at tumatawa sa mga sinasabi niya na hindi naman ako nakikinig.
"What?! Kanina pako masaya tapos you keep on looking at me like...." Nagsmirk siya tapos dinuro ako. "that." Pagtuloy niya sa sinabi.
"Tanong ko lang talaga Phen. Bakit ba di ka masyadong busy eh mag dodoctor ka. Si Stian nga di ko masyadong nakikita kasi busy." Tiningnan lang niya ako ng walang emosyon at nagbuntong hininga.
"You know I don't like being manipulated right? Pero I'm here kahit ayaw ko." Tumayo na siya at nagpaalam tsaka lumabas na sa kwarto ko pipigilan ko pa sana siya kaso nakalabas na.