*MUST READ*
"Hey dude! Uuwi kana ba? Gala muna tayo." Aya sa akin ng kaklase kong si Ryle. Malamang sa bilyaran nanaman ang punta nito.
"Hindi ako pwede ngayon pre, pinapa uwi agad ako ni lola." Sagot ko dito.
Kasalukuyan kaming bumababa ng hagdan. Kakatapos lang ng huling klase namin sa araw na ito.
"Ah ganun ba? Sayang naman libre daw kasi ang laro sa bilyaran ngayon." Sabi na nga ba at bilyar nanaman. Pero kahit adik naman ito sa bilyar ay hindi naman sya pabaya sa pag aaral. Dahil pa nga sa larong iyon kung bakit sya nakakapag aral ngayon sa private school. At varsity player namin sya.
"Sayang naman! Matagal tagal na din akong hindi nakakapag laro. Hanggang kailan nga pala libre?" Tanong ko dito.
"Ang alam ko isang linggo. Nanalo kasi ang anak nun sa billiard competition kaya parang celebration na din." Ahh kaya pala. Makakapag laro pa pala ako ng walang bayad hehehe.
"Buti naman at isang linggo. Laro tayo sa Sabado at Linggo." Aya ko kay Ryle.
"Sige ba! Oh pano text text nalang ."
"Sige, bye"
Tumango ito at nanakbo na sa gate.Habang naglalakad naman ako napansin ko ang babaeng nakaupo sa bench, nakayuko ito. Hindi ko man makita ang muka nito alam kong sya yun!
Lumapit ako dito at umupo sa tabi.
"Uyy musta kana?" Tanong ko sa bestfriend kong si Margaux.
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay na ako. Syempre hindi." Bumuntong hininga ito at tumingin sa akin. "Eh sya? Kamusta na sya?" Ang tinutukoy nya ay yung ex-boyfriend nyang kaklase ko din.
"Hanggang ngayon ba naman sya pa din ang inaalala mo?! Kamusta sya? Ayun masaya, parang walang nangyari at may bago na ding girlfriend." Inis kong turan. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko, ako ang nasasaktan para sa kanya dahil hindi nya deserve masaktan ng ganito.
Tumulo naman ang mga butil ng luha sa mga mata nito."Sorry hindi ko mapigilan." Umusog ako ng konti at niyakap sya."Paano nga ba mag move on Esel (Shann Lorenzo)? Sobrang sakit na kasi." Saad nito habang patuloy sa pag iyak.
"Magsimula ka sa acceptance Max, kapag yun nagawa mo na magiging madali na sayo na kalimutan sya. Mag isip ka ng good memories twing malungkot ka." Kumawala naman ito sa yakap ko at ngumiti ng mapait.
"Paano ko gagawin yun kung kasama pa din sya sa mga magandang alaala na mayroon ako." Unti unti itong nagpunas ng luha at pagak na tumawa." Hindi ko akalain na kung sino pa yung nakapagpasaya sa akin ng sobra, sya rin ang magiging dahilan kung bakit ako nasasaktan ng husto ngayon. Napaka mapaglaro talaga ng tadhana." Ani nito habang inaayos ang sarili.
Sobra akong naaawa sa kanya dahil naging saksi ako sa lovestory ng dalawang to. Nakita ko kung paano magmahal si Margaux hindi mo nga aakalaing 14 palang ito grabe kung magmahal. Kahit pa wala syang pera at nahihiya syang humingi sa daddy nya, mangungutang talaga sya ng pamasahe para lang magkita sila ni Reigan. Maalaga at habang sila nga never itong naattract sa ibang lalaki kahit crush lang wala.
In short wala akong makitang mali para saktan nya si Margaux. Napaka abno talaga ng kolokoy na yun tsk!
"Madali lang yan! Edi gagawa tayo ng bagong good memories na kaming mga kaibigan mo ang maaalala mo. Ok na ba yun sayo?" Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil alam kong kailangan nya ako, kami.