Chapter 5

0 0 0
                                    


'TAKE CARE AND BE HAPPY'

'TAKE CARE AND BE HAPPY'

'TAKE CARE AND BE HAPPY'

'TAKE CARE AND BE HAPPY'

"Aaaahhhhh!!!!"

*PAK!*

"Bakit mo naman ako sinampal Sam?!" Napahawak ako sa pisngi ko na ngayon ay nangangapal sa lakas ng sampal nya sakin. Ngunit hindi lang ang kanan kong pisngi ang namamanhid, pati na rin ang kaliwa.


"Sorry naman! Kanina pa kasi kita ginigising. Sobra akong nag alala sayo, binangungot ka yata." Nakayuko ito at tila na giguilty sa ginawa nyang pagsampal sa akin.

"Pwede mo naman kasi akong gi-----what the hell?! Anong nangyari? Bakit basa?" Para akong naligo.


"Like what I've said baby. Kanina pa kita ginigising. Sinampal na kita, inalog at binuhusan ng tubig pero walang epekto tapos bigla kang sumigaw kaya sinampal ulit kita. Sorry na Lorenzo." Sinsero nitong sabi.


Inangat ko ang muka nya at hinalikan ang tungki ng ilong nito.


"Ako ang dapat magsorry. Hindi dapat kita sinigawan."


Ngumiti naman ito.


"Ok lang yun. I understand. Pero ano nga ba yung napanaginipan mo?" Tanong nito.


Bumalik na naman. Bakit ko nga ba napanaginipan yun?


"Lorenzo?" Napatingin ako sa kanya.


"Oh sorry. I just dreamt about being eaten by--uhm." Napatingin ako sa paligid at napako ang tingin sa dalawang butiking naghahabulan sa pader at wala sa sariling nasabi ang. "Lizards".



"Lizards? Hahaha really Lorenzo?" Ayy letche! Dapat pala zombie nalang para mas kapani paniwala naman... kasalanan to ng mga butiking yun.



Napangiwi naman ako.


"Hmm. Ang weird naman nun hahaha. Grabe pinakaba mo ako ng sobra kanina." Nakalabi nitong sabi.


"Sorry na nga po." I said and pecked her lips. Kakagigil eh haha.


"Baby I have to go now, may duty pa kasi ako. I just dropped by to check if your ok." Saad nito.


"Ah sige baka malate ka pa. And thank you dahil dumaan ka at ginising ako." Sabi ko.


"You're welcome baby. So pano alis na ako. Bye Lorenzo, I love you." Paalam nya at saka ako dinampian ng halik.



"Take care and I love you too." Ngumiti ito at saka naglakad palabas ng aking kwarto.


Dito ako nagiistay sa bagong bili kong condo. Ginagawa pa kasi yung bahay ko, and since I am ang Engineer I am the one who designed at planned the house and choose the materials to be needed also.



Naalala ko nanaman yung nightmare ko. Kung sa iba normal lang yung ganoong panaginip, pero hindi para sa akin. Nanariwa tuloy sa isip ko yung mga kagaguhan ko dati.



Napatingin ako sa kalendaryo na nasa nightstand ko. Its been 12 years since she left and up until now hindi parin sya bumabalik o may balak pa kaya syang bumalik?



Sinunod namin yung gusto nya. Nag aral kami mabuti hanggang sa mapasama kami sa mga topnotchers at deanlister. Sinigurado namin na magiging proud sya sa amin pagbalik nya dahil naniniwala kaming babalik sya. She wont promise something that she cant do.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ConsequencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon