*Chapter 3*

0 1 0
                                    


*Must Read*




Pipikit na sana ako nang-------


(Phone ringing!!)


"Hello?! Sino ba 'to?!" Bwisit istorbo! Inaantok na ko eh.



"Naging busy lang ako nakalimutan mo na agad ako? Hahaha." Oh shit! Napabangon ako at tinignan ang caller ID. Natampal ko naman ang noo ko ng makita ko kung sino ito. Tila nawala yung antok ko.





"Luh hindi Sam! Sorry patulog na kasi ako nung tumawag ka at hindi ko kasi tinignan yung caller ID." Paliwanag ko.





"Ok lang by." Sagot ni Samantha sa akin." Itatanong ko kasi kung pwede ba tayo mag gala bukas. Gusto ko kasing bumawi dahil naging sobrang busy ko."




Para namang tumalon ang puso ko sa sinabi nyang yun at napangiti ng malawak. Hindi ko ito inaasahan. Hindi pa man kami nagkikita kinikilig na ako hahaha.




"Oo naman by. Magkita nalang tayo sa AC Mall. Ok ba sayo?" Sabi ko





"Hmm sige. Lorenzo salamat ha." Napakunot naman ang noo ko.





"Salamat san?" Tanong ko.





"Salamat kasi nandyan ka padin kahit na nawawalan ako ng time sayo lagi, at kahit na mahirap akong intindihin hindi ka pa din humanap ng iba. Thank you for staying loyal to me and faithful to our relationship. It really matters to me baby, youre giving me reasons to love and trust you even more. Thank you for proving me that trusting you is not a mistake. Thank you and I love you Lorenzo." Madamdamin nitong payahayag. Napangiti ako pero agad din itong napawi ng maalala ko yung mga nangyari kanina. Shit!!





Maling mali ako. Hindi ko dapat pinaabot pa doon. Totoo nga talaga na nasa huli ang pag sisisi, hindi ko kayang saktan si Samantha, masyado ko syang mahal. ANG TANGA TANGA KOOO! ayoko namang isipin ni Max na matapos may mangyari sa amin iiwan ko nalang sya bigla. Pero sa mga narinig ko sa girlfriend ko para akong sinampal ng ilang beses. Hindi ko na alam ang gagawin ko.






"By? Are you still there?" Napabalik naman ako sa katinuan.





"Ah y-yeah Sam, sorry. Of course by mahal na mahal kita kaya iintindihin kita hanggang sa makakaya ko. Because you're the only one that I want and the only one I love." Sabi ko dito.





Nakokonsensya ako pero wala akong magawa. Hindi ko alam kung paano sila pakikiharapan. Guilt and regret are eating me up. Dapat una palang hindi na ako nakipagrelasyon kay Max, edi sana wala akong problema ngayon.





"I know baby hehe. Kinikilig ako hahaha. And thank you for that. I love you." Ani nito.





"I love you more Samantha Luciano- Vargas." Napapangiti ako habang binabanggit ang pangalan nya kasunod ang apelyido ko.






"Hehehe you really never failed to make me smile baby----ahm Lorenzo I need to sleep na pala. At isa pa general practice ng graduation nyo bukas.





Ahead sakin ng 2 years si Sam. Im 16 while she's 18, 2nd year college na ito.






"Ahh ok goodnight I love you." Tugon ko.





"Goodnight I love you too. Bye." Ani nito saka pinatay ang tawag.




Bumalik naman sa isip ko ang problema. Naiistress ako. Humiga nalang ulit ako at ipinikit ang mga mata.. Hanggang sa makatulog.







ConsequencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon