Grabe parang minuto lang ang itinulog ko. Agad akong bumangon at pumasok sa banyo upang maligo. Nang matapos agad na akong nagbihis.
'Take care and be happy'
Tsk! Eto nanaman! Bakit ba pasok ng pasok sa isip ko yon?
Magkikita pala kami mamaya, sana naman wala na yung vold treatment nya sa akin----hindi kasi ako sanay.
Alam kong tama lang yung ginawa ko na makipag split sa kanya pero hindi pa din ako masaya dahil nasaktan ko sya at kahit papano minahal ko naman sya. At isa pa mas lalo lang syang masasaktan pag pinatagal ko pa.
'tama Lorenzo ganun nga'
Pero nasan na pala sila?
Lumabas ako ng kwarto pero hindi ko sila makita. Napatingin ako sa reg at may nakita akong sticky note doon. Nilapitan ko ito at binasa.
'Goodmorning handsome!! Maaga kaming umalis dito dahil need namin umuwi ng bahay. But before we leave, we prepared a breakfast for you dahil alam namin na late ka nanaman magigising. See you later! WLY!!
-Camilla
Mabuti na din siguro to. Hindi ko kasi alam kung papano ko pakikiharapan si Max. At hindi pa ako makamove on sa usapan namin kagabi.
(Phone ringing!!!)
Si Sam.Hello Sam, goodmorning!" Masigla kong bati dito.
"Goodmorning din. Nasan kana pala?"
"Nasa bahay palang, pero paalis na ako. Bakit?" Tanong ko habang nginunguya ang sandwich na hinanda nila Camilla.
"Nandito na kasi yung family mo baby. Hinahanap ka nila eh. Bilisan mo, its already 9:30 at 10 am ang start." Sagot nito.
"Ah ganun ba. Pakisabi papunta na ko."
"Ok, ingat ka. I love you." Napangiti naman ako.
"I love you too, baby." Paalam ko.
"Bye."
Nagmamadali akong lumabae ng bahay at nilock ito. Agad akong pumara ng jeep at sumakay.
Pagdating ko sa venue ng graduation namin, agad akong pumunta sa gilid kung saan ko nakitang nakaupo ang pamilya ko.
"Goodmorning. Sorry nalate ako ng gising." Bungad ko sa kanila.
"Oh andyan kana pala." Si lola. "Congratulations apo." Lumapit ito sa akin at yumakap.
"Congrats kuyaaa!!" Bati ng mga kapatid ko at amain.
"Salamat. Kumain naba kayo?"
"Opo kuya, bago palang kami pumunta dito." Sagot ni Jelai, kapatid ko.
"Mabuti naman. Tara na magsisimula na." Inalalayan kong tumaya si lola at sabay sabay na naglakad papasok sa loob at saka umupo.
**************
Kanina pa nagsimula ang ceremony at nababagot na ako. Habang patuloy ang pagtawag sa mga estudyante, iginala ko ang aking mga mata at nakita ko sila Margaux, Camilla, at Farrah sa kabilang side. Nakangiti nilang pinanonood ang bawat estudyanteng aakyat sa entablado.
And I forgot to mention a while a go that Max is our batch Valedictorian. Hindi na rin nakagugulat dahil sa angking talino at sipag nito sa pag aaral, active sa mga school activities at never itong naging top 2, 3 and so on 'cause she is always on the number 1 spot. She's already popular since we're in grade school. Pano ba naman laging hakot awards at syempre dahil din sa pagiging mabait, nagtututor ito sa mga schoolmates naming nangangailangan ng walang bayad, makita lang daw nya na tumaas ang grades nito masaya na sya. While me and our friends are just average.