Kabanata 2

2 0 0
                                    

Ilang araw matapos ng balitang natanggap ko kay Lana ay nagsimula na rin akong magmove on. Chararat!

Mahal ko siya and he's not obligated to love me back. Diba nga? Masaya na akong mahal ko siya at isa pa...hindi pa ko successful kaya hindi pa ko pwedeng lumandi.

"Aalis kami, ha. Doon muna kami sa kabilang bahay, bisitahin namin kuya mo at dadi mo. Alagaan mo 'tong bahay. kapag may nawala dito malilintikan ka sakin." paalam ni mamshie

Wow! May care sa bahay, sakin wala.

Pinagmasdan ko ito na nag aayos ng mga gamit nila ni Max "Sige po." Bastang basta sila, ha. Halatang sabik na sabik makita ang true happy family and it exclude me.

Nang makaalis sila ay kumain na ako dahil 6pm naman na at saka ako natulog.

Ako lang mag isa pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. One thing about me, I can sense danger kahit tulog ako. Not literally na may power ako pero ewan ko, basta. Siguro sa sobrang love sa akin ni God, iniinform niya ko sa mga pain, dangers, and everything na makakasakit sa akin thru signs and feelings. Eme lang!

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko and there I saw a pair of foot beside me. It's not a ghost. I know, I'm sure. Tinignan ko ito na mukhang ikinagulat niya. I simply look at my wrist watch to see what time is it.

Alas dos na pala. Kilala ko siya kaya malamang na talagang nagulat siya dahil nagising ako. Lumapit ito sa akin pero di ako nagreact. I kept the alertness in my body without reacting any. Ganito ako noon pa. Never mo akong magugulat o ano. My reactions are always absent.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at tinignan siya sa mga mata niya sa pinakamalamig at pinakamatapang na paraan na kaya kong gawin. Mula sa pwesto ko ay naaamoy ko yung alak sa lalaking nasa harap ko. Naiiyak na ako sa sobrang takot pero kung ipapakita ko ay walang maitutulong.

Lumapit pa siya ng lumapit at mas lalo ng lumalaki yung takot sa puso ko. Ayokong maulit yon. Natatakot na ako. Ilang inches na lang ang lapit niya at palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko pero hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ko.

"Subukan mo." kalmado pero nagbabantang sambit ko na mukhang nagbalik sa kaniya sa ulirat.

Tumakbo ito palabas ng bahay namin at doon na nagsimulang rumagasa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Yakap yakap ko ang sarili ko at patuloy na umiiyak.

Puro hikbi at salitang papa lang ang lumalabas sa bibig ko.

"Pa-papa *hik papa."

Asan ka ba papa? Kailangan kita. Tulungan mo ko papa.

Papa...

Papa kailangan kita...

"Papa"

Kailangan ko ang papa ko. Ang tunay kong ama. Kailangan ko rin ng proprotekta sa akin pero nasaan siya? Papa miss na miss ma kita. Pa, kailangan po kita.

"Papa, I need you." huling salitang nasambit ko at sa pagod sa pagkakaiyak ay kusa ng pumikit ang mga mata ko

...

...

...

"Anak antayin mo si papa. Magkikita rin tayo. Lakasan mo ang loob mo, anak. Mahal na mahal ka ni papa" sambit ng matandang lalaki na medyo malayo sa akin. Malabo ang mukha niya kaya hindi ko makikilala pero alam kong si papa yon.





Bago pa ko magsalita ay unti unti na siyang naglaho sa paningin ko.




"Elise gising! huyy!!!"





Above the Moon and Below the StarsWhere stories live. Discover now